+PROLOGUE+

40 9 4
                                    

*****

"Asan na ba si Shula? Inis kong sabi kina Kenna at Nina.

Nauna pa kami sa mansion ni Shula dito sa Batangas. May usapan kasi kami na dito nila ako ite-train para magamit ko na itong Elementum ko. Masyado pa kasi akong mahina para isabak sa mga sparring.

"Nag-text na siya sa akin, sabi malapit na daw siya, bumili lang siya ng kape sa Starbucks." Paliwang ni Kenna sa akin. Hindi gaanong napapansin si Kenna sa amin kasi lagi iyang tutok sa 'diskio' niya. Yung old tablet kumbaga, kasi maraming utos sa kanya ang 'Vasilia' or yung hari.

Sa tagal niya ay dumaan muna kami sa malapit na fast food chain dito at umorder muna ng makakain, tinext na namin si Shula na dito na kami daanan, tutal malapit lang naman ang mansion niya dito.
 

"After 1 decade dumating na din ang chazos." Sigaw ni Nina kaya agad kaming napalingon.

"Chazos talaga ang pambungad, mo sa akin. Boba ba talaga ako? Huhuhu." Pag-iinarte nitong si Shula.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasama ako kay Kenna para magpalit muna bago umalis. Natapunan kasi ang tube ko ng sauce sa kinain ko kanina. Nagsuot na lang ako ng black na fitted sleeveless na cropped top at pinatungan ko na lang ng denim na jacket na dala ko.

Umalis na kami sa fast food chain at dumiretso na kina Shula. Napili niya kasing magbahay sa Batangas dahil madami pang maluluwag na lupa dito at gubat na pwede naming pag-trainingan, yung walang ibang taon na makakakita.

"Sisimulan natin sa easy hanggang sa complex ang training para hindi ka mabaguhan, sabagay baguhan kapa." Pang-aasar ni Shula sa akin.

"Grabe, ang pasmado ng bibig mo Shula, can you please shut up and start the training." Pabalang kong sagot.

"Okay, pikon agad sis.?" Dugtong pa niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

So syempre nagpalit ulit ako ng damit, nag-suot lang akong Nike sports bra at jacket then nag-leggings na ang ako. Then we teleported through Kenna's portal. It looks like a small crystal ball na kita ang lugar sa loob then she'll melt it para ma-open yung portal.

"So andito tayo sa duelling forest, tago ito sa bayan kaya safe lang ang training, but we must leave no traces para walang maghinala." Panimula ni Nina.

Siya kasi ang magtuturo sa akin ng skills a sa paggamit ng weaponry kasi siya ang bihasa sa paggamit nito. Then si Kenna naman sa telepathy and mind-programming. At si Shula naman ang sa disguise and paggamit ng apoy bilang armor dahil kaya niyang gawing solid ang apoy and it can cover her for protection.

So sinimulan namin sa stamina ko kasi lkapag nagsisimula ka pa lang daw gamitin ang elementum mo ay maaari kang manghina kaya wala muna kaming ginawang kakaiba. Parang pang-karaniwang hard exercise lang kaya nabagot din agad ako.

"Aw, ansakit ng balakang ko." Daing ko sa kanila.

"HAHAHA. Okay lang yan mawawala rin iyan sa training natin bukas kaya magpa-hinga ka na." payo ni Nina sa akin.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Sa amin ka na muna tumuloy, madilim na rin kasi, para sabay na rin tayo bukas."pagyayaya ni Kenna sa akin.

Nag-chat lang ako kay Dad para mag-paalam. Kilala naman niya si Kenna kasi magka-klase kami sa SHS at lagi siyang nasa amin. Kung nagtataka kayo kung sino ang Daddy ko, isa lang siya sa mga kanang kamay ng Vasilia, kaya madalas din ako sa mala-palasyo nilang bahay sa Batanes.

PYRO [ELEMENTUM SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon