Kabanata 34

423 19 10
                                    

"Portia?",sambit nito

"Estevan",sambit ko at ngumiti sakaniya

Nakatulala pa din siya sa harap ko

"What?para namang nakakita ka ng multo", biro ko sakaniya

"Sorry hindi ko akalaing dito kita makikita", natatawa niyang sinabi

"Ah yes dito ako nagtatrabaho sa hotel",sambit ko

"Dito sa hotel?akala ko--", hindi pa niya naipagpatuloy ang sasabihin niya at nagsalita na ako

"Yup,wala eh hindi para sa akin ang job na yon",nakangiti kong sinabi

Umaarte akong normal sa harap niya,tinignan ko siya mula ulo hanggang paa

Sobrang laki ng pinagbago ni estevan,palangiti at hindi na siya suplado ngayon

"So kamusta ka na?grabe pinaplano ko palang pagkikita nating lahat tapos eto ka na nasa harap ko", masayang masaya niyang sinabi

Base sa expression ng mukha niya,mukhang wala na siyang nararamdaman para sa akin

"Ako din hindi ako makapaniwalang dito pa talaga tayo sa parking area nagkita.Ayos naman ako,bumukod na sa family at kumikita na ng pera",nakangiti kong sinabi sakaniya

"Oh good,by the way portia dito ako sa Hotel magsstay for a month kasi may business akong aasikasuhin so mukhang magkikita tayo araw araw kaya kausapin mo na sila aira para reunion naman",naninibago ako habang nagsasalita siya sa harap ko

Sobrang daldal at kwela na niya,estevan ikaw pa ba ito?

"Ah so 1 month ka lang din dito sa Philippines?", tanong ko

"Unfortunately yes,gusto ko mang tumagal pero wala eh I need to go back.Pero next week portia ang pinakamasayang linggo para sa akin", sambit niya

"Bakit?", tanong ko

Pinakita niya ang singsing sa daliri niya at nakangiti siya sa harap ko

Natulala lang ako at bumilis ang tibok ng puso ko

Gusto kong umiyak,pero ayokong ipakita sakaniya

"Oh my gosh,congratulations!", bati ko sakaniya

Ngumingiti lang ako sa harap niya pero sa kalooblooban ko durog na durog na ako

"Excited na ako sobra,hindi lang talaga about business pinunta ko dito sa Pilipinas kundi itong kasal namin ng fiancée ko,plano kasi naming dito talaga ganapin kasi andito lahat ng mga malalapit sa akin", sambit niya

"A-ahh ganun ba? grabe naman pala napakaswerte mo sa buhay estevan", tumatawa ako habang nagsasalita

"Ikaw? may asawa ka na?", tanong niya

Pinakita ko sakaniya ang kamay ko

"Oh diba walang singsing,wala pang balak", natatawa kong sinabi

"Nako bakit naman? sa ganda mong yan portia panigurado madaming naghahabol sayo kahit ako dati nagkagusto sayo eh", natatawa niyang sinabi

Tama nga ako,wala na siyang nararamdaman sa akin ngayon.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil baka magtaka siya

"Bolero", sambit ko

"Babe", biglang may nagsalitang babae sa likod ko at nakita kong ngumiti si estevan

"Hi babe", sambit naman ni estevan

"Babe si portia kaibigan ko,portia fiancée ko si Cora", sambit ni estevan

Ngumiti ako sakaniya,pinagmasdan ko siya at ang ganda niya.Talaga ngang mukhang anak ng mayaman si cora,halatang halata sa kutis at pananamit niya

"Hi Cora", sambit ko

"Hi Portia nice to meet you", sambit niya

"Oh siya mauna na ako ah,invited dapat ako sa kasal",biro ko kay estevan

"Oo naman", sagot nito

Tumalikod na ako at kumaway sakanila

Habang naglalakad ako tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ko

Sobrang sakit,ang sakit sakit

Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon,pakiramdam ko pinipiga ang puso ko

Estevan bakit ka pa bumalik,sana hindi ka nalang bumalik

Sa loob ng anim na taong ikaw lang ang iniisip ko,hawak ka na pala ng iba

Ang sakit sakit

Kaibigan nalang ang tingin niya sa akin ngayon,akala ko sa araw na babalik ulit siya ng Pilipinas mababawi ko na ang desisyon ko noon

Pero bakit engaged na agad siya sa iba,bakit nakalimutan na niya agad ako

Putsa namang pag-ibig to!

Ang hirap hirap!

Ang hirap hirap mong mahalin estevan

Ngayong handa na ako at kaya ko na ipagmalaking mahal kita,hindi na pala pwede

Estevan hurt me so bad that pain lost its meaning,hindi ko na alam ang gagawin ko

Deserve ko ba ang nangyayare sa akin ngayon?

I know I've made a mistake before pero alam ng diyos kung paano ko pinagsisihan iyon

Siguro nga deserve ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon

Dahil sa panahong ako ang mahal niya

Pinalaya ko siya.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon