Page 29

129 7 0
                                    

"Mali na naman 'yang pagkakabuhol mo, Mika"

Natatawang sabi sa kanya ni Zyrina at natawa din naman siya. Nandito ang buong klase nila ngayon sa loob ng mini parish ng school nila at gumagawa sila ngayon ng rosary.

Parte kasi ito ng requirements nila sa subject na religion. Ibinibigay iyon sa mga estudyante sa public schools sa araw ng campaign.

Taon-taon na nilang ginagawa ito ngunit hindi parin niya makuha ang tamang pagbubuhol ng tali.

"Mukhang 'di na ata ako matututo..."

"Kaya mo 'yan, pagbubuhol lang 'yan eh"

Tumango na lang siya saka kinalas muli ang maling pagkakabuhol. Napatingin naman siya kay Brent na nasa unahan lang niya nakapwesto.

Nakaupo kasi sila sa tiles na sahig ng mini parish at katapat niya ito dahil gusto nitong pumwesto kasama sina Zyrina at Clara na nagkataon namang kasama din niya.

"Malapit na nga pala ang JS Prom natin, 'diba?"

Narinig niyang nagsalita si Brent ngunit inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral ng tamang pagbubuhol. Hindi rin naman kasi siya kakausapin nito.

"Oo, sinong yayayain mong kapartner, insan?"

"Baka si Sandra o Xanna na lang"

Sagot ni Brent at nakaramdam naman siya ng lungkot. Kung okay lang sana sila ngayon ay baka may posibilidad pang siya ang yayain nitong kapartner.

Gusto niya tuloy na maiyak ngayon, kung hindi lang niya ito kaharap. Minsan lang mangyari ang JS Prom sa buhay ng isang tao tapos ganito pa pala ang magiging experience niya.

Badtrip...

"Sure na 'yon?"

"Hindi pa pero mayroon pa bang ibang umaasa na maging partner ako?"

Tanong ni Brent at alam niyang siya ang pinaparinggan nito.

Grabe sa umaasa ha?

"Paano kung mayroon?"

"Edi magsabi siya"

Paano magsasabi eh hindi mo nga ako pinapansin?

Matapos ang pag-uusap na iyon nina Zyrina at Brent ay itinuloy na ng mga ito ang ginagawa. Nang magring ang bell ay agad naman silang bumalik na sa loob ng classroom nila.

"Ang lungkot tuloy ni Mika ngayon"

Sabi ni Zyrina habang hinahaplos ang buhok niya. Nakaupo ito sa tabi niya habang siya naman ay nakasubsob sa desk ng armchair niya.

"Okay lang ako..."

"Dapat pala ay 'di ko na lang tinanong si insan..."

Tumunghay siya at umayos ng upo saka maliit na ngumiti dito.

"Okay na din 'yon para maaga pa lang ay alam na natin, 'diba? Maswerte ka kasi may chance ka kay Drick"

Pag-iiba niya ng usapan at mahina naman itong natawa.

"Sana nga..."

"Mayroon 'yan, tiwala lang"

Napangiti ito sa sinabi niya at nagkwentuhan na lang sila ng tungkol pa sa ibang bagay.

Maya-maya naman ay pumasok si Ma'am Jhe sa loob ng classroom para siguro i-orient sila sa activity mamaya na gaganapin sa mini gym.

"Good morning, Fidelity! May papanoorin kayong theatre play mamaya about sa buhay ng isang madre. I am expecting all of you na maging tahimik mamaya while the play is on going. It's not just a play but it's a sacred thing na taon-taon nating ginagawa. Grade ten na kayo kaya sana ay maging role model kayo mamaya sa mga lower year students na makakasama niyo sa panonood. Okay ba 'yon?"

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon