CHAPTER 10 (Harenae City)

985 61 1
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Inabot kami ng isang linggo sa Tenebris Mare at ngayon ay nagpapahinga ako sa aming silid ni Amber dito sa palasyo ng Aqua City.ng mayroong kumatok ng tatlong beses sa pinto, tumayo ako at binuksan ang pinto , tumambad sa akin ang isang katulong na nakayuko.

"Mahal naming panauhin pinapatawag po kayo ni prinsesa Jezebel para daw po makapag-hapunan kayo" Magalang na saad ng isang katulong.

"Susunod na lang kami" nakangiting sabi ko dito at ito naman ay umalis na,nagtungo ako sa higaan ni Amber para ito ay gisingin.at ng magising si Amber ay sabay kaming dalawa nagtungo sa ibaba para kumain. Naabutan namin sa ibaba sila Drake, Alucard, Jezebel at ang reyna at hari na nakaupo sa hapag kainan.

"Crescenta, Amber kayo ay umupo na para makakain na tayo" nakangiting sabi ni reyna Thana.

Umupo naman ako sa tabi ni Alucard at si Amber naman ay umupo sa tabi ni Drake, dibale magkaharap kami ngayon ni Amber.

"Crescenta, naikwento sa akin ni Jezebel ang ginawa mo sa Tenebris Mare, ang pagliligtas sa kanya sa Pistris at ang pagkatagumpay na makuha ang coin ng aming lugar, napaka husay mo Crescenta" nakangiting sabi sa akin ni haring Serafino at ngumiti na lamang ako dito.

"Oo nga Crescenta ang galing mo, Paano mo napa-amo ng ganoon ang Pistris?" tanong sa akin ni Jezebel.

"May nalaman lamang siya sa tunay kong pagkatao kaya siya ay naging ma-amo ng ganoon pero kong tutuusin ay mabait naman talaga ang Pistris pinoprotektahan lamang niya ang coin" nakangiting sagot ko sa kanila.

"Paano naman ikaw naging sirena? Ang pagkaka-alam ko ay isa kang hydra" Naguguluhang tanong sa akin ni Drake.

"Yun ay galing kay Fiona, binigyan niya ako ng kwentas naka pag sinuot ito ay magiging sirena ako, ngunit ito ay sira na dahil kinagat ito ng Pistris" Sagot ko naman kay drake sa kanyang tanong.

F L A S H B A C K

*Crescenta Bloody Moon POV*

"Mahal na prinsesa dalhin niyo po ito" sabi sa akin ni Fiona sabay abot sa akin ng isang bag na maliit.

"Ano ang laman nito Fiona?" tanong ko dito.

"Magagamit niyo po iyan para sa inyong misyon, ang laman niyan ay aking gawa tulad ng isang ito" sabi sa akin ni Fiona sabay pakita ng isang kwentas. "Kapag ito po ay sinuot niyo ay magiging isa kayong sirena" Nakangiting sabi sa akin ni Fiona.

"Maraming salamat Fiona, malaking tulong ito sa aming misyon" Nakangiting pasasalamat ko dito.

"Ikinagagalak kong tulungan ikaw mahal na prinsesa" Nakangiting saad naman nito.

"Aalis na ako Fiona" paalam ko dito.

"Mag-iingat ka mahal na prinsesa" saad ni Fiona at ngumiti naman ako dito bago lumabas ng aking dorm.

E N D O F T H E F L A S H B A C K

*Crescenta Bloody Moon POV*

"Ang legendary fairy na si Fiona, ay isa din sa mga kanang kamay ng mahal na hari at reyna ng Lux City, paano mo siya nakilala? Hindi siya basta basta nagpapakita sa iba" Tanong sa akin ni haring Serafino na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Pinakilala lamang po siya sa akin ni tito Valmer at siya din po ang nagbabantay sa aking dorm" kinakabahang sagot ko sa kanila.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon