05-06-20
I hate you
Irene x Seulgi.
Oneshot.Hi, everyone! It's been a while. I don't know if may readers pa ba ako or what, pero napagpasyahan ko na magsulat ulit tuwing nagkakaroon ng oras at ginaganagan ako. I'm currently working on RVF album oneshot compilations. Pero hindi ko sure kung matyatapos ko agad so ito muna ang ipopost ko. Matagal ko na to sinulat, mag-isang taon na rin. Sorry, cringey. Mapagtatyagaan na. HAHAHAHAHA.
Sa June 1, isang taon na tong fic na to pero ngayon ko lang mapopost. I feel bad, charot. Enjoy!
***
"TO be honest, I hate you. I really really hate you." Yan ang lumabas sa bibig ni Irene, nang makausap ko siya. Nakasandal siya sa locker niya habang nilalaro niya ang susi sa kamay niya. Sinulyapan niya ako ng tingin, habang ako naman ay nakacrossed arms lang habang nakatingin sa kaniya. Ngumunguya ng bubble gum, at pinapalobo ang bubble gum sa bibig ko.
Well, I'm not surprised.
Halata naman-kung paano siya tumingin sa akin, kung paano niya ako irapan, banggain sa tuwing magkikita kami sa hallway, kung paano niya ako sungitan at sigawan. Halatang ayaw niya sa akin. Halos ipagtabuyan niya ako tuwing malalaman niya na kagroup ko siya sa isang activity. Kulang na nga lang, paalisin niya ako sa classroom namin-o sa school, mismo sa sobrang inis niya sa akin.
Ang ipinagtataka ko lang. . .bakit? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Simula nang lumipat ako sa school na 'to-talagang pinapamukha niya na sa akin na hindi ako bagay dito, na dapat akong umalis dito. Lagi niya akong sinusungitan, at pinapahiya. She's cold-rude, and arrogant. But I can't deny the fact that she's so beautiful-with those pink and soft lips, warm eyes, milky skin, sweet smiles. I love everything about her face-na hindi ko na isasama ang attitude, cause to be very honest, I don't like her attitude.
Bakit naman ako matutuwa sa ugali niya, eh wala naman siyang ibang ginawa kundi ang awayin at pahiyain ako? Oo, hindi ako ganun kayaman pero kailangan ba niyang ipamukha sa akin na hindi ako bagay sa school na 'to? Na hindi ako ka-level ng mga tao dito?
"I know, Irene-I know." I sighed, I'm tired, pagod na ako sa mga away namin na nauuwi lang naman sa walang kwentang usapan. Pointless arguments. It sucks. "If you hate me, just leave me alone." Mabigat ang pag-hinga ko, yes, yun naman ang gusto ko-gusto kong wag nalang niya akong pansinin, tantanan nalang niya ako, at wag nang guluhin. Pero bakit ang hirap sabihin? Bakit ang bigat sa pakiramdam na pinapalayo ko na siya sa akin, eh wala naman siyang ibang ginawa kundi bigyan ako ng sakit sa ulo-at puso.
"I hate you so much-" Huminga siya ng malalim, "To the point that I can't leave you alone." Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. What is she trying to say? Kung ayaw niya sa akin, iwan nalang niya ako. Ayaw niya pala, eh. Bakit ayaw niya nalang akong layuan? Para naman hindi na niya ini-stress ang sarili niya.
"Why?" I asked her, nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at nginunguya ko pa rin ang bubble gum na nasa bibig ko. "Bakit mo pinapahirap pa ang buhay mo? Kung ayaw mo sa akin-dahil naiirita ka sa mukha ko, o naiinis ka sa suot ko, kung naiinis ka dahil hindi ako mayaman katulad niyo, o naiinis ka dahil natatalo kita sa mga dance competition, kung ayaw mo sa akin dahil natalo kita sa quiz bee noon-I'm sorry. J-just forget about it and I'm begging you to stay away from me dahil I'm tired of these shits-"
"I don't hate you that way, Kang Seulgi." Agad niyang pinutol ang sinasabi ko at napatingin ako sa mga mata niya. May something sa mata niya-na hindi ko alam kung ano. Diretso ang titig niya sa akin, ang ganda ganda niya talaga, too bad, she hates me.
BINABASA MO ANG
I hate you 彡 슬린
Fanfiction❝I hate you so much, Kang Seulgi.❞ Irene x Seulgi. / ©BJHKSG.