Habang nakaupo ako sa damuhan kung saan parati kong tinatanaw ang paglubog ng araw ay may nakita akong babaeng papunta sa kinaroroonan ko.
Minumukhaan ko pa ito, pero nang medyo lumalapit na ay nakilala ko na kung sino ito.
"Nics" wala sa sariling lumabas sa bibig ko. Sa wakas! Pagkatapos ng nangyari isang taon na ang nakakalipas ay nagkaroon din siya ng lakas ng loob na magpakita sakin. At katulad noon, suot nanaman niya yung maganda niyang ngiti na siyang naging dahilan para magkakilala kami. Dala niya din yung back pack niya na palagi niyang bitbit at suot niya yung paborito niyang damit na binigay ko noong kaarawan niya.
Mukha siyang batang nakangiti na lumapit at umupo sa tabi ko. Inilapag niya ang sukbit niyang bag sa gilid niya at tumanaw sa papalubog ding araw.
Nakangiti pa rin siya. Kung siya kaya niyang matiis na hindi ako tingnan, pwes ako hindi.
Nakatanaw siya sa malayo habang ako naman ay nakatitig sa kanya na para bang kinakabisado ko ang bawat anggulo nito.
Tanda ko pa noong nakakuha siya ng zero sa exam nila, at nakita ko yon. Hindi pa rin naalis ang ngiti niya noong ikwento niya sakin na nagkabali-baligtad ang sagot niya.
Hindi ko din makakalimutan noong minsang nawala ang wallet niya at wala na siyang pamasahe pauwi. Nakangiti pa rin niyang sinabi sakin na 'baka mas nangangailangan sa akin ang kumuha non'.
At nung minsang napikon ka sa biro ko at sinabi mo sa seryosong tono ang 'galit na ko', at nang mapatingin ako sayo ay ngiting ngiti ka pa din.
"Namiss kita." sabi ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig.
"Pasensya na ngayon lang kita napuntahan, hindi ko pa kasi talaga kaya na makita ka" nakatingin pa rin siya sa palubog na araw pero nawala na ang kanyang ngiti. Ilang minuto bago siya muling magsalita.
"Pao, bakit hindi ka dumating?" basag ang boses na sabi niya sa akin.
Nakatungo na siya ngayon, at nang mag angat ang mukha niya ay tumulo ang kanyang luha. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak, at ang masaklap ako pa ang dahilan.
Hindi ako sumagot. Matagal na katahimikan pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kinuha niya ang bag niya at parang may kinukuha siya doon. Nagulat ako ng maglabas siya ng isang bote ng alak na paubos na ang laman. Nilagok niya yon sa harapan ko. Oo, sa harapan ko mismo. Alam niya naman na ayaw kong umiinom siya pero ginawa niya pa din.
"Hinintay kita, pero bakit hindi ka sumipot? Pao, anong nangyari?!" Tumulo ulit ang luha niya, pagkatapos ay ininom ulit yung dala niyang alak.
"Pakinggan mo muna ako, hin-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.
"Tatlong oras kitang hinintay sa tagpuan natin. Hindi mo alam kung gaano kadaming lamok ang kumagat sa akin non, kung gaano kumalam ang sikmura ko kakaantay ko sayo." nilagok niya ang laman ng bote at itinapon iyon. Muling tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko alam kung paano.
"Hindi mo kasi naiintindihan! Please, makinig ka mun--"
"Nangako kang hindi mo ko iiwan. Pero bakit, Pao?" pinahid niya ang luha na walang tigil sa pagpatak.
Napayuko ako. "Pakinggan mo muna kasi ako." mahinahong sabi ko at muli akong tumingin sa kanya.
"Pao, bakit mo ako iniwan?" sabi niya kasabay ng paghawak sa lapida ko.
Oo nga pala, kahit kailan ay hindi mo na mapapakinggan ang paliwanag ko. Nakalimutan kong patay na nga pala ako. It was 1 year ago, simula nang maaksidente ang sinasakyan kong jeep papunta sa sinabi mong lugar. Nakahanda na lahat non, flowers, chocolates, and even yung binabalak kong pag p-propose sayo.
Pero sadya talagang malakas ang tadhana. Ayaw tayong maging masaya. Naisugod pa ko non sa ospital, pasensya na hindi na kita nahintay at binawian agad ako ng buhay. Gustong gusto kitang yakapin, Nicole. Pero hindi ko na alam kung paano.
Namatay ako ng hindi ko man lang nasasabi sayo na mahal din kita. At kahit kailan hindi ko na maaaring sabihin pa yon sayo.
"Miss na miss na kita." hindi na siya umiiyak, ngunit malungkot pa rin ang mukha niya at meron pa ring mga natuyong luha dito. Pinunasan niya iyon at isinukbit ang bag niya. Ayoko pa sanang umalis siya pero tumayo na siya at tumalikod na sakin. Marahan siyang naglakad papalayo, at saglit na tumingin muli sakin ng nakangiti. Nakalayo na siya ngunit nakasunod pa rin ako ng tingin.
"Nicole, pwede ba kitang maging girlfriend?"
~~~~~WAKAS~~~~~
BINABASA MO ANG
Untold Story
Short StoryThis is a Short Short Story na isinulat ko noong 7/26/2018. Maraming salamat sa mga magbabasa!