Chapter 15 Part 1

44 2 0
                                    

CHAPTER 15

Daenaryn's POV

Maaga kaming ginising kahit na late na kaming natulog. Nakakairita talaga tong Prof na to eh. Di tuloy ako nakatulog ng maayos.

Kahit na antok na antok pa ako ay kumilos na din para makapag-almusal na dahil gutom na din ako. Naglakad kami ni Ella papunta sa Canteen ng tinutuluyan namin. At pagpunta namin doon nagulat ako sa sobrang dami ng tao.

"Ayan kasi Dae tagal mo kumilos eh. Dami na tuloy tao gutom na gutom pa naman na ako." Pagmamaktol sa akin ni Ella.

"Eh ano naman? Problema ba yun?"

Naglakad ako papunta sa pinakaunahan ng pila at parang mga nakakita ng multo na nagsipag tabi sila.

"Ano magrereklamo ka pa ba?"

Hindi na sumagot pa si Ella. Kumuha na din kami ng pagkain at kinain ito.

"Ella nakita mo ba si DJ? Di ko pa kasi siya nakikita eh."

"Akala ko di ka na magtatanong eh. Ang sabi ni Sir umalis daw muna si Derick kasi may emergency meeting sila para sa upcoming movie daw."

Nalungkot ako sa narinig ko. Akala ko pa naman makikita ko siya ngayon umaga. Kailangan ko pa naman ng pampagood vibes kasi for sure mababadtrip na naman ako kapag kasama ko si Matthew.
----

Mabilis dumaan ang araw. Nasa activity kami ni Matthew na maghahanap ng kung ano anong bagay na nasa listahan na ibinigay samin. At syempre, nag-aaway na naman kami.

"Dae dito tayo sinasabi ko sayo sure akong meron don."

"Hindi bwiset! Doon tayo sa kabila!"
---

Third Person's POV

Masyadong abala ang dalawa sa paghahatakan na hindi nila namalayang nasa dulo na sila kung saan mayroong bangin. Dahil sa tuluyan nilang paghahatakan tuluyan silang nahulog sa bangin.

Napasigaw ng malakas si Daenaryn dahil sa sobrang takot. Laking gulat niya ng bigla siyang yakapin ni Matthew pero huli na ang lahat, may sumaksak na kahoy sa binti ni Daenaryn dahilan ng pag-iyak niya ng malakas.

Dahil sa tuluyan pa din silang gumugulong nawalan ng malay si Matthew dahil may tumama namang bato sa ulo nito ngunit hindi pa din niya nabibitawan si Daenaryn.

Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang dalawa. Kahit na umiiyak sa sakit si Daenaryn pinilit niyang tignan si Matthew dahil sa pagtatakang hindi ito nagsasalita at gumagalaw. Ng makita ni Dae na nakapikit ito at may dugo sa ulo nataranta siya. Inakala niyang patay na ito at ang unang niyang ginawa ay ang tignan kung may pulso pa ito.

Laking kaginhawaan sa pakiramdam niya ng maramdaman niya ang pulso nito. Nag-umpisang pumatak ang ulan. Sinubukang tumayo ni Daenaryn para makasilong silang dalawa ngunit naramdaman niya ang sobrang pagkirot ng kanyang binti dahilan ng pagtingin niya dito. Halos mawalan siya ng lakas ng makita niya ang isang kahoy na nakatusok sa kanyang binti. Ngayon lamang niya naramdaman ang sakit noon pagkatapos ng paglapag nila sa lupa.

Dahil sa panghihina at patuloy na paglabas ng dugo sa sugat niya tuluyan na siyang nawalan ng malay.

A/N

May part 2 pa po ito :))
Thank you for reading !

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon