Chapter 6

45 13 16
                                    


"Don't stare."

I sighed and looked away.

I thought of the paperbag he brought that contained snack from the coffee shop.

"Mila, can I have a favor?"

She stopped abruptly and then looked at me, "Sure. What is it?"

Tumingin ako kay Mason na nasa 'di kalayuan. I faced Mila and smiled a bit, "Can I order for him?"

Tumango siya, "Sure. 'Yon lang ba?"

"And c-can I ask you to give it to him when he wakes up?" I asked shyly. Baka kasi kung anong isipin nito. Nagmamalasakit lang naman ako sa tao, at... bilang classmate na din?

Mila laughed a bit, "No problem, and I guess you'll ask me to not tell him who gave it, no?"

I blushed profusely and tucked my hair behind my ear before nodding.

Nakangiti siyang tumango sa akin saka tumalikod para umalis. She's nice, ah. I wonder where she's studying? Mukhang ka-edad niya si Kuya or maybe younger?

Bumaling ako sa inorder kong frappe. I took a sip and looked at Mason again. Bakit kaya dito siya natulog? 'Di kaya siya hinahanap sa kanila?

I just shrugged when I couldn't think of answers to my questions.

Anyway, nakakainis pa 'rin siya. I rolled my eyes and looked outside.

Sana lang kainin niya 'yon. Sayang naman din kung hindi.

Minutes passed and our Math teacher came. He is a middle-aged, bald man. He has a smiling face so we're kinda fond of him. Mr. Baleria is very fatherly and strict at the same time. He's also good at teaching pero kahit siguro talaga magaling ang teacher, kung math ang subject, wala pa rin.

We're really fortunate that our first subject of the day is Math.

Please note the sarcasm there.

Umagang-umaga, manlalata ka na agad.

Ang ilan kong kaklase ay nag-ingay sa sandaling nawala si Sir para lumabas. Sinabi niyang pinatawag daw siya sa faculty at babalik din naman agad.

Dahil ang topic ay Algebra, kali-kaliwang komento ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto.

"Ang hirap!"

"Pano nangyari 'yon?"

Nangunguna na rito ang kaklase naming sobrang ingay. Maeda Canlas and her squad are always the one to start the noise. Madali silang naging nagkakaibigan dahil pare-parehas na maiingay. Narinig ko ding magkakaklase ang karamihan sa kanilang grupo kaya close na agad.

"Guys," lumingon ang karamihan sa klase sa nagsalitang si Maeda. "Alam na pag may quiz ah." Tumawa ang mga nakikinig sa kanya saka nagsimula na namang mag-ingay.

Since this is the creme section, we are all expected to perform at our best. Sa isang linggo ko silang nakasama, masasabi kong natutuwa akong narito ako sa klase na ito. Ramdam kong walang kompetensya sa bawat isa, tanging pagtutulungan lang. Maliban sa iilang madamot talaga.

Nang pumasok ulit si Sir, instant na bumalik na sa dati ang lahat. Pati ang mga kanina lang ay natutulog o hindi man, naka-earphones ay mabilis na umayos ng upo.

Dala dala ang ilang papeles na sa tingin ko galing sa faculty, lumapit siya sa mesang nasa gitna ng silid. He scanned the room and gave us a toothy grin, "May meeting, kaya madedelay ang quiz--"

Hindi pa man tapos ang sinabi, nagsigawan na ang mga nasa klase. Natawa si Sir at may kalakasang pinalo ang board na nasa kanyang likuran para kunin ang atensyon ng lahat.

The Pain Of DaffodilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon