Arianne's POV
Isang taon na ang nakalipas mula nung nangyari ang reunion. Inaamin ko, hindi parin ako nakakamove on. Pero ang alam ko, magkikita ulit kami. Siguro sa susunod na buhay namin. Fresh-graduate ako sa college and naghahanap palang ng trabaho kaya tambay muna sa bahay.
Naniniwala parin ako na sya talaga yung soulmate ko.
Kung tinatanong nyo kung kamusta na ba ako ngayon. Ayos lang naman. Sa mga nagdaang buwan mas nakilala ko si Lucas. Eventually, niligawan nya ko and sinagot ko naman sya.
4 months na kami ngayon. Sa totoo lang, hindi ko naramdaman kay Lucas yung mga bagay na ipinaramdam sakin ni Eros.
Sinagot ko lang naman si Lucas dahil akala ko matutulungan nya akong makamove on kay Eros. Wala akong binabanggit sa kanya tungkol kay Eros dahil ayokong sumama ang loob nya.
Mabait na tao si Lucas pero sa tingin ko hindi ko deserve ang taong tulad nya. He deserve someone better. Yung kaya syang mahalin pabalik, dahil yung puso ko... Kay kupido lang tumitibok.
Kamusta na kaya yon dun sa kaharian nila? Scheduler parin kaya sya hanggang ngayon?
Sana naman maisipan nyang bisitahin ako dito noh.
Namimiss ko na yung panggugulat nya.
"Maam, san tayo?"
"Sa mall kuya"
Sa loob din ng isang taon mas lumago ang business ni mama. May mga stall na sya ngayon sa mga mall. Yayamanin noh. Nakakaangat-angat nadin kami sa buhay. Nakapundar kami ng kotse, lupa, at naparenovate din namin yung bahay.
Ang dami ngang nagbago eh.
Nagulat si mama at Arjun nung binalita kong naghiwalay kami ni Eros. Sinabi kong umuwi na sya sa kanila at di na sya babalik. Pero syempre naniniwala akong babalik sya. Soulmate ko yun eh.
"Maam mukhang ang lalim ng iniisip nyo ah"
"Pano nyo po nalaman manong?"
"Maniwala ka't sa hindi, isa akong manghuhula"
"Weh? Kayo? Manghuhula?"
"Oo nga. Gusto mo ba magpahula? 200 lang"
"Jusko naman kuya. Akala ko naman inaalok nyoko ng libre. Wag na. Sayang din yung 200 noh"
"Dahil curious ako sa buhay mo. 100 nalang. Ano game?"
"90?"
"95", sabi nya. Di ako makapaniwalang nakikipagtawaran ako sa driver nato.
"Sige na nga"
Itinabi naman nya yung sasakyan nya at pinaupo ako sa front seat.
"Akin na yung kamay mo"
Inilahad ko naman sa kanya ang kamay ko. May sinasabi syang kung ano ano pero di ko maintindihan. Kabado ako, baka mamaya myembro sya ng kulto. Tapos binebenta nya pala yung kaluluwa ko sa demonyo.
"May taong dadating ulit sa buhay mo. Isang taong dati nang may malakas na koneksyon sayo. Pero sa kanyang pagbabalik, asahan mong may dadating na balakid"
Babalik?
Si Eros ba ang tinutukoy nya?
"Babalik? Talaga po? Pano ko po sya makikilala ulit?"
"Kayo ay mamamatay at muling mabubuhay...sa ibang katauhan... Makikilala mo sya ulit at matatapos na ninyo ang inyong naudlot na pagsasama"
"Ano pong ibig nyong sabihin? Mabubuhay ulit? As in reincarnation?"
"Oo. Maaaring hindi ninyo maalala ang inyong nga nakaraang buhay ngunit ang inyong ibigan ang magpapaalala nito"
"Legit ba yung panghuhula mo kuya?"
"Anong akala mo sakin? Peke?"
"Hindi kaba myembro ng kulto?"
"Malalaman mo din ang ibig kong sabihin hija. Malalaman mo din"
Lumabas ako ng kotse at nagdesisyon na maglakad nalang papunta sa mall. Naubusan ng gas yung driver eh. Ang malas nga.
Totoo kaya yung sinabi nya? Na makikilala ko ulit si Eros?
Nagulat naman ako nang magtakbuhan ang mga tao. Humihiyaw sila at nagpapanic.
"Anong nangyayari?"
"May mass shooting na nangyayari! Tumakbo kana!"
Tumakbo nadin ako kagaya ng iba. Nagtago ako sa gilid ng basurahan para maiwasan ang putukan. Nakita ko naman ang isang batang umiiyak na tumatakbo akay akay ang aso nya. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at ginawang panangga ang sarili kong katawan.
*bang!*
Nakaramdam naman ako ng sakit sa likod ng binti ko. Agad kong tinulak ang bata papunta dun sa gilid ng basurahan. Lumabo ang paningin ko at tanging sakit ng binti lang yung nararamdaman ko.
Nakakarinig na ako ng sirena ng pulis at ambulansya.
Nakita ko naman sa di kalayuan ang imahe ng isang pamilyar na tao. Kumakaway sya sakin na para bang namimiss nya ako at gusto nya kong yakapin.
E-eros....
BINABASA MO ANG
THE SCHEDULER (COMPLETED)
Teen FictionHe is a lonely cupid na ginagawa lamang ang trabaho nya. Ang matchmaking. Hanggang sa dumating ang inaasam nyang bakasyon matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho. Ngunit bago nya makuha ang bakasyon na inaasam kailangan nya munang asikasuhin an...