Chapter XLVII

16 2 0
                                    


Artemis

"Poseidon bilisan mo ang pagmamaneho" Utos ko habang wala naman akong narinig na salita mula ka Poseidon bagkus ay mas binilisan pa ang pagmamaneho. Nag text kasi si Psyche sa akin na nandoon daw sa pinakamalapit na Mental Hospital si Khione, hindi ko alam paano niya nalaman dahil text lang iyon kaya naman agad kaming umalis ni Poseidon.

Nang makarating kami ay agad naming hinanap si Psyche na nandoon sa lobby room, nang Makita niya ako ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"Sasamahan ko kayo sa kanya" Sabi ni Psyche kaya naman ay sumunod lang ako sa kanya. Marami pang pasikot sikot ang dinaanan naming at sa wakas ay dumating na kami.

Pumasok kami sa isang kwarto na kung saan pwede akong nakakausap ng kahit sino na nandito naka confine sa loob habang si Poseidon ay naiwan sa labas.

"This way ma'am" Sabi ng nurse at ipinaupo ako. Sa harapan ko naman ay may isang salamin na kung saan kitang kita ko si Khione na nasa harapan ko kaso lang hinarangan kami ng makapal na salamin at medyo may mga butas upang marinig namin ang isat isa. Sa likuran naman niya ay may dalawang mga malalaking lalake na bantay at may telepono naman para makapag usap kami.

"Kumusta ka na? siguro nalulungkot kana ngayon dahil nasa amin na ni Hercules ang pinakamamahal mong si Poseidon" Pangangamusta niya over the phone, nanatili akong walang kibo dahil alam kong nababaliw na siya.

"Oh? Bakit hindi ka makasagot? Napipi ka na ba?" Tanong niya uit kaya bumuntong hininga nanaman ako.

"Kung nag aalala ka kay Hercules, huwag kang mag alala dahil nasa mabuting kalagayan siya" Sabi ko at parang naging wake up call yata niya yung pangalan n Hercules dahil biglang natauhan.

"Si Hercules...Nasaan siya? Nasaan ang anak namin ni Poseidon?" Natataranta niyang tanong kaya napapikit nalang ako sa inis. Kung hindi lang ito baliw ay baka pinatulan ko na ang babaeng ito.

"Sabihin mong babae ka?! Nasaan ang anak ko?!" Galit niyang sabi at napatayo sa kanyang kinakaupuan at pinagsusuntok yung salamin na nakaharang sa amin at pinipigilan na siya ng mga lalaki na nasa likuran niya.

Tumayo ako habang hawak hawak parin ang telepono.

"Huwag kang mag aalala, hindi ko ipagkakait sayo ang bata, hindi ko ipagkakait sayo si Hercules, ipakilala parin kita sa anak mo at sisiguraduhin kong mabibisita ka ng anak mo dalawang beses sa isang buwan" Sabi ko at tatalikod na sana ako nang bigla siyang umiyak.

"Anak ko... yung anak ko.." Iyak niyang sabi kaya biglang may kumurot sa puso ko. Hindi ako ina tulad niya kaya hindi ko alam ang pakiramdam, pero ramdam ko yung sakit niya kaya hindi ko magawang tumalikod.

"Huwag kang mag aalala Khione, mamahalin ko siya at aalagaan ko siya tulad ng ginawa mo sa kanya" Yun lang ang huli kong sinabi at umalis na.

***

Nang naglalakad kami ni Poseidon papuntang ay napag isip isip kong hindi ko nalang kakasuhan si Khione dahil nakakaawa naman dahil sabi ng doctor ay malaki ang chansa na gumaling si Khione, kailangan niya lang ng litrato ng kanyang anak na dapat niyang makita araw araw upang maalala niya ang lahat at napagdesisyunan namin na ampunin nalang namin ang bata.

"Aalis muna ako, may kakausapin pa kasi ako" Paalam ko kay Poseidon.

"Yeah sure ihahatid nalang kita, saan ka ba pupunta?" Tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse kaya pumasok na ako at umikot siya sa kabila dahil doon siya sa driver seat mauupo.

"Sa pinakamalapit na park doon sa ating skwelahan noon" Sabi ko at sinunod naman niya.

Nang makarating ako sa park ay agad na akong bumaba,"Tawagan mo ako kapag magpapasundo kana" Paalala ni Poseidon at tumango lang ako habang napgpatuloy na sa paglalakad dahil bago nag text sa akin si Psyche ay may pupuntahan talaga ako kaya yung kikitain ko ngayon ay halos isang oras ng naghihintay. Nang makita ko siya ay agad akong naupo sa harapan niya.

"Pasensya ka na dahil sobrang na late ako, wrong timing kasi si Psyche sa text niya eh" Paliwanag ko sa kaharap kong si Hestia.

"Ah okay lang, na late rin naman ako ng kalahating oras" Paliwanag din niya kaya naman ngumiti ako.

"Well anyways, Nandito ako para humingi ng sorry sa lahat ng bagay na ginawa ko seven years ago" Sabi ko at binigyan siya ng apologetic smile. Sa loob ng seven years ay narealize kong may mali rin ako.

"I'm sorry may mali rin naman ako, nabulag ako sa galit at inis sayo dahil ang gusto lang naman ay gawin mo rin ang bagay na ginawa ko para sa pagkakaibigan natin—"

"Shhh Artemis, nakaraan na yun, lahat tayo ay nagkamali at lahat tayo ay biktima lang sa mga pangyayari, walang may kasalanan at walang dapat sisihin" Putol ni Hestia sa sinasabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hoy bruha, hindi dahil nagso sorry na ako sayo ay may karapatan ka ng putulin ang sinasabi ko, ikaw talaga kahit kalian ay bruha ka" Inis kong sabi kanya at natawa naman siya.

"Kahit pitong taon na ang lumipas ay ganon ka parin, Artemis" Natatawa niyang sabi ni Hestia kaya naman napangiti nalang ako.

"Ay oo nga pala may ibibigay pa pala ako sayo, muntik ko nang makalimutan bruha ka" Sabi ko at kinuha yung invitation card.

"Oh"

"Ano yan?" Tanong niya kaya naman umikot ang aking mga mata.

"Sabong panlaba" Inis kong sagot kaya natawa nanaman siya kaya naman napasimangot ako, mukha bang nakakatawang joke yung mukha ko?

"Invitation card para sa kasal niyo ni Poseidon?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Bride's maid ka, sa tagalog katulong ng ikakasal kaya naman humanap ng maisusuot mong sobrang ganda para naman hindi ka mapahiya, may trabaho ka naman so kaya mo nayan" Sabi ko at tumayo pero nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako kaya naman nabigla ako.

Halos pitong taon narin ang lumipas simula ng nagkayakapan kami ng panget na ito at kahit ayaw kong aminin ay namiss ko siya dahil kahit pareho kaming nasa pilipinas ay hindi kami nagkikita.

"Salamat sa lahat, Artemis"

"Walang kwentang anuman"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon