Chapter 27: Unanswered

105 8 16
                                    

Chapter XXVII: Unanswered

What is this place?

Tumayo ang balahibo ko habang pinagmamasdan sila. Lahat sila ay nakahubad at parang wala nang buhay na nakalutang sa kulay berdeng tubig.

Medyo madilim sa loob pero hindi pa rin nakatakas sa aking paningin ang iilang mga kapsula kung saan hindi pa masyadong buo ang katawan ng ilan sa mga nasa loob nito...

Who are they?

What are they?

"Kilala ko ang ilan sa mga nandito. Sila yung mga nawawala noong nasunog ang Sunset Hotel. Tiningnan ko ang profile nila isa't isa at 'di ako pwedeng magkamali sila nga ito. " Nabaling ang tingin ko kay Gino sa sinabi nya. Kung ganun, ito ang ginagawa nila sa mga taong kinikidnap nila?

Nanlamig ang buong katawan ko sa napagtanto. Ibig sabihin, ito rin ang gagawin nila sa amin? Pati kina ate at Vee?

"Pero wala naman akong nababalitaang may mga magkakamukha na nasama sa sunog," singit ni Inspector Akinu.

Labis lang kaming naguluhan sa nangyayari. Ano ba talaga ang plano ng organisasyong ito? Bakit may mga taong ganito rito? Bakit may mga kamukha silang kasama sa kapsula?

Napakapit ako sa pinto sa aking likuran dahil para akong nahilo habang pinagmamasdan ang nasa harap namin. How long are they even in here?

Nang tuluyan ko nang mapakalma ang sarili ay hinarap ko si Gino.

"Gino, kailangan natin mahanap sila ate agad. " Parang naiintindihan naman nya ang sinabi ko dahil tumango lamang siya sa akin. Bawat segundo ay napakahalag upang maligtas sila, walang dapat masasayang. Kung ano man ang pinaplano ng Moon organization sa amin tiyak na gumagawa na sila ng hakbang sa ngayon.

Oras ang pinakamatinding kalaban namin rito.

"Anong maaari nating gawin? They are already aware that we're gone. Guards are monitoring the whole place as we speak," sabi ni Gino na halatang halos hindi rin makapaniwala sa mga nakita.

"I have an idea on how we can find them. It may be the most ridiculous and cliche idea that you'll ever hear but I don't see another way. " Parehas na napakunot ang mga noo namin ni Gino sa sinabi ni Inspector Akinu.

Ibinaling ni Inspector Akinu ang kanyang tingin sa dalawang lalaking nakahandusay sa malamig na sahig bago muling binalik sa amin ang kanyang atensyon.

"We will disguise ourselves as these two using their clothes. Hindi na natin kailangang makipaghabulan pa habang hinahanap ang kinaroroonan ng ate mo at mga kasama niya kung magpapangap tayong isa sa kanila. "

Inspector's plan could work but there are still some few factors that we need to consider.

"Hindi ba mahahalata ni Rino kung makita niya tayo?" tanong ko habang iniisip pa rin kung may ibang paraan pa bang makatakas kami sa kalbaryong ito.

"Iyan ang dapat nating iwasan. Kailangan mahusay nating maitago ang ating sarili dahil sigurado akong sa oras na makita tayo ni Rino ay agad niya tayong makilala. "

"Tito, are you really sure this would work? "

"No, I don't but what choice do we have? "

Napatango na lamang kami ni Gino sa isa't isa.Tama siya. Wala na kaming iba pang nakikitang paraan upang mahanap sila ate nang hindi nakikipaghabulan sa mga gwardiya...pero may isang bagay yatang nakakalimutan si Inspector Akinu.

"Pero dalawa lamang ang damit na pwede nating gamitin, saan tayo kukuha ng isa pa," kunot noo kong tanong.

"Kaming dalawa ni Gino ang magsusuot na yan Bella. Magpapaiwan ka. Maghahanap kami ng pwede mong susuotin at babalikan ka namin rito. " Saglit akong natahimik sa sinabi niya.

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon