Chapter XLII

15 1 0
                                    


Poseidon

"Totoo ba?" Panimula ni Artemis, hindi siya nakaharap sa akin dahil nakaharap siya sa bintana na nag muni muni. Isang araw na ang nakalipas simula nang nahimatay siya.

"Cia, let me explain---"

"So totoo nga?" Pamumutol niya sa sinasabi ko. Nagulat ako sa tono ng pananalita niya, masyado siyang seryoso kung magsalita kaya nangamba agad ako dahil sa loob ng pitong taon naming pagsasama ay bihira lang kaming mag away ng ganito.

"Artemis..just please hear me out" Pakiusap ko at lumuhod sa harapan niya pero hindi man lang siya gumalaw.

"Kelan pa? bakit hindi ko alam? Bakit ngayon pa?" Sunod sunod niyang tanong at humarap sa akin at dahan dahan na lumapit.

"Bakit ngayon pa na kung saan malapit na tayong ikasal?" Tanong niya na kahit ako ay hindi ko masagot. Nangingilid na ang mga luha niya at nakakuyom ang mga kamao niya.

"Maniwala ka Cia kahit ako ay hindi ko alam pero pakinggan mo muna ako" Pakiusap ko pero para siyang bingi na nilagpasan lang ako kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Artemis, alam kong mali ako pero hindi ko alam, hindi ko alam" Pagmamakaawa ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako.

"Maniwala ka Poseidon, pareho lang tayo...hindi ko narin alam" Sabi niya at umalis kaya dali dali akong tumayo at binigyan siya ng backhug.

"Artemis please... ayusin natin ito, ikakasal na tayo, huwag mo naman akong iwan ng ganito...paano naman ako?" Pakiusap ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Hindi Poseidon..paano na ako? Paano kung anak mo talaga siya? Paano na ako Poseidon?! Maiiwan akong mag isa" Sagot niya at kumawala sa pagkakayap ko at hinarap ako.

"Poseidon... Bata yung kalaban ko sa pagmamahal mo! Walang kasalanan yung bata at deserve ng bata na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang ama! Pitong taon mong ipinagkait sa batang iyon ang pagmamahal mo sa kanya! Pitong taon Poseidon! At sa loob ng pitong taon ay ang nakakasama mo lang ay ako!" Naiiyak niyang sabi kaya may kung anong kumurot sa puso kong makita siyang ganyan.

"Pero hindi ito tama Artemis! Aayusin ko ito! Patutunayan ko sayo at sa lahat ng tao na hindi ko yun anak!"Pagpapaliwanag ko at kahit ayaw kong sumigaw ay napasigaw nalang ako dahil parang hindi na niya ako naririnig.

Nagulat ako dahil sinampal niya ako ng pagkalakas lakas.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? At paano kung naririnig ka ng anak mo ngayon?! Ano nalang ang sasabihin niya? Na hindi siya tanggap ng ama niya dahil ikakasal na ito?! You are being unfair to the child Poseidon! Your child!" Galit niyang tugon.

"Pupuntahan ko lang muna si Psyche, doon muna ako mag muni muni" Kalmadong sabi niya at umalis, ako naman ay nanlulumong umupo.

Nang mahimasmasan ako ay agad kong tinawagan si Psyche, sa unang tawag ko ay hindi siya sumagot, siguro dahil busy siya dahil sa auction niya sa kanyang mga paintings niya next next week, masyado kasi siyang hands on sa mga ginagawa niya.

{Oh Poseidon napatawag ka? Pasensya na kung umabot ng tatlong missed calls dahil medyo busy ako kanina eh pero ngayon kahit pa abutan tayo ng limang araw ay walang problema sa akin}

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Psyche, hindi pa ako nakapagsalita kung ano ano na ang sinabi.

"Ahh ano kasi... nagtalo kami ni Artemis at papunta siya diyan sayo para makapagmuni muni... hihingi siguro ng advice mula sayo kung ano ang dapat niyang gawin kaya nakikiusap ako sayo na sana naman ay mapilit mo sa kanya na ituloy ang kasal namin" Pakiusap ko.

{Ahh ganon ba? Ang kapal naman ng mukha ni Artemis para hindi ituloy ang kasal, Eh kapipili ko lang ng damit na susuotin ko eh... sige ganito nalang Poseidon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at ere-record ko yung pag uusapan naming dalawa at ikaw na ang makinig, okay naba yun sayo?}

"That's better" Sagot ko at pinatayan niya ako ng tawag kaya napailing iling ako. Sila talagang magkakaibigan ay mahilig pumatay ng tawag. Sana nga at magiging ayos na ang lahat.

Ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang may mag text.

From Eu-eu

Relax, everything will be alright by tomorrow and I'm sure of that.

Napabuntong hininga nalang ako sa text message ni Eu kaya nag reply ako.

To: Eu-eu

I'm holding onto your words, Eurydice.

Psyche

Ilang minuto lang ang lumipas matapos kaming nag usap ni Poseidon ay dumating si Eury dito mismo sa lugar na kung saan ko gagawin ang auction ko, sobrang nabusy ako simula nang makarating ako rito pero ngayon ay hindi na masyado kaya pwede nang mag entertain ang beauty ko.

"Oh bruhang Artemis? Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito? Okey na pala ang pakiramdam mong bruha ka" Bungad ko sa kanya pero inikutan niya lang ako ng mata niya at naglakad palapit sa akin.

"Lumabas muna kayong lahat at magpahinga muna sandali, kakausapin ko muna ang buwisita ko" Sabi ko sa mga tauhan ko, inaayos kasi nila ang pagkakabit ng mga paintings ko na kararating lang mula sa tinitirhan ko doon sa ibang bansa. Tumango naman sila at nagsilabasan na kaya kaming dalawa nalang ni Artemis ang nandito.

Pasimple kong tinipa ang record app at inilagay sa bulsa ko ang cellphone ko.

Naglibut libot lang siya habang tinitignan ang mga paintings na nakadisplay at ako naman ay parang timang na nakasunod lang sa kanya hanggang sa tumagal ng sampung minuto na ganito nalang kami palagi ay kinausap ko na siya.

"Hoy bruha, ginawa mo naman akong muchacha, ano ba ang nangyari at naparito ka? Tinawagan ako ni Poseidon na darating ka raw" Sabi ko sa kanya pero di niya lang ako kinibo bagkus ay nakatitig lang siya sa isang painting na hindi ko ipinagbibili, ang painting na kung saan nandoon kaming apat at masaya kaming nakangiti. Nasa likuran niya lang ako habang siya naman ay nakatingin lang sa painting na iyon.

"Psyche, ano na ang gagawin ko? Itutuloy ko pa ba ang kasal? Paano naman yung anak ni Poseidon? Hindi naman niya kasalanan na ipinanganak siya sa mundong ito hindi ba?" Sunod sunod na tanong ni Artemis kaya napataas ang dalawa kong kamay na para bang sumusurrender at tumabi sa kanya.

"Teka teka bakit ba sunod sunod ang tanong mo? Eh para namang masasagot ko ang mga yan eh" Sagot ko at ibinaba ang dalawa kong kamay.

"Kung ikaw ako, ano ang ide desisyon mo?" Tanong ni Artemis kaya huminga ako ng malalim.

Ito lang ang magagawa ko para sayo, Poseidon.

"Itutuloy ko ang kasal at aamponin ko si---anong pangalan ng batang iyon? Hercules?—Oo! Tama si Hercules kung anak talaga ni Poseidon ni Hercules" Advice ko sa kanya at nagda dalawang isip pa ako sa inadvice ko dahil sa aming apat, ako yung pinakagago mag advice.

"Eh paano si Khione?"

"Anong paano siya? Eh hindi naman si Khione yung responsibilidad ni Poseidon, yung bata yung responsibilidad niya okey?" Paglilinaw ko sa isipan niya at bigla siyang napatahimik at naglibot libot pa siya nang bigla siyang magsalita.

"Tama! Sige aalis na muna ako Psyche ha? Salamat sa walang kwenta mong advice" Sabi ni Artemis at lumabas na kaya naiwan akong mag isa. Nang masigurado kong nakaalis na siya ay agad kong sinend kay Poseidon yung pinag usapan namin ni Artemis.

"Walang kwentang advice daw pero pupusta akong yung advice ko yung gagawin niya" Bulong ko sa sarili ko at nang ma send ko na ay agad kong ibinulsa yung phone ko nang may biglang kumatok sa main door kaya napalingon ako doon.

Isang lalakeng naka formal attire at may dalang malaking boquet ng red roses.

"E-eros?"

A/N: And cut again! Lipat nanaman tayo kina Orpheus. Masyado na akong natutuwa sa pag cut ng mga scenes nila.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon