14.

425 1 3
                                    

Tama ba ang napuntahan nila?
Tanong ni Amora sa sarili.

Mukha kasing hindi naman binyagan ang napuntahan nila.
Ang mga mata ng mga kamag anak ni Graham ay tumatagos hanggang buto ang mga tingin.Kung nakamamatay lamang ang tinging katulad noon ay siguradong kanina pa sila bumulagtang dalawa. Dangan naman kasi'y isinama pa siya nito rito!Mukhang alam na niya kung bakit ganito ang turing sa kanila ng mga kamag anak ng lalaki.Parang hindi nalalayo noong nagdasal siya sa bahay ng lalaki.
Out of place na out of place silang dalawa roon.

Tiningnan niya ang lalaking katabi.Ah,mukhang balewala naman pala rito!.Tatango tango siya sa ekspresiyon ng lalaki.

Natigil ang pagmumuni muni ni Amora ng may tila isang lalaki ang lumapit sa kanila.
Umayos din siya ng upo.

"Kuya kamusta kana!?Pasensiya kana at medyo busy ata sila."

Sabi ng mestisuhing lalaki na lumapit sa kanila sa table.

"Sige ayos lang.Ang bilis ng panahon talaga.Nakapagpabinyag kana agad.Siya nga pala,assistant ko,si Amora."

Pagpapakilala nito sa kanya.

"Pinsan ko."

Bago pa nakapagtanong si Amora'y nasagot na ni Graham iyon.

Napangiti siya sa lalaking tinawag nitong Ruben.

"Hi."

"Hello."
Sagot naman ni Amora rito.

Saglit lang nakapagkamustahan ang magpinsan at nagpaalam narin ito na babalik na sa pinanggalingan.

"Let's go,doon muna tayo."

Aya kay Amora ng kanyang amo at sumunod naman siya.

Sa labas sila nagtungo kung nasaan ang gazebo.
Walang tao roon kaya siguro doon siya inaya ng Amo.

"O."

Alok nito sa kanya ng tangang kopita.

Nagulat si Amora dahil hindi niya napuna na nakapagdala pala noon si Graham pati na ang boteng may lamang alak.

"Si Ruben iyon,pinsan ko.Siya lang ang bukod tanging lumalapit sa akin.Kung hindi lang dahil sa kanya'y hindi ako pupunta rito."

Tahimik lang na nakikinig si Amora sa pagbubukas ng lalaki.

Natawa muna ito ng mapakla bago ulit nagsalita.
"Puro partidos ng inay ang lahat ng narito.Sila lang ang tanging pamilyang mayroon ako,pero puro pa makikitid ang utak.Puro impokrito't impokrita."

Panay ang tagay ng lalaki.Bawat alok nito sa kanya ay tinatanggihan niya.Alam na kasi niya ang mga susunod na mangyayari.

Ilang minuto lang ay akay na niya ito sa  loob ng malaking malaking bahay kahit luma  na iyon,kung saan sila itinuro ng pinsan nitong si Ruben sa dati raw silid ng lalaki sa itaas.Katulong niya ito sa pag akay kay Graham na halos nakalungay-ngay.Hindi naman niya maiwan ang lalaki lalo pa't naka motor lang sila ng dumating roon.
Isa pa'y amo niya ito,marapat lang na nasa tabi siya nito lalo na sa panahong iyon.
Baka kasi mapagalitan siya.

Pagpasok niya'y malaking kama agad ang bumungad sa kanya sa gitna ng kama at dahan-dahan nilang inihiga ang lalaki.

"Maiwan ko na kayo.Ikaw na sana ang bahala kay kuya Gray"

Tumango tango lang ang dalaga sa sinabi ng pinsan nito.

Pinagmasdan niya ang natutulog na lalaki at umupo sa tabi nito.

Gwapong gwapo talaga!
Kaso'y sinayang lahat nito dahil lang sa tingin nitong matatawag na trabaho.
Tsk!tsk!tsk!

Natawag ang pansin niya ng isang lumang larawan sa side table ng lalaki.Hindi maipagkakaila na ito at ang ina nito ang nasa lawaran.
Pinunasan niya ng kanyang palad ang bubog ng letrato.
Maganda ang ina nito ngunit ni kalahating porsiyento ay walang nakuha ito sa ina.Tiyak niya sa ama kumuha!Ngunit ang mga ngiti'y sa ina.Nakangiti kasi ang babae sa larawan.
Ang batang lalaki'y larawan ng inosenteng kamusmusan.

Bigla ang nanging pagbalik ng sulyap niya rito.
Ano kaya ang masasabi ng ina nito sa kabilang buhay kung ang batang inosente noon ay bulgar na bulgar na ngayon?
Sinipat niya maige ang mukha nito.Kahit tulog ang lalaki'y mababakas mo sa mukha nito ang pagiging malikot sa babae.Ewan ba niya!Sadya yatang nakikita iyon sa mukha.

Napatda siya ng bigla itong dumilat.Ang  tangkang paglayo niya sa mukha nito'y hindi na niya nagawan pa ng paraan.
Bigla ang naging paglapat ng mga labi nitong mainit papunta sa mga labi niya.
Malambot,makinis at mainit init.Napapikit siya.Nang bumalik siya  sa wisyo niya ay nanlaki ang mga mata niya.
Hindi na niya sana alam ang gagawin ngunit nakita niyang ang lalaking humalik sa kanya ay tulog na tulog sa ibabaw ng kamang iyon gaya kanina.

Maige nalang!At tila nanaginip lang ito!Kung nagkatao'y patay na naman siya!.

Sandali siyang hindi kumilos muna.
Ang haik na iyon ay sandali lang ngunit damang dama niya.
Nagkagusto naba siya rito?
Kinapa niya ang dibdib.Ah,wala!Wala siyang naramdamang kakaiba.
Natural lang iyon sa isang beses palang nahalikan.
Nang bigla siyang matigilan!
Isang  beses?Anooo!Ang kanyang una'y ito pa ang nakakuha?
Kinalma niya ang sarili.Kalimutan mo na iyon!Hindi counted iyon!
At napapayag naman niya ang sarili na maka isandaang beses niyang paulit ulit na kinumbinsi.
Hindi ang tipo nito ang magiging karapat-dapat na bilangin dahil natural lang iyon sa lalaki!Tama na naman siya!

Tumayo muna siya at nagbanyo na naroon.Naghilamos at bumalik upang kumuha sa closet ng panapin at kumot.
Laking dismaya niya ng puro damit lang na panlalaki ang mga naroon.Nasaan ang mga panapin?Hindi man lang niya iyon naalala bago umalis ang pinsan nito.Aba'y malay ba niya na wala?Ang karaniwan sa napapanuod niya sa mga pelikula at mga teleserye ay may mga ganoon sa loob?!

Muli niyanh sinulyapan ang natutulog na lalaki at ang kinuha niya nalang sa closet ay isang face towel na nakasalansan doon.Bumalik siya sa banyo at binasa niya iyon sabay ipinunas sa lalaking tulog na tulog.May
narinig siyang tila sinasabi nito.Itinapat niya ang kanyang tainga sa bibig ng lalaki at narinig niyang nagsalita ito.

"Huwag mo akong iiwan."

Nakaramdam siya bigla ng habag sa lalaki.Sino ang tinutukoy nito?Siya ba?

"Oo hindi kita iiwan."
Sinabi niya rin sa nakapikit na lalaki.

Pagkatapos ay nakaramdam na siya ng antok.Hindi kasi siya sanay ng nagpupuyat.
Tutal pagod siya at walang ibang tutulugan doon,ayaw din naman niyang mahiga sa lapag na walang sapin ay tumabi nalang siya sa lalaki.Sa laki at lapad ng kama'y imposible pa silang magkadikit nito.Siguro naman ay maiintindihan siya ng lalaki,tutal hindi naman ito tanga at natural lang iyon sa lalaki.
Atsaka siya natulog.

Grabe ang lamig!Manipis lang ang kumot at giniginaw siya.Sa taas naman kasi ng aircon ay hindi niya abot iyon.Wala rin naman doon ang remote.
Nangingikig tuloy siya sa gitna ng kanyang antok.
Maya maya pa'y may mga brasong tumabing at tila nagsilbing kumot na dumantay at yumakap iyon sa kanyang balat.
Kung ano man iyon at kung saan nanggaling ay wala na siya sa wisyong alamin pa iyon.Basta malaki ang naitulong niyon sa dalaga.

Sa gitna ng kanyang pagtulog ay tila may nararamdamang bulong si Amora.Ngunit sa sobrang antok niya ay hindi na niya iyon inintindi pa.

Atsaka siya natulog..



Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon