Epilogue

44 3 0
                                    




A/N: Eto yung pinakamahaba kasi ipinagkasya ko na lahat Haha!

Psyche

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Sinong putangina ang nagbukas ng bintana?" Inis kong tanong at kumapa kapa para mahanap yung unan ko nang marealize kong wala pala akong unan at wala ako sa bahay kaya naman agad akong bumangon para makita kung saang parte nan g mundo ako.

Nasa dating tagpuan ako.

Agad akong bumangon at inilibot ang paningin ko at namataan ko si Eury na nakatayo sa di kalayuan.

"Eury?"

Pero hindi siya sumagot kaya naman tumabi ako ng tayo sa kanya at nakita ko siyang tinitignan ang paglubog ng araw at nakasuot siya ng white dress.

'Wow ikakasal lang te?'

"Alam mo Psyche, ang buhay ay parang araw, maganda ang simula ngunit mas maraming nakaabang sa pagtatapos" Sabi ni Eury.

"Simula pa noong mga bata pa tayo ay alam kong  maging successful ka paglaki mo" Nagtaka naman ako sa mga sinasabi ni Eury.

"Tignan mo naman ngayon diba? Nakapag auction ka na ditto sa pilipinas at New York, pang high class ka na talaga" Pa weird ng pa weird yung mga sinasabi ni Eury.

"Kaya naman hindi ka pwedeng mabulag.." Bulong niya pero hindi ko narinig.

"Ano yun?"

"Ang sabi ko sana magustuhan mo ang regalo ko sayo" Sabin i Eury kaya kumunot ang nook o.

"Hindi ko naman Birthday" Pagmamaktol ko

"Kung ano man ang mangyari sa pagdilat mo sa katotohanan ay gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa nangyari dahil ako lang.." Sabi niya at ningitian ako ng isang ngiting sa buong buhay ko ay ngayon ko pa lang nakita sa mukha ni Eury.

"Basta at tandaan mo lang Psyche, masaya ako sa aking kinahinatnan"

Hestia

"Okey children, pwede na kayong mag snacks" Sabi ko at natuwa naman ang mga studyante ko kaya naman lumabas na ako. Nang makalabas ako sa classroom ko ay nakta ko si Eury na nakaputing dress.

"Anong meron? Bakit ka nakaputing dress? Magsisimba ka?" Tanong ko pero tinawanan lang niya ako.

"Masaya lang ako dahil hindi ka nagkaroon ng seryosong sugat" Sabi niya.

"Bakit? Nadapa ba ako?" Tanong ko. Ang weird naman diba kung nadapa ako ng hindi ko alam.

"May pangangailangan si Psyche ngayon, gusto ko na yung kinakailangan niya ngayon ay nag mula sa akin so please paki gawa" Pakiusap ni Eury kaya naman mas nawirduhan ako.

"May pangangailangan si Psyche? Ang yaman yaman ng babaeng yun tapos may pangangailangan pa siya? Sayo naman magmula diba pero bakit ayaw mong ikaw ang gumawa?" Takang tanong ko.

"Wish ko yun mula sayo" Sabi niya kaya naman inalala ko yung birthday niya, malayo pa naman yung birthday niya pero bakit siya hihingi ng wish?

Lumapit lang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit,"Mahal kitang bruha ka kaya naman sana ay ikasal na kayo ni Caerus, pareho kayo ni Psyche eh, mga choosy masyado" Sagot niya kaya naman ginantihan ko rin siya ng yakap pero nagtaka ako sa amoy niya kaya bumitaw ako.

"Bakit?

"Anong bakit? Eh parang amoy patay ka yata eh" Sagot ko pero tinawanan niya lang ako at inamoy yung kili kili niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon