Chapter 43: Accepted

119 2 0
                                    

Zirie's Pov

Binuksan ko ang gate at pinapasok ko siya. Niyakap niya ako ng mahigpit, halos di ko mapigilan ang pagbaha ng mga luha ko sa pisngi ko. Naaalala ko nung una kaming mag-away, ganito din siya.

"Hep-hep, di pa tayo bati. Let me Explain first ok? Ako lang ang magsasalita." sabi ko sa kanya kaya kumalas siya sa yakap ko. Pinahuf ko muna ang mga luha ko bago ako magsalita.

"Gray sorry, nagkamali ako. Akala ko ikaw yun. Akala ko lang pala. Oo mahal na mahal kita, pasensya na kung hindi kita pinagkatiwalaan. Natatakot lang kasi ako na baka masaktan nanaman ako, ang sakit eh. Nakakapagod na kasi. Sorry Gray, sorry. Sorry kung hinusgahan kita kaagad. Hindi ako ang pumili sayo gray, ang puso ko ang pumili sayo. Hirap Gray, ang hirap. Mahal nakita eh, puso na to eh. Pasalamat ka mahal kita! Sarap batukan!" sabi ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha ko.

"Eh ikaw kaya batukan, I don't want to see you cry because of me. I love you Zirie, ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mamahalin ko, I want you to be my wife, my one and only Love, the mother of my children. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakali mang mawala ka sakin. Ikaw ang Mundo ko Zirie, ikaw. Zirie Mikaela Allistair Taylor, are you willing to love and to be loved forever? Damn you really stole my heart, let me steal a kiss from you" matatamis na mga Salita niya para sakin.

Lumapit siya sakin, hinawakan niya ang pisngi ko at sinakop ang labi ko.

"Namiss kita" sabi ko sa kanya sabay yakap  ng mahigpit.

"Nga pala, ang resignation letter? Magre-resign parin ako, magre-resign ako kung kakausapin mo pa ang bruhang yun" sabi ko sa kanya.

"Nilamon na yun ng apoy. You don't need to worry, ikaw lang ang mahal ko Zirie." sabi niya sakin kaya napabuntong hininga ako.

"Kuya, makinig ka na kasi kay Ate Zi ang tigas-tigas ng ulo mo. Hindi mo ba alam na Dina-drugs ka niya." sabi ni Akeia kaya nanlaki ang mga mata namin.

"I mean, nilalason ka niya ng kanyang kamandag. She's a totally obsessed bitch." sabi ni Akeia.

Pano niya nalaman ang lahat ng yun? Siguro sinabi ni Ardie kay Akeia.

"Ahm, Gray Pumunta Kana sa sasakyan. Mag uusap lang kami ni Akeia" sabi ko sa kanya. Mabuti naman at hindi na siya umangal pa.

Umalis na rin kasi si Lena eh, mukha kasing tinawagan siya ni Lucas. Tumungo kaming dalawa ni Akeia sa isang upuan.

"Pano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ko sa kanya.

"Yung Alin?" tanong niya pabalik sakin kaya napanguso ako.

"Ah ok, eh kasi nung time na yun Pumunta ako sa bahay eh narinig ko si Kuya Ardie may kausap sa phone at narinig ko na may possibility na involve ang bitch na yun kaya tinanong ko si Kuya, mabuti nga at sinabi niya ang lahat sakin." sabi ni Akeia.

"Alam mo bang naging ex ni Kuya ang bitch na yun?" tanong ni Akeia sakin kaya tumango ako. Tinignan ko siya para Ipaalam sa kanya na gusto kong ituloy niya ang sasabihin niya.

"Sa states kasi si Kuya nag aral, dun niya nakilala ang bitch na yun. Sabi daw niya nandun yun palagi sa tabi niya hanggang sa naging sila ngunit nalaman niyang may ibang lalaki ang bitch na yun kaya naghiwalay sila. Obsessed kasi yung babaeng yun kaya sinundan niya dito si Kuya" paliwanag ni Akeia sakin.

"Ahm Akeia, salamat talaga ah. Pasensya na talaga ah. Naabala pa tuloy kita" sabi ko sa kanya, hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Ate, Simula pa ng mga bata pa tayo ikaw ang naglalagay ng bimpo sa likod ko, ikaw ang gumagamot ng mga sugat ko, ikaw ang naging tutor ko, ikaw ang naging ate ko kaya espesyal ka sakin. If you need help, Nandito lang ako para sayo." sabi niya sakin kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon