Matapos ang napakaraming requirements at nakakuha na rin kami ng passport ni Mama, kakatwa lang at muntik pa akong hindi mapayagan dahil 18 years old palang ako pero mabuti nalang at napakiusapan pa ang embassy, akala daw kasi nila magiging illegal ako doon sa Tokyo hahaha. Ikatlong linggo na ng April at naghahanda na kami ni mama ng mga gamit ko para sa pag-alis ko. Bumili kami ng bagong damit sa Taytay na galing sa ipon ko noong senior high ako. Sa isang araw ay aalis na ako dito, kinakabahan ako dahil hindi naman ako nakakapagsalita, nakakapagsulat at nakakaintindi ng Japanese pero doon ko nalang intindihin 'yon, siguro naman matututo ako agad doon."Alexis, gumalang ka hindi lang kay Celestine at sa asawa nya ah? Sa lahat ng taong nakakasalamuha mo ay galangin mo, huwag mong kakalimutan ang mga pangaral ko sayo mula nung maliit ka pa. Tumulong ka sa mga gawaing bahay, puro sila trabaho doon kaya pag kinakailangan, ikaw na ang magluto, mag all around ka doon ah." napatango naman ako kay Mama bilang pag sang-ayon habang busy kami sa paglalagay ng nga damit ko sa maleta. Hindi ko tuloy alam kung mag-aaral ba ako o mag o-OFW, charot.
Sabado na, araw na ng pag-alis ko. Andito kami ngayon ni Mama sa Airport at nag-aantay ng oras. Nakaupo kami ni Mama dito sa bench at nagku-kwentuhan, kahit hindi sa'kin sabihin ni Mama, alam ko na nalulungkot siya, kitang kita ito sa mga mata nya. Kung sasabihan ako ni mama na 'wag ng umalis ay gagawin ko, maiiwang mag-isa sa bahay si Mama pero nangako naman ang pinsan ko na si Madisson na tutulungan at babantayan nya si Mama.
"Alexis, i-chat mo si Celestine ah? Susunduin ka nya sa Airport, 'wag kang maglikot-likod doon ah?" tinapik naman ako ni Mama, kilalang kilala nya ako, pag may magandang lugar kasi ay bigla bigla nalang akong nawawala dahil nililibot ko na agad ang lugar na iyon, ignorante ako e hahaha.
Maya maya ay kami na ang aalis. Tumayo na ako at niyakap si Mama. "Mag-ingat ka ma ah?" pilit kong ngiti, malungkot man ay tumayo pa rin si Mama para yakapin ako ulit.
"Ikaw ang mag-ingat doon. Huwag kang magbo-boypren agad ah?" mahina ko namang hinampas ang likod ni Mama.
"Sige na ma, bye po! I love you!" paalam ko dito, tinalikuran ko na si Mama at hindi na lumingon pa, ayoko ng magdrama dito at baka hindi na ako tumuloy sa Tokyo.
Makalipas ang ilang oras na pagba-biyahe ay andito na ako sa Narita Airport. Nilabas ko ang cellphone ko at chinat ang kaibigan ni Mama para ipaalam na andito na ako. Umupo naman ako sa bench at nanatili dito ng ilang minuto para hindi na kami magkasalisi pa.
"I-ikaw ba si Alexis?" napatingala ako sa babaeng nagsalita, naiawang ko naman ang bibig ko ng makita ang babaeng nagsalita, ito na ba ang kaibigan ni Mama?
Napatikop naman ako at tumayo, "A-ah, o-opo" kinakabahan kong sagot, nakaka-starstruck naman 'to, ngumiti naman ito sa akin at hinawakan ang dalawa king kamay.
"Ako ang kaibigan ni Rachelle, si Celestine." siya nga! Napaka-ganda naman nya, parang dalaga pa rin.
"H-hello po, Ma'am Celestine." ngiti ko sabay yuki ng bahagya, hawak nya kasi ang dalawa kong kamay ang hirap makipag-shake hands.
"Anong Ma'am ka dyan?" nguso nito sabay bitaw sa kamay ko. "Magtatampo ako sayo nyan e! Tita ang itawag mo sa akin, Tita Celestine! Pwede namang Mama na rin! Hahaha!" napakamot naman ako, nakakahiya haha.
"S-sige po, T-tita hehe." sagot ko nalang, baka magtampo pa sa akin 'to at pabalikin na ako ng Pilipinas.
"Tara na, punta na tayo sa bahay, baka nagugutom at napapagod ka na." hinawakan naman nya ang kaliwang kamay ko at inalalayan ako pasakay sa kotse. Nahiya pa ako ng buhatin nya yung maleta ko at ilagay sa likod ng sasakyan nya, pinagbuksan nya pa ako ng pinto, hindi kasi ako marunong e.
BINABASA MO ANG
Still You
Roman pour AdolescentsAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...