1 : Good Start

24 0 0
                                    

Author's Note

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

Chapter 1: Good Start

Panibagong taon, panibagong masasayang memorya nanaman ang mabubuo. 

Yan din ang isa sa inaasahan ng mga mag-aaral at guro dahil hindi lang naman sa lahat ng oras ay kompetisyon ang kanilang pinaghahandaan. 

Ang paaralang ito ay tunay ngang maituturing bilang ikalawang tahanan, dahil bukod sa matitino, responsable at masiyahin ang mga tao dito; ay dito mo din maaasam ang payapang lugar. Tahimik, puno ng mga halaman, malawak, at malinis na kapaligiran lamang ang makikita mo.

Na kahit kailan, hindi sasagi sa isip mo na mayroon itong kung anong di mo na gugustuhing malaman..

"Kamusta?" masayang pagbati ng guro sa kaniyang bagong mga estudyante. "Pamilyar na sa akin halos lahat ng mga estudyante ko ngayon ah," dagdag pa niya.

Pumasok ang halos mga hiyawan na sagot ng mga estudyante sa kanilang guro, dahil isa sya sa pinakamahusay na guro sa paaralang Midston. Bukod sa pagiging mahusay, hindi maipagkakaila na sya'y nagtatangi ng kagandahan na kahit ang mga estudyante ay napapamangha.

"Nako! Nakakatuwa namang si Ms. Carson pa ang naging adviser natin ngayong school year! Parang ayaw ko na matapos 'tong taon na 'to kung ikaw lang din ma'am!" pabirong sabi ng isang etudyante na nanguna sa hiyawan kanina.

"Mukha ngang ayaw mo na talaga matapos ang taon mo, Mr. Rivero. Kung gusto mo naman eh, ako na ang tatapos nito," pabirong sagot ni Ms. Carson.

Nagsitawanan ang kaniyang mga estudyante't nagsimulang magkaasaran. Masaya silang nagpatuloy sa paglolokohan hanggang sa napansin nila ang kanilang kaklase na tila bang tahimik lamang na nakaupo sa tabi ng bintana ng kanilang silid aralan.

Agad rin naman napansin ni Ms. Carson ang biglaang pagkatahimik ng kaniyang klase nang dahil sa iisang estudyanteng hindi umiimik at nakatingin lamang sa mga punong sumasabay sa sayaw ng hangin. 

"You!" sigaw nito. "Person at the back, are you with us?" dagdag pa nya na may halong pag-aalala. 

Lumapit sya rito dahil napansin nya na para bang hindi sya naririnig ng estudyante. "Okay ka lang ba?"

Nagulat ito, "Pasensya na po."

"Bago lang po kase ako sa school na 'to. W-wala pa po akong kilala at kaibigan.." pag-aalangan nyang sagot.

"Wag kang mag-alala iho, handa kaming umalalay sa'yo," sagot ni Ms. Carson sabay turo sa kaniyang mga kaklase na kumakaway at mga nakangiti.

Hindi na sya nagdalawang isip pa at ngumiti sya agad, sabay bumati. "Magandang Umaga. Ako nga pala si Lorenzo, Renz nalang siguro para mas madaling mabanggit." 

"Yun oh! Tropa! Welcome to the club!" pagbabati ng isa nyang kaklase.

Agad namang napatawa nito si Lorenzo at Ms. Carson. "See, Mr. ..?" pagtatakang tanong ni Ms. Carson.

"Acuesta po, ma'am." sagot ni Lorenzo.

"Oh tignan mo, Mr. Acuesta, mayroon ka nang bagong pamilya. Wag kang mahihiyang makipaghalubilo sakanila ha? Besides, ituring mo silang mga kapatid na din. Magkakapatid na kahit sa kamatayan ay di magkakahiwalay," pagmamalaki ni Ms. Carson.

Tumango nalang at ngumiti si Lorenzo sa sinabi ng kaniyang guro. Pagkatapos nito, ay nagpatuloy na sila sa pagsimula ng kanilang klase. Bumalik na sa harapan si Ms. Carson at sinimulan na ang pagsasalita. 

"Pst! Tropa! Ako si Trois Rivero. Sabay tayo mamaya sa breaktime, gusto mo?" pabulong na sabi ng kaklase nyang nagpakilalang Trois. 

"Walang problema, mukhang masaya ka naman kasama. Kanina ka pa nagbibiro sa klase eh." sagot nito sabay tumawa nang patago.

Ginantihan nalang rin ng tawa ni Trois ang sagot sa kanya ni Lorenzo at patuloy nang nakinig sa sinasabi ni Ms. Carson sa harapan. 

"..At tutal unang araw pa lang naman natin ngayon, pagbibigyan ko muna kayong lahat na kilalanin nyo ang bawat isa. Hindi muna ako magtuturo sa araw na 'to. Madali lang naman mahabol yung mga lesson sa subject ko, kaya sainyo muna yung isa't kalahati kong oras."

Nabalot nanaman ng hiyawan ang buong klase nang marinig ang anunsyo ni Ms. Carson.

"Renz! Tara, labas na muna tayo. Isa't kalahating oras pa naman eh," nakangising sabi ni Trois.

"Sige ba."

------------------------------------------------------------------------------

"Alam mo, hindi ka nagkamali ng piniling school para lipatan. Wala kang pagsisisihan dito," pagmamalaki ni Trois habang nangunguna sa paglalakad nila ni Lorenzo. "Teka nga, bakit ka nga pala lumipat pa ng school eh dalawang taon nalang naman, magtatapos na tayo ng college," pahabol nito sabay harap kay Lorenzo at tumigil sila sa paglalakad.

"Madami kaseng kwento tungkol rito, kesyo maganda raw at marami ka talagang matututunan sa mga professors na nagtuturo sa school na 'to. Eh sa dati kong pinasukan, panay walang napasok na prof dun, panay nagpapa-attendance lang. Kaya yun, wala na din kaming natututunan. Naisipan kong lumipat."

"Anong school ba yan? at nang maireport na sa CHED," pabirong sabi ni Trois.

"Hindi mo gugustuhing malaman," sagot ni Lorenzo at bigla syang tumawa.

Napatawa na din si Trois at biglang nanahimik nang mabaling ang kanyang atensyon sa nakita ng kanyang mga mata. "Pre, tignan mo. Parang may babaeng nakatayo sa tabi ng hagdanan sa 3rd floor oh." 

Biglang napatingin naman si Lorenzo kung saan nakatingin ang mga mata ni Trois. 

"Nasaan banda?"

Walang sumagot sa kanyang tanong kaya ibinalik na nya ang kanyang tingin sa harap kung saan kanina'y nakapwesto si Trois. 

"Huh?" pagtatakang tanong nya sa kanyang sarili. "Nasan na yun?" ibinaling nya naman ang kanyang tingin ulit sa kaninang itinuro ni Trois at..

"Hule! Pero di kulong!" humagalpak sa tawa si Trois nang makita ang gulat na itsura ni Lorenzo.

"Chix din naman pala ang nais ha. Basta babae, lingon agad eh."

"Sira ka talaga! Saan ka ba galing?" pagtatanong ni Lorenzo sabay tulak nang marahan sa balikat ni Trois.

"Nandito lang ako, di naman ako nawala. Hindi ka kase tumitingin sa paligid mo kaya hindi mo 'ko nakita agad!" pang aasar na sabi ni Trois. "Tara na nga't bumalik na tayo sa klase, baka ako naman gulatin mo eh."

"Pero may nakita ka nga ba talaga?"

Napangisi at napabugtong hininga si Trois, "Hindi mo pa ba alam? Ito mismong pinagtayuan ng school na 'to, ay dating tapunan ng mga patay."

"T-talaga ba..?", nauutal utal pa na sagot ni Lorenzo.

"Hmm. Dito ko nga tinapon ex ko nung highschool eh. Cause of death? Matatamis kong salita at nakakapanindig balahibo kong mga galawan," seryosong pagkakasabi nito sabay hagalpak ng tawa. "Biro lang! Kung may marinig ka man na mga kwento tungkol sa school na 'to na hindi maganda, wag kang maniniwala. Gawa gawa lang yun."

Napahingang malalim nalang si Lorenzo sa mga kalokohang pinagsasabi sakanya ni Trois. "Muntik na 'kong maniwala." 

/kleizza


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon