Chapter 1

54 7 13
                                    

Tisha Pov:

Kanina pa ako naiinip dito sa may  lobby dahil sa kakahintay sa mga kaibigan ko

Kanina pa ako palinga linga sa paligid para tignan kung paparating naba sila kaso wala akong makitang bakas ng dalawang yun

Kaya napag desisyunan kong pumunta muna sa canteen at bumili ng maiinom

Papalapit na sana ako sa canteen ng may biglang nakabangga sa akin at natapunan niya ako ng mainit na kape kaya nag init bigla yung ulo ko

"Tangina hindi kaba marunong tumingin sa dinadaan mo?" pag mamaktol ko sa lalaking nasa harap ko, na parang walang pake alam sa nangyare

"Its not my fault kasi ikaw tong tatanga tanga" tumaas bigla yung init ng ulo ko dahil sa sinabi niya

"Excuse me ha, ikaw na nga tong nakatapon sa akin ng mainit mong kape tapos ako pa tong sisisihin mo at sasabihan mo ng tatanga tanga" galit na sigaw ko sa pag mumuka niya

"Waste of time" pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lang siyang umalis sa harap ko at hindi man lang nag sorry, lintek na lalaki

"Hoy hindi ka man lang mag sosorry sa ginawa mo ha, hindi kaba tinuruan ng good manners" sigaw ko sa kanya dahilan para mapatingin siya ulit sa akin

"Why would I, bagay mo naman mag mukang basahan" hindi ko na napigilan yung galit ko, at bigla ko siyang sinampal

"Mag dahan dahan ka sa mga pinag sasabi mo jerk" galit na sabi ko at tsaka mabilis na umalis sa lugar na yun

Lintek na yan, ang aga aga nasira na agad araw ko

Humanda ka saking lalaki ka kapag nakita kita ulit, lintek lang ang walang ganti

Pagbalik ko sa pwesto ko kanina sa lobby, bigla kong nakita yung dalawa kong kaibigan na nakaupo na at nag hihintay sa akin

"Oh tisha ang aga aga nakabusangot ka agad at tsaka anyare sa damit mo? " tanong ni yella pagkaupo ko

"Oo nga anyare sayo?" tanong naman sa akin ni kaki

"Paano ba naman kasi, pupunta sana ako kanina sa canteen para makabili ng maiinom dahil naiinip na ako dito kakahintay sa inyo, tapos ayun may nakabangga akong lalaki, and look tinapunan niya ako ng kapeng mainit lintek

"Hindi man lang tumingin sa dinadaan at sinabihan pa akong tatanga tanga, parang ako pa may kasalanan" galit na sambit ko

"Did he say sorry?"

"Ayun nga eh, hindi man lang nag sorry or what, sinabihan pa akong bagay ko naman daw kasi muka naman daw akong basahan amp" galit na talagang sambit ko

"Grave naman yun, wala ba siyang manners, here let me wipe it" sambit ni yella tsaka naglabas ng tissue at tinulungan akong punasan yung uniform ko

Habang pinupunasan namin yung uniform ko, biglang naagaw ng attensyon namin yung mga babaeng nag sisigawan

Pag tingin ko, bigla na namang uminit yung ulo ko dahil sa nakita ko

Nakita ko lang naman yung lalaking nakatapon sa akin ng kape kanina sa canteen

"Ayan, yang lalaking yan yung nakatapon sa akin ng kape kanina" pag mamaktol ko

"Alin jan? Ang dami kaya nila" tanong naman ni kaki

"Yung nasa harap, yung parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa seryoso niyang muka"

"Ang gwapo niya girl ah HAHAHA" sambit na naman ni kaki

"Anong gwapo jan, parang hindi man lang nabiyayaan ng kasiyahan dahil sa kalamigan ng awra niya"

"He looks cool, tsaka ang gwapo din nung mga kasama niya, I want to know them HAHA" sambit ni yella

"Hoy tumigil kayong dalawa ah, baka nakakalimutan niyong natapunan niya ako ng kape at ang lagkit ko na ngayon"

"HAHA sino ba naman kasi hindi hahanga sa mga gwapong muka na yan" kinikilig na sambit ni kaki

Napatingin ako dun sa lalaking nakatapon sa akin ng kape

Tinitigan ko siya ng masama

Napaka panget ng ugali, akala naman sobrang gwapo tsk

"Lets go girls, malalate na tayo sa klase" sambit ko sa dalawa kong kaibigan, na hindi tumitigil kakatingin dun sa mga lalaking mukang tuko

"Hoy ano ba, hindi naba kayo titigil kakatingin jan"

"Eto naman, minsan lang makakita ng gwapo eh kaya todo na to" kinikilig na namang sambit ni kaki

"Haynako ang papanget kaya nila"

"Kaya hindi ka nag kakajowa dahil wala kang natitipuan na lalaki, siguro babae gusto mo no HAHAHA" mapang asar na sambit ni yella sa akin

"Tigil tigilan niyo akong dalawa ah, tara na bago pa mag simula ang klase, sasamahan niyo pa ako sa locker ko" hinila ko na sila agad pagkatapos kong sabihin yun, dahil alam kong hindi sila titigil hanggat hindi ko sila hihilain

"Alam mo tisha panira ka talaga" pagmamaktol ni kaki

"Whatever kaki, tara na" hinila ko pa sila lalo

Dumiretso na agad kami sa locker at mabilis naman akong nag bihis ng panibagong uniform ko

Buti na lang may mga naka stock na extra uniform dito, kundi papasok akong amoy kape at malagkit

Pagkatapos kong mag bihis, dumiretso na agad kami sa first class namin

To be continued....

Stuck To Be TogetherWhere stories live. Discover now