PROLOGUE
Pabagsak na humiga si Al sa matress. Pagod na pagod ang katawan nya lalo na ang kanyang utak dahil kakatapos lang ng midterm nila. Wala pa siyang tulog at maayos na kain simula pa noong nakaraang linggo.
"Ayoko na mag aral, leche! Nakakapagod" malalim s'yang napa buntong hininga nang nag ring ang cellphone nya.
Nakapikit nya itong sinagot
"Ano nanaman ang kailangan mo, espanyol?" Iritadong tanong nito sa tumawag. Kahit di na nya tignan ang caller alam nya na si Niall ito, ito lang naman kasi ang laging tumatawag sa kanya sa ganitong oras.
"Gusto mo ba akong pumunta dyan, erp? " nag aalala nitong tugon
"Ayoko. Pagod ako Freir. Pass muna ako" halatang pagod ang tono nito
"Papasiyahin kita, hayati." Agad nitong sabi
"Papagurin mo lang ako lalo, wag na lang"
"Nakakapagod pero masarap naman ahh? Gustong gusto mo nga e" may pilyong ngiti nitong sabi
"Ewan ko sayo, Freir" binaba nya ang tawag at napa iling. Napangiti sya nang maalala ang ginawa nilang dalawa noong nakaraan.
"Love really sucks" ani nya at nagbihis dahil alam nitong on the way na si Niall kahit anong pag ayaw at pag hindi nito, pupunta pa rin ang binata.
Maya maya lang ay nakarinig sya ng katok mula sa pinto. Mukhang dumating na ang espanyol na 'yon. At tama nga sya. Nakapambahay lang ito at naka tsinelas
"Alam mo, hayati, ang sikip ng inuupahan mo" ani nito at inilapag ang mga hawak na plastic na naglalaman ng mga ingredients na lulutuin nila
"Alam mo espanyol? Ang pakialamero mo" inirapan nya ito at bumaling sa mga pinamili nito
"Ano bang lulutuin natin at nang iisturbo ka na naman?" Nakapameywang na tanong nito
"Turuan mo akong magluto ng sinigang na baboy hehe" he replied with matching puppy eyes and pouty lips. Napangiti si Al, umiwas sya ng tingin kay Niall at nagsimula nang kunin ang mga gamit na kakailangin nila. Nilalabanan na naman s'ya ng puso n'ya.
Habang naghihiwa ng sibuyas si Niall, nasa gilid nya si Al na naghihikab. Bigla syang nakonsensya, dapat pala hindi na muna sya nagpaturo magluto dahil pagod pa ito sa school. She need to rest.
"Sige na, ako na bahala rito erp, take a nap" baling nito sa dalaga na hikab nang hikab natawa ito at tumugon
"Ni hindi mo nga mahiwa nang maayos yung sibuyas tapos sasabihin mong ikaw na bahala?" Napailig ito
"E, kasi ano e, pagod ka , nakakahiya. Shit" sabi nito at sinunod na hiniwa ang sitaw at kangkong
"Ikaw mahihiya? Wala kang hiya, Freir. Alam mo yan" binatukan nya ang binata at sinabihan ng susunod na hakbang sa pagluluto ng sinigang na baboy.
"Ang sarap talaga!" Puri ni Niall sa luto nya
"Nakakapagod kang turuan, Freir. Sa susunod may bayad na"
"Asus, gusto mo rin naman e, nakakapagod pero masarap" kumindat pa ito kay Al at ngumisi
"Bastos!" Binatukan nya ito
"Anong bastos don, ang sabihin mo, green minded ka lang talaga" pang aasar ni Niall
"Ewan ko sayong espanyol ka! Alam mong pagod ako! Pinapagod mo pa ako lalo. Ikaw ang maghuhugas, kala mo ha" iniwan nya ang binata sa maliit na kusina at nagtungo sa sala at inihilig ang ulo sa sofa.