(parang ganito ang itsura ng mga kamay natin)
naaalala ko, tuwang-tuwa ako habang tumatakbo tayo. ang saya-saya ko habang umaakyat tayo ng hagdan. tila ba magkahawak ang ating mga kamay ngunit nakatali yung mga kamay natin ng panyo.
takbo lang tayo nang takbo dahil hinahabol tayo ni beng. kaibigan natin si beng at panay ang asar mo sa kan'ya habang tumatakbo tayo. "saya beng?", yung lagi mong sinsabi na may halong tawa at pangasar. panay naman ang tawa ko dahil asar na asar na ang mukha ni beng habang hinahabol tayo.
sobrang saya ko na nakasama kita. hindi ko alam kung ano ang pangalan mo at kung ano ang itsura mo dahil malabo at hindi ko maaninag ang mga mukha ninyo ni beng. ngunit alam kong moreno ka at babae si beng.
naulit ang panaginip ko, ngunit iba na ang umpisa. papasok pa lamang tayo doon sa tore na puro hagdan lamang. tinanong pa kita kung ano ang ibig sabihin ng isang akronim na may kinalaman sa'yo (lider ka ng isang fraternity), at habang sinasagot mo ang tanong ko ay hinila mo na ako patungo sa hagdan. ngunit sa pagkakataong ito, hindi na tayo hinahabol ni beng, hinahabol na tayo ng mga pulis sa hindi ko malamang dahilan.
masaya na naman ako dahil sa'yo at sa kadahilanang magkahawak na ang ating mga kamay.
bago ko pa makita ang mukha mo, nagising na ako mula sa aking pagkakatulog na tanging baon ay ang ngiti at ang sayang naipadama mo.