Chapter 1

4 0 0
                                    

"Fuck!" Malutong ang mura ni Alistair pagkakita niya sa ipis na nasa loob ng coffee mug na hawak niya. Dahil sa gulat at inis ay ibinato niya ito sa nilulumot na pader ng kanilang kusina. Nagkapira-piraso ito noong mahulog sa sahig.

Like my fucking life breaking into a thousand pieces. Hindi ko alam kong paano ko pupulutin muli. Sambit niya sa sarili.

Swerte namang hindi namatay ang ipis. Kumaripas ito nang takbo at lumusot sa pagitan ng mga kitchen cabinet.

Ibinalibag ng binata ang pinto ng hanging cabinet kung saan niya kinuha ang baso. Nawalan na siya nang ganang magtimpla ng kape kaya naupo na lamang siya sa butas-butas na sofa. Nabutas dahil sa ngatngat ng mga daga.

Sinipa niya ang lata ng beer na naapakan niya. Napunta ito sa ilalim ng maliit na lamesa. Napabuntong-hininga na lamang ang binata noong makita ang mga sapot ng gagamba sa kisame.

Hindi man lang nila nagawang maglinis sa boarding house nila nang kaibigan niyang si Zachary dahil sa dami ng mga deadlines na kailangan nilang habulin noong nakaraang araw. Mga pinaghirapan nilang napunta lang sa wala. Fuck.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kuwarto nila at ang mga papalapit na yabag ni Zack papuntang kusina. Hindi niya ito pinansin. Ipinikit niya ang mga mata niya, isinandal ang likod sa sirang sofa, at minasahe ang sumasakit na sentido niya.

"Oh? Badtrip ka pre?" Natatawang tanong ni Zack sabay hikab. "Hapon na hapon nambubulabog ka. Akala ko pinaulanan na tayo ng Tsina ng mga bomba."

"Tulog ka kasi ng tulog," nayayamot na tugon ni Alistair.

"Pre, kailangan ng mga genius ang power nap," sabi ni Zack.

"Genius, my ass."

"Teka... " Kumunot ang noo ni Zack nang makita ang pira-pirasong coffee mug. "Tangina pre, regalo 'yan ni Megan. Tsaka 'yan na rin ang huling coffee mug na akala ko magsusurvive sa mga pambabato mo. Langya. Ba't mo binasag?"

Iminulat ni Alistair ang mga mata niya upang irapan si Zack.

"Eh ano kung regalo ng ex mo? Hindi na kayo magkakabalikan. At saka paanong hindi ko ibabato 'yung mga  baso. Andaming ipis dito dahil sa kadugyotan mo," he replied with a disgusted grunt.

"Correction. Hindi dahil sa kadugyotan ko. Kundi dahil sa karumihan ng ugali mo kaya naa-attract yung mga insekto," pabirong sagot ni Zack.

"Shut up."

Isang nakakainis na tawa ang pinakawalan ni Zack. "Tamo natamaan ka kaya pinapatahimik mo ako eh. Pero seryoso pre, kumusta ang pakikipag-usap mo kay Mr. Callum?"

Napabuntong-hininga si Alistair. "Wala eh. I failed today. Hindi pa daw ready ang ginawa natin para sa launching."

"Tangina. Dapat kasi sa erpats mo tayo lumapit eh," pikon na turan ni Zack.

Nagdilim ang mukha ni Alistair dahil sa narinig na sinabi ng kanyang kaibigan. Kumuyom ang mga palad niya na nakapatong sa hita niya.

"Don't. Ever. Mention. That. Damned. Man. To. Me," he whispered slowly with a hint of danger.

"Whoa, whoa. Relax pre. Bawal pumatay OK? Maraming babaeng makakamiss sakin kung sakali," taas-kamay na sagot ni Zack. "Mawawala rin ang best asset mo pre."

"Anong best asset ang sinasabi mo diyan?"

"Tsk! Matalino ka nga pero ang hirap mong maka-gets ng joke. Ako yun pre. Ako yung best asset mo," nakangiting turan niya. Nagtungo ito sa hanging cabinet para maghalungkat ng pagkain.

"Gusto mo ng ramen?" Alok niya kay Alistair sabay kuha sa huling instant Go- cup na natira kagabi.

"I'm not in the mood for food."

"Suit yourself," kibit-balikat na turan ni Zack habang ibinubuhos ang mainit na tubig sa ramen noodles.

"May pupuntahan ako," sabi ni Alistair. Tumayo siya sa kinauupuan. Hinablot niya ang kanyang leather jacket sa armrest ng sofa.

"Hoy. Kodoroting mo lang, oolis ka ulit?" Tanong ni Zack habang panay ang pagnguya niya sa kinakaing noodles. "Saan ka ba pupunta? Kagagaling ng landlady natin kanina. Overdue na daw yung renta natin bu---"

BLAG! Ang pagbalibag ng pinto ang tanging naisagot ni Alistair.

Jerk, Zack said to himself. But he was secretly hoping na kung saan man pupunta si Alistair, sana magbunga ng magandang resulta .

Samantala, galit na isinuot ni Alistair ang kanyang jacket at helmet. Sumakay siya sa kanyang itim na motorsiklo saka mabilis niya itong pinaharurot papunta sa lugar kung saan nakapag-iisip siya nang maayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wedding GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon