Pagkatapos ng nangyare tulala lang ako sa trabaho kahapon at nagtataka na sa akin sila irene dahil wala ako sa focus
Halo halo na ang problemang pumapasok sa utak ko at sobrang lala na ng eyebags ko dahil hindi nanaman ako nakatulog ng maayos kagabi
Pagkapasok ko ng hotel agad na nagtinginan sa akin ang mga katrabaho ko
"Hala girl eyeliner ba na kumalat yan o bunga yan ng pagkalulong sa droga?", nang-aasar na tinanong ni gwen
"Eh yang pisnge mong pulang pula,nasuntok ba yan sa daan o floorwax pinanggamit mo?", pambabara ko sakaniya
Tumawa naman sila irene at natawa din si gwen sa sinabi ko at tinignan niya ang sarili niya sa salamin
Nagulat nalang ako ng makita si cora sa malayo,may kausap siya sa cellphone at parang nagmamadali siya,may hawak siyang envelope at mukhang papuntang trabaho
Mas nagulat ako dahil nagmamadali siya ngayon papunta sa harap ko,nginitian niya ako at nagsalita
"Hi you're portia,right?", tanong niya
"Oo,nag-meet tayo kahapon", sambit ko
"Oh thanks god,I know that you're estevan's friend so sayo ko nalang ito ibibigay",ibinigay niya sa akin ang envelope sa kamay niya
"S-sige para saan ito?", kinuha ko naman ito sa kamay niya
"Sorry portia sa istorbo ha,late na kasi ako sa meeting at nakalimutan kong ibigay ito kay estevan and I really have to go, thank you so much", sambit niya at kinawayan ako at umalis na sa hotel
Napalunok ako bigla dahil sa kaba.Tinignan ko kung saan number ng room nandun si estevan,nasa vip pala siya.
Agad na akong tumungo dito at kinakabahan ako sa gagawin ko pero ipinagpatuloy ko nalang
Pinindot ko ang doorbell niya at binuksan niya ang pinto niya
"P-portia?", nagtataka niyang tanong
"Mukha ka nanamang nakakita ng multo",pang-aasar ko sakaniya
"What are you doing here?", natatawa niyang sinabi
Binigay ko sakaniya ang envelope at kinuha niya naman ito
"Nakiusap si cora sa akin kanina and mukhang nagmamadali siya", sambit ko
"Thank you portia", sabi ni estevan at kinuha na ang envelope sa kamay ko
Aalis na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso
"B-bakit?", kinabahan ako bigla at ngumiti siya sa akin
"Tutal andito ka naman na din,kape tayo",aya niya sa akin
Hindi ko nalang namalayan na nasa loob na ako at nakaupo sa dining area
Umupo din siya sa harap ko at binigyan ako ng kape
"Salamat", sambit ko at tinikman ang kape na tinimpla niya
"Sobrang tamis ba?", tanong niya
"Sakto lang", sagot ko
"Buti naman", huminga siya ng maluwag
Nagmasid ako sa paligid at wala na akong nakitang kahit na anong anime
"Hindi ka na mahilig manuod ng anime?", tanong ko
"Hindi na eh", sagot niya
"B-bakit naman?", tanong ko uli sakaniya na may halong dismaya
"Busy na ako masyado sa work at nung nagcollege ako sa ibang bansa nawalan na ako ng oras", sambit niya
"Sayang naman pala", mahina kong sinabi
"Bakit naman", tanong niya
"Wala lang,ayun na kasi yung pagkakakilala ko sayo", natatawa kong sinabi
"At ikaw yung babaeng laging nasulpot tuwing last episode na ako", tumatawa siya habang sinasabi ito
"Oo tapos lagi kang nasa rooftop nanunuod ng anime pag vacant mo",sambit ko
"Tapos bigla kang pupunta tapos magugulat nalang ako nagsasalita ka mag-isa",iniimagine niya pa ito habang kinikwento
"Tapos bigla ka din susulpot sa harap ko para badtripin ako",natatawa kong sinabi
"Para tayong aso at pusa dati", tumawa kami pareho at bigla kaming natauhan sa mga sinabi namin
Nawala ang mga ngiti sa aming labi at sumeryoso ang aming mukha
"Ang tagal na pala no",sambit niya
"Oo nga eh", mahina kong sinabi
"Sayang lang at hindi ka naging akin", sambit niya at lumakas ang tibok ng puso ko
"Baliw",tumawa ako ng peke at umarteng hindi naapektuhan sa sinabi niya
"Pero salamat portia", sambit niya
"Para saan? ", tanong ko
"Kasi hindi mo ako pinigilan pumunta sa Amerika.Kung pinigilan mo ako edi sana hindi ko nakilala ang mapapangasawa ko",sabi niya habang nakangiti
Kumirot ang puso ko at naluha ako bigla
Hindi ko napigilan.
Hindi ko kinaya
"B-bakit portia?", natataranta niyang tanong
"Masaya lang ako para sayo",pagpapanggap ko at tumayo na sa harap niya
"I need to go back,thanks for the coffee estevan", sambit ko at umalis na sa harap niya
Pagkalabas ko ay tuloy tuloy ang aking pag-iyak
Napaka-insensitive mo estevan.
Kung ibabalik ko man ang nakaraan pipigilan kita at ako ang mapapangasawa mo
Pero imposible na,imposible dahil mahal mo na siya.
Ano pang saysay ng lahat ng ito?
Anim na taong paghihintay na dudurog din pala sa puso ko
Sana hindi nalang kita nakilala estevan.
Sana mawala ka nalang sa buhay ko
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Ficção AdolescenteNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...