Kuripot

62 1 1
                                    

<SM North Edsa>

Mga nagpipiktyuran. 

Mga abalang namimili.

Mga patingin-tingin at nagwiwindow shopping.

Mga nakapila para manood ng sine.

Mga kumakain sa fastfood at restaurant.

Mga naglalaro sa arcade.

Mga nagvivideoke.

Mga nagsusukat ng sapatos.

Mga bumibili ng school supplies.

Mga tumitingin ng mga musical instruments.

Mga nakatambay at nagpapalipas oras lang.

Lakad dito. lakad doon.

Tingin sa kaliwa. tingin sa kanan.

Lakad ulit dito. lakad ulit doon

Tingin ulit sa kaliwa. tingin ulit sa kanan.

Mahigit isang oras na akong paikot-ikot.

Napapagod na ko. Nanlalagkit pa.

Basang-basa na nga itong panyo ko.

Pwede nang pagpigaan.

Halos naikot ko na ang buong mall pero wala pa rin siya.

Ilang oras na akong naghihintay. Darating pa kaya yun.

Pinilit ko ulit i-on ang cellphone ko pero deadbat na talaga.

"Bakit pa kasi ambilis malowbat ng cellphone ko e."

3210.

Yan ang model ng cellphone ko.

Old model diba? pero iwas nakaw naman.

Pag ninakaw sayo baka ibalik pa ng magnanakaw at maawa.

Ngek.

Pero di yan ang tunay na dahilan kung bakit ganyan lang ang cp ko.

Nagtitipid kasi ako e.

Oo na, sige na hindi talaga dahil nagtitipid ako

Ang totoo kasi eh..

Dahil kuripot ako.

Oo aminado naman ako sa sarili ko.

Sabi nga ng pamilya at mga kaibigan ko "nuno daw ako ng kuripot".

Kahit kailan di mo ako mapapabayad ng sobra pag may hatian.

Hanggat maaari hindi gagastos.

Gagastos lamang pag kailangang mag-ambag pero kalkuladong kalkulado ang iaambag.

Yung saktong share lang.

Halimbawa, apat kami. 

1/4 lang ng gastos ang iaambag ko.

No more. no less.

Kapag may manlilibre sama agad ako.

Kapag may mga nagpapalibre naman ay missing in action agad ako.

Pero iba ako pagdating sa kanya.

Pag nagpapalibre siya di ko matanggihan.

Mapacandy man yan o kahit pa coffee ng starbucks.

Ewan ko ba.

Hindi ko siya matanggihan.

Siguro dahil  gusto ko siya.

Kahit di naman kami at bestfriend ko lang siya.

O ayan na pala siya.

Mapapalibre na naman ako nito.

Ano kanyang papalibre niya ngayon.?

Paano ba yan.

Paalam na.

Salamat sa pakikinig.

    :)))

KuripotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon