Kabanata 33

313 17 3
                                    

"So ang sinasabi mo may girlfriend na si estevan at guest siya sa hotel na pinagtatrabahuan mo?", takang taka na tinanong sa akin ni aira

"Ganun na nga", malungkot kong sinabi

"Grabe paano siya nagka-girlfriend sa ibang bansa eh napakasuplado nun?", natatawa niyang tanong

Tumawa ako ng peke habang umiinom ng kape.Nasa bahay si aira at sabay kaming nagaalmusal

"Okay ka lang ba beshie?",tanong sa akin ni aira

Nahalata niya atang kanina pa ako matamlay habang kinikwento sakaniya ang nangyare kahapon

Tumitig lang ako sakaniya at hindi ko alam kung bakit tumulo bigla ang luha ko

"Uy beshie anong nangyayare sayo?", napabitaw siya sa pandesal na hawak niya at tinabihan ako

Humihikbi lang ako habang pinupunasan ang luha ko

"H-hindi ko din alam", humagulgol na ako ng iyak at naghanap siya ng tissue para ibigay sa akin

"Portia Bartolome,tapatin mo nga ako", sambit niya

"B-bakit?",tanong ko

"Ikaw ba ay meron pa ding feelings kay estevan",nakataas ang isa niyang kilay habang hinihintay ang sagot ko

Umiyak lang ako ng umiyak at hinawakan niya ang ulo ko at hinarap sakaniya

"Portia", tawag niya sa akin

"OO!,oo gusto ko pa din siya,beshie anim na taon kong hinintay si estevan,hindi ko na kaya tong sakit na nararamdaman ko,pakiramdam ko mamamatay na ako sa sakit",niyakap niya ako at tinapik tapik ang likod ko

"Gaga ka,napaka-gaga mo.Ano ba ako sayo ha?,kaibigan mo ako portia bakit hindi mo man lang sinabi sa akin yan",sermon niya sa akin.

"Sobrang nagsisise na ako beshie sa naging desisyon ko noon",sambit ko at patuloy pa din ang pag-iyak

"Beshie hindi mo naman kasi makokontrol ang damdamin ng isang tao.Anim na taon na din ang nakalipas at paniguradong makakamove on talaga si estevan dun", malungkot niyang sinabi

"Bakit ako?nakayanan kong maghintay beshie,nakayanan kong tanggihan ang mga may balak ligawan ako,kasi beshie ang sinabi ko sa sarili ko babalik din siya pero hindi ko akalaing babalik siya na may kasama ng iba",humihikbi kong sinabi

"Tahan na beshie,bakit hindi mo kausapin si estevan?kamustahin mo at magkaroon kayo ng closure?",sambit ni aira

"Oo beshie,gagawin ko yan.Gusto kong malaman kung nakamove on na ba siya kasi kung oo handa naman akong umalis beshie",pinunasan ko ang luha ko at kumalas sa pagkakayakap sakaniya

"Basta beshie nasaktan ka kaya  nagiging greedy ka ngayon,pero isipin mo din ang maaring masaktan sa gagawin mong desisyon", sambit ni aira

Naisip ko bigla ang girlfriend ni estevan.Oo nga pala,may girlfriend na siya.

Siguro imposible nang bumalik siya sa piling ko.

Dahil may babae na siyang iniibig,at hindi na ako yon.

Nag-ayos na ako ng aking sarili at lumabas na kami ni aira sa bahay

Sinundo siya ni kristoff at nagpaalam na ako sakanila

Habang nasa kotse ako nakita ko ang text ni aira

"Ingat beshie,ang puso ha:>"

Napangiti naman ako sa text niya at pinaharurot na ang aking kotse

Nag-park na ako at lumabas na sa aking kotse at naglakad na papuntang entrance pero nabigla nalang ako ng makita ang isang lalaki sa harap ko

Gulat na gulat din ang kaniyang mukha at halatang hindi makapaniwala

"Portia?", sambit nito

"Estevan", sambit ko at ngumiti sakaniya.



Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon