Chapter IV

5 0 0
                                    

Gianna Luise Emmanuel

Kinabukasan ay maaga akong pumasok gusto kung bumawi dahil sa kapalpakan ko kahapon at halos di ko na natapos ang trabaho ko dahil sa nangyari. Hindi ko rin alam paano haharapin si sir dahil sa nangyari bukod kasi sa nahihiya ako eh hindi ko maintindihan ang treatment nya sakin.

Pagdating sa mesa ko ay inayos ko muna ang gamit bago pumunta sa pantry at magtimpla ng kape ko. Wala pa si sir kaya mamaya ko na sya titimplahan ng kape.

Saktong 8:00 ng makita ko syang kakalabas ng elevator nung saktong nasa harapan ko na sya ay binati ko na sya at yumukod upang magbigay galang

"Good morning sir, coffee?" Tanong ko ngunit tumango lamang ito at hindi ako binalingan ng tingin at dirediretso lang ito papasok sa opisina nya

Kung kaya't bumalik ako sa pantry at nagtimpla ng kape nya pagkatapos ko ay kumatok ako sa pinto nya at pumasok. Pagkapasok ko ay nagbabasa na ito ng papeles kaya inilapag ko na iyong kape nya at umalis narin.

Buong araw ay hindi nya ako tinawag kung kayat natapos ko na ang pending na gawain ko at ng uwian na ay umuwi narin ako agad sa bahay. Pag pasok ko as usual nag aasikaso na si mommy para sa hapunan namin, si dad naman ay nagkakape habang umiinom ng kape humalik muna ako sa pisngi nila bago pumasok sa kwarto at nagbihis.

When dinner comes, masaya akong nagkekwento kela mommy sa trabaho ko so far hindi naman ako nahirapan at sa dami din ng benefits ay laking tulong din eto sa mga nagtatrabaho sa company.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng pinggan para naman makapagpahinga na sila dad ng maaga bawal narin kasi silang magpuyat.Pumasok narin ako sa kwarto para magpahinga.

As usual maaga rin ako pumasok dahil may meeting kami ng 9am so kailangan ko ihanda yung conference room. Pagdating ko sa office ay inihanda ko na yung folder na naglalaman ng mga infos na pagmemeetingan ngayong araw. Nagantay pako ng ilang oras at isa.isa naring nagsidatingan ang mga board memebers.

Ilang minuto lang dumating narin si sir ang gwapo nya talagang tignan sa suit na suot nya ngayon so far naging maayos naman yung meeting nasa tabi lang ako ni sir jacinto while doing the minutes of the meeting.

After 1hour its lunch time kaya natapos din ang meeting. Habang nagliligpit ay napahinto ako ng makita pa si sir na nakaupo at parang may pinoproblema dahil nakakunot nuo ito na nakatutok sa cellphone nya.

Tatanongin ko sana sya kung may problema ba ngunit hindi ko nalang tinanong at ipinagpatuloy na lamang ang aking ginagawa ng matapos ako ay lalabas na sana ako ngunit naunahan niya ako sa pag bukas ng pinto at tila ba'y pinapauna akong lumabas kaya't napatingin ako rito at yumukod upang magpasalamat.

Dumiretso ako sa mesa ko at umupo  para kumain dahil may tira pa sa niluto ni mommy kagabi ay naisipan kung magbaon narin para naman makatipid ako.

Hindi ko na nakita si sir pagtapos ng meeting maghapon din akong nagtatype sa desktop ko para sa annual report ko. Dumating ang uwian at hindi ko parin nakikita si sir sinilip ko ang opisina nya ngunit wala rin sya duon kaya napagpasyahan kung umuwi na lamang.

Carlo Jacinto

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso ako ng airport para sunduin si Samantha Angeles my ex girlfriend way back on College days. I don't know what she's doing here in the Philippines.

Nagantay lang ako ng ilang minuto at nakita ko na sya kumaway nalang ako para makita nya ako agad dahil kanina pa syang palinga.linga malamang sa malamang ay hinahanap ako.

Pagkalapit nya sa akin ay agad ako nitong hinalikan sa pisngi at niyakap ako

"It's nice to be back here love" sabi nya ng may nakakalokang ngiti sa labi

"Let's go" suplado kung sabi upang matahimik sya. Giniya ko sya sa kotse ko at didiretso na akong ihatid sya sa pagsstayhan niyang hotel dito sa manila.

Pagkarating sa hotel ay aalis na sana ako ngunit nakiusap pa ito na ihatid sya sa kanyang kwarto kaya't wala na akong nagawa kundi ang sundan siya at hilahin ang maleta niya.

"Aalis na ako sam marami pa akong ginagawa sa office" sabay sabi ko at binigay sa kanya ang maleta niya.

"Awh love pwede naman yan bukas samahan mo muna ako at ipagluluto kita." Sabi niya at ngiti ngiting bumaling sakin.

"No need for that. Galing ka sa mahabang byahe kaya magpahinga ka nalang" sabi ko at tumalikod na ng bigla nyang hinigit ang braso ko at sabing

"Sige na please miss na kita love eh". Kaya wala na akong nagawa ng hilahin nya ako papasok sa loob.

Nagumpisa narin syang magluto. I know it's my favourite dahil naamoy ko iyung adobo. Pagtapos magluto ay hinanda narin nya iyong hapagkainan.

Wala akong ideya kung bakit umuwi si Samantha dito dahil mula nung naghiwalay kme ay wala na kaming komunikasyon at ngayon lang talaga kami ulit nagkita after 3years i think.

Habang kumakain kami ay kinikwento niya sa akin ang successful business clothing niya dun sa New York. Pagkatapos kung kumain ay inantay ko syang matapos.

Nang makita ko syang tapos na ay diretsahan ko itong tinanong. "Bakit ka bigla.biglanv umuwi?" Natigilan itong uminom ng tubig at timitig sa akin

"I want you back in my life carlo" seryoso niyang sabi sakin. Napailing ako sa sinabi niya

"I have a girlfriend now sam" Mas lalo itong tumitig saakin "I know wala kang girlfriend ngayon carlo" mahimigan niyang sabi

"You don't know anything sam, I have a girlfriend now and i don't have plan to go back to you either." Sabi ko at lumabas na narinig ko pang tinatawag ako ngunit hindi na ako lumingon pa at diretsong naglakad papunta sa elevator

Pagkalabas ko ng hotel ay pumunta ako sa kotse ko na nakaparada sa labas ng hotel na iyon at dumiretso na papuntang office.

Pagdating ko sa palapag kung nasaan ang opisina ko ay hindi ko na siya naabutan pa kung kaya ay dumiretso na lamang ako sa loob ang pinagpatuloy ang naiwan kunv trabaho.

Alam kung pupunta dito sa opisina ko si Sam one of this days para kulitin ako na makipagbalikan sa kanya ngunit wala akong planong balikan pa siya matagal na kaming tapos kaya't wala ng rason para magbalikan pa kami.

Pagkatapos ko ay umuwi narin ako sa condo ko. Nang nasa tapat nko ng elevator ay pipindutin ko na sana ito ng biglang may nauna kaya't napaatras ako at napatingin dito.

Pareho kaming nagulat dahil ito ang unang pagkakataon na magkakasalubong kami dito sa condo.

Pagkabukas ay dumiretso na akong pumasok ganoon rin ang ginawa niya. Katahimikan ang nangyari sa loob ng elevator at nung pagmasdan ko siya sa salamin ng elevator ay nakita kung nakayuko lang ito. Pagkadating sa palapag ng tinutuloyan namin ay mabilis syang lumabas at dirediretso sa harap ng pintuan ng tinutuluyan nila.

Napansin niya ata na may tumitingin sa kanya kaya  lumingon sya sakin at ngumiti. Tila tumigil ang mundo ko ng makita ang ngiti niya napaiwas ako ng tingin bago paman ako makatingin ulit ay isinara na niya ang kanyang pinto kaya't pumasok narin ako sa loob upang makapagpahinga narin.

jiiisssaaaa


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly In Relationship with my Boss (Ongoing)Where stories live. Discover now