One

4.2K 51 4
                                    

CHAPTER ONE

Callisto Bautista's Point of View

Nag-angat ako ng tingin dahil ang naririnig kong bulongan kanina ay unti-unting lumalakas.

Nagte-text ako habang hinihintay ko 'yong instructor namin ngayon. Ganito talaga ako kapag naghihintay o kaya ay walang ginagawa, pindot ng pindot sa cellphone. Pamatay-oras, 'ika nga nila.

Kung wala naman akong ka-text ay nagbabasa ako ng eBook. Wala kasi akong pambili ng hardcopy eh.

Anong meron? 'Yong mga babae kasi, paimpit kung tumili, hinahampas pa ang mga katabi. Almost all of them ay nakatingin sa may pintuan. I don't know kung sino ang tinitingnan nila doon kasi 'di ko makita. Nakaharang silang mga matatangkad eh. Eh 'yong height ko, pang-Minion.

Nagkandahaba naman ang leeg ko kakatingin sa kung sino, o ano ang nasa may pintuan. Lalaking gwapo kaya? Ay! Nakakaexcite pala itu!

Tumayo na ako sa wakas at tumuntong sa upuan. Then finally, nakita ko na 'yong nasa may pintuan. A boy-about my age-maybe, is standing outside the classroom while talking with an instructor. Siguro may tinatanong.

Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya 'di ko kita 'yong mukha niya.

At nang sa wakas ay lumingon siya, nagulat ako. Emegerd! Bakit parang si Martin del Rosario? Ay teka-Parang hindi. Grabe naman, ultimate kalokalike ah! 'Di ako nagkakamali, mula sa mata, ilong at bibig (na ngayo'y nakangiti) ay kapareho ng crush kong artista na si Martin del Rosario.

Naglakad ang lalaki papasok sa classroom namin and the girls became unusually quiet. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaupo sa isang silya malapit sa bandang kinauupoan ko. Isang silya lang ang pagitan ng kinauupoan ko at ng kanya kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda ang kutis niya.

Ang late naman nitong pumasok? Second week na ng First Sem eh.

Abala ako sa paghahanap kung meron siyang pimples o wala nang lumingon siya sa akin, o sa banda ko nalang, baka may magre-react diyan. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa hawak kong cellphone. Umakto nalang akong busy sa pagte-text. Kahit kanina pa nagpaalam 'yong katext ko na may gagawin.

Hindi naman nagtatagal ay pumasok na si Mrs. Velasco, ang aming instructor sa English 103 kaya nilagay ko muna sa silent mode ang cellphone ko bago isinilid sa loob ng mumurahin kong bag. And when I say mura, tigbebente lang 'to sa ukay-ukay. Pero 'wag ka! Mas matibay 'to sa bag niyo. Bag ko na 'to noong 3rd Year Highschool palang ako.

Nasa late thirties na si Ma'am Velasco. She's been my instructor since English 101. Kulot ang buhok niya, nasa 5 feet 3 inches ang height at saka maputi.

"Good morning class!" energetic niyang sabi habang nakangiti. Nahawa narin kami at bumati pabalik. "Oh, who do we have here? Late enrollees?" pansin ni Ma'am sa apat na bagong mukha sa klase namin. Kasama na doon 'yong si Koya Martin-Lookalike.

"Uh, yes Ma'am," 'yong isang babae ang sumagot.

"Okay," humarap si Ma'am samin. "Guys, how about self-intro?" sabi niya na nagpasimangot sa akin. I really hate this part, self-introduction! Ewan ko, hindi naman sa kinakabahan akong magsalita sa harap. Basta! May pagka-autistic yata ako.

Self-intro na naman? 'Di na nagsawa. Kaloka, reklamo ko nalang sa isip ko. Mahirap nang i-voice out baka masipa ako palabas ng classroom. Or worse, palabas ng campus!

"Let's start from the first row," she said.

Agad namang tumayo ang nasa pinakaharap na upuan nung sabihan siya ni Ma'am. Humarap siya sa amin then started to introduce herself.

A Very Forbidden Love (Book 1 Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon