Sinasabi ko na nga ba at aasarin ako nung dalawa eh. Aminado naman akong kinilig ako ng SLIGHT sa pagtapik niya sa ulo ko. Tao lang naman ako, kinikilig din. Kahit sino naman yatang babae ang gawan nang ganon kikiligin kahit slight lang.
"Kilig na kilig naman yung isa diyan. Talaga naman sinadya yung pagbangga dun sa pogi eh!" pagpaparinig ni Scarlet na obviously ay para sa akin. Hindi ko alam kung naka-ilang irap na ba ako sa kanilang dalawa ngayong araw.
"Kaya nga! Sobra yatang na-gwapuhan nung nabangga niya kanina pagpasok nyo kaya sinadya niyang banggain ulit for the second time" pagpaparinig din nung isa. Andito lang po yung pinaparinggan nyo sa tabi na ready na kayong upakan any time.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na. Naiirita na talaga ako sa mga bunganga nila.
"Stop na please? Bwiset kayo para namang hindi kayo kinikilig. Ni minsan ba hindi kayo kinilig? sa buong buhay nyo?" sabi ko sa kanila. Maka-react yung dalawa akala mo napakalaking kasalanan ang kiligin ako. Porket ngayon lang ulit nila ako nakita kiligin, tsk!
"Wala naman kaming sinabing never kaming kinilig sa buong buhay namin 'no! Pero bagay kayo besh ayieee" sabi bigla ni Scarlet. Taena bagay pa nga daw.
But come to think of it medyo pasa siya sa mga gusto ko sa isang lalaki. Matalino?check! Mgaling sa sports?check! Matangkad?check! At syempre plus na lang yung pagiging gwapo niya.
"Uyy hindi dineny na hindi siya kinilig. So does it mean na kinilig ka nga?" biglang sabi ni Francis. Okay, that question just caught me off guard. Bakit ba ako ang nasa hot seat ngayon?
"Bakit kikiligin? May kakilig-kilig ba?" pagtatanong ko sa kaniya sabay taas ng kilay ko.
"Ih sinabi lang ni Scarlet na bagay kayo napapangiti ka na diyan. Mukhang tanga lang" nabatukan ko nga siya ng isa. Epal ha!
"Namamalik-mata ka lang ulol. Try mo na din magpa-check up sa mata baka lumalabo na yang mata mo" napaka fake news talaga niyang si Francis. Hindi naman ako nangiti kanina parang ewan yung hayop na yon.
"Totoo naman diba Scarlet?" tumango naman si Scarlet bilang sagot sa kaniya habang nakangisi.
"Edi wow na lang sa inyong dalawa. Mga fake news kayo hindi naman ako nangiti baka namamalik-mata lang talaga kayo" sabi ko at umirap.
"Seryoso nga bagay kayo, Parehas naman kayong matalino may itsura ka at gwapo siya and parehas din kayong single" bakit may itsura lang yung akin? Nahiya pa siyang sabihin na maganda ako pero okay lang naman since matagal ko nang alam na maganda ako.
"Bagay lang naman sila. Ang pinaka importante sa lahat eh yung feelings. Kung parehas nga ba nilang gusto ang isa't isa. Bagay nga kayo pero di nyo naman gusto ang isa't isa edi wala den"mahabang lintanya ni Francis na ikinatango na lang namin ni Scarlet. Parang kanina lang todo pang-aasar siya sa akin tapos ngayon biglang nag-seryoso.Pag mga ganitong bagay napaka dami nyang say kunware love expert.
"Well, may tama ka. May pinaghuhugutan ka siguro no? Ikaw ha" pang aasar ni Scarlet na ginatungan ko naman. Aba kailangan ko din bumawi sa mga pang-aasar niya sa akin kanina. Masyado na siyang naiinaman.
"Gago wala! Masama na ba maging seryoso minsan? Nagsasabi lang din naman pati ako ng totoo" natawa na lang kami parehas sa sinabi ni Francis. Ang defensive nya bigla ih.
"Ano bibilhin nyo mga babae?"pagtatanong ni Francis pagka upo namin sa bakanteng table.
"Nova tyaka coke at isang ice cream" sagot ni Scarlet habang nakuha ng pera sa wallet niya.
YOU ARE READING
Notice me Crush
Ficção AdolescenteAmber Fuentes is just a normal teenager in 10th grade. At kagaya ng ibang ka-edad nya ay nagkakagusto din siya sa isang tao or crush kung tawagin. But since it has been a long time nung last na nagka-crush siya she's been wondering whether she like...