CHAPTER 15 (Percy: Revelation)

924 52 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

"Kailangan nating malaman kung sino ang taksil dito sa Vampire Academy" sambit ni Drake.

Narito kami ngayon sa office ni madam Otelia, pinag-uusapan kung sino ba ang taksil dito sa akademya.

"Gagamitin ko ang aking kapangyarihan para matukoy natin ang taksil" sambit naman ni madam Otelia sabay cast ng spell.

Ngayon ko lamang nalaman na half vampire at half witch si madam Otelia, gaya din siya ni ginoong Valmer na half vampire at half wizard.

Ilang sandali lamang ay mayroong puting usok ang lumabas sa kamay ni madam Otelia at naghugis ito ng pabilog sa ere.

"Sisimulan natin noong nagplano tayo para sa inyong misyong" saad ni madam Otelia at mayroong namang lumabas na isang video noong nagusap-usap kami sa office ni madam Otelia at mapapansin na mayroong isang bampira ang nakikinig sa labas ng office ni madam Otelia.

Ilang sandali ay umalis ang bampira ng mapansin nitong bumubukas na ang pinto ng office ni madam Otelia. Pagkalabas namin mapapansing mayroong akong tinawag malapit sa aming pwesto at yun ay si Percy. (CHAPTER 8).

"Diba kaibigan mo iyan Crescenta?" sambit ni Jezebel at tumango naman ako dito. Kinakabahan naman ako kasi baka siya ang pagbintangan sa lahat ng nangyari dito sa akademya. Alam kong mabait si Percy at hindi niya iyon magagawa, baka nagkataon lamang ang lahat.

Pero sa sumunod na video ay noong naglalakbay na kami sa aming misyon at mapapansing mayroong isang bampira ang sumusunod sa amin at ng alisin nito ang asul na kapa na tinatakpan ang mukha nito ay doon namin nakita ang mukha ni Percy.

"Kailangan nating maka-usap ang lalaking iyan" sambit ni madam Otelia.

"Ako na po ang kakausap sa kanya" saad ko sa kanila.

"Delikado ang iyong gagawin Crescenta" nag-aalalang sabi sa akin ni Alucard.

"Walang mangyayari sa aking masama, pangako ko iyan sa inyong lahat" nakangiting saad ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.

"Mag-iingat ka pa din Crescenta sa kanya lalo pa't siya ang una nating suspek" sabi naman sa akin ni Amber, nginitian ko na lamang sila bago umalis para kausapin si Percy.

_____________________________

Narito na ako ngayon sa harap ng dorm ni Percy at kumatok ako ng tatlong beses, bumukas naman ito at ng makita ako nito ay ngumiti ito sa akin.

"Ohh napadalaw ka yata sa dorm ko Crescenta?, anong maipaglilingkod ko sa iyo?"nakangiting sabi nito sa akin.

"Gusto ko lamang ikaw maka-usap Percy" sambit ko naman dito.

"Base sa iyong mukha at sa iyong pananalita ay mukhang seryoso ang iyong sasabihin. Tama ba?" tanong nito sa akin at tumango naman ako dito.

"Ohh kung ganon, saan mo gustong mag-usap?" tanong nito sa akin.

"Doon na lang sa fountain Percy" sagot ko naman dito.

"Ohh sige tara na" pagyaya nito sa akin at ginamit namin ang abilidad ng paglaho para makatunton agad kami sa fountain.

___________________________________

"Anong gusto mong pag-usapan Crescenta?" tanong agad ni Percy ng kami ay naka-upo na sa bench na nakapalibot sa fountain.

"Gusto ko sanang malaman kung ano ang ginagawa mo noong nag-uusap usap kami nila madam Otelia sa office nito?, noong tinawag kita" kinakabahang tanong ko dito.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon