Chapter Two : Mem'ry

191 66 4
                                    

Chapter Two : Mem'ry
---

Charles's POV

Sana hindi na sya galit, gusto ko na talaga syang puntahan sa condo nya pero 6 AM palang,kadalasan,ang gising nya ay mga 8:00 am pa.Hindi na talaga ako mapakali,kaninang 3:00 AM pa ako dito,Hindi talaga ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi.

           Iniwan pa ako ni kuya kagabi kung kelan umiiyak na ako kasi kinuwento ko sa kanya ang nangyari ni shane.Hindi ko naman kasi siya masisi dahil may trabaho din siyang inaasikaso.Balik tayo kay shane, Shane bakit ba ginawa mo akong baliw.

                    Alam ko namang may kasalanan din talaga ako,masyado akong makulit Kaya para di na sya magalit,magsosorry na ako.

Sobra kong mahal si Shane.She's my life.Mamatay ako kapag nawala sya sa akin.Para syang oxygen tank na dahilan Kung bakit parin ako humihinga.

Pumasok agad ako sa condo ng lumabas sya ng pinto para kunin ang binatong dyaryo ng taong nakabisekletang nagdedeliver nito.Nagulat naman sya kasi ang aga ko raw mangbulabog at manira ng araw.Aaminin ko nasaktan ako don.

"Bubu bear sorry na, ang aga aga oh..galit ka na naman sakin."sabay yakap ko sa kanyang tiyan at inilagay ko ang ulo ko sa balikat nya.

Biglang tumakas sa aking mata ang mga luha. Sobrang cold nya kasi this days.Hindi ako sanay,at kung dumadating man kami sa point na nagaaway kami, ako na ang nagpapakababa kasi ayokong nagagalit sya sa akin.

Lumuhod ako sa kanya."Shane, anong mali?anong problema. tell me love."natahimik Lang siya."stand up Charles, okay ..fine I'm sorry, ako yung mali, stressed lang talaga."para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.Niyakap ko sya at niyakap nya din ako pabalik.Hindi ako nagkamali, I'm very in love with her.

"Pumasok na tayo.I'll cook you breakfast! american or russian,anong gusto mo?"sunod sunod Kong tanong sa kanya."ikaw na bahala,sige na mauna ka na sa loob magluto"sabi nya.

Shane's POV

Nakaalis na sya at dali dali kong kinuha ang aking cellphone. Tama ba 'tong ginagawa ko. Bumabawi lang Naman ako at he saved me.Naguguluhan din ako sa sarili ko.

"Susunduin mo ba ako mamaya,Harrel?"

"Yeah, mamayang 2'oclock na Lang." Reply nito.

Pumasok na ako sa loob, ang bilis nyang magluto.Mahal ko naman talaga si Charles eh, minsan lang nakakainis. Naiinis ako sa kanya kasi wala ata syang balak magtake ng board exam at ako ang inaatupag nya, sabi nya hihintayin niya daw ako makapagraduate at tutulungan nya daw ako sa BAR exam .Matalino sya kaya may tiwala ako.Summa cumlaude sa kursong electrical engineering kaya sa Ateneo.

"Subuan kita gusto mo,bubu bear?"I really hate that,ayokong tinatawag nya akong ganon.Nababaduyan ako at nadidisgust AF.

"Na-ah. I can do it by myself."pagtataray ko.

"Hindi ako papayag,bawal tumanggi ang love ko"pagpupumilit nito.Pttf, ang kulit talaga.Hinipan nya yung waffles saka ito pinakain sa akin.

"And why??"

"Kasi baka mamiss mo ko,magiging busy ako this days,Hindi ko na to magagawa next day,sige ka."nakailing at sabay tumawa pa ng mahina,tinakot pa talaga ako,pero ano ba gagawin nya?

Meet me In NeverlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon