S I X T E E N

22 2 2
                                    

16

Jacob Harris, nasa counter ng buksan ko ang pinto ng restaurant nila, na may bell, kaya tumunog ito pagkabukas.

Naniniwala ako na ang memorya ko ng itsura niya ay base sa mga litrato na nakita ko sa newspaper ng mama ko, ang mga newspaper na tinatago niya na lahat ay tungkol sa pagkamatay ni Julie at sa trial.

Syempre, yung mga litrato sa dyaryo ay may kasama text: Julie’s body being carried out of the garage-hideout, her casket being carried out of the church. Lahat ng photographers ng araw na yun ay napicturan na lahat ng tao.

Ang mama ko ay hindi sinabi sa akin na may collection siya ng mga dyaryo at transcript ng trial. Pagkatapos niyang mamatay, nagulat ako ng malaman ko na ang mabigat na suitcase na lagi naming dala kahit saan  kami lumipat was actually a Pandora’s Box of misery. Suspetsa ko na kapag nakakainom ang mama ko at sumagi ang pagkadepress niya, bubuksan niya tong suitcase at magdradrama buong magdamag.

Alam ko na baka si Jacob at Mrs. Harris ay nabalitaan na nandito ako sa town. Nang makita ako ni Jacob, parang kinabahan siya, pero ilang saglit pa ay nagbago na ang expression niya na parang may tinatago. Huminga ako ng malalim habang papalapit sa pwesto ni Jacob.

Ang katawan ni Jacob ay mas appropriate bilang mature na lalaki kesa nung teenager pa siya na nasa litrato ng dyaryo, at ang dati niyang medyo weird na itsura ay naglaho na 22 years ago. Ilang minuto nalang bago mag 6 o’clock, closing time, at katulad ng hinahangad ko, walang customers ng naghihintay sa mga order nila.

“Jacob, Ako si Natalie Carey.” Pagkalapit ko sa kanya, kinamayan ko siya at ganun din naman siya.

“Narinig ko nga na bumalik ka na. Si Kelvin Lutz ay nagsisinungaling. Wala ako sa garahe nung gabi na ‘yun.” Ang tono ng boses niya ay halatang nasasaktan.

Alam kong wala ka dun.” Sabi ko kay Jacob.

Hindi naman patas para magsalita siya ng ganun.”

Biglang lumabas galing kusina si Mrs. Harris, at ang impression ng mukha niya ay naging defensive, lagi siyang alert na alam niyang may nangyayari sa anak niya.

Nagkaedad na siya syempre at hindi na siya yung rosy cheek na babae sa pagkaaalala ko. Nang makita niya ako, sabi niya, “Natalie?” Nang tumango ako, ang expression ng defensive niyang mukha ay nagkaroon ng matamis na ngiti. Nagmadali siyang lumapit at niyakap ako.

Pagkatapos kong tumestigo sa korte, pumunta agad si Mrs. Harris sa akin, hinawakan ang mga kamay ko at halos umiiyak at nagpasalamat. Ang depensang attorney ay muntikan pa nga akong paaminin sa kongklusyon na hindi totoo. “Hindi ko sinabi na takot si Julie kay Jacob, kasi hindi naman talaga. Takot siya na sabihin ni Jacob kay papa na nagkikita sila ni Rick minsan sa hideout.”

“Masayang makita ka ulit, natalie. Dalaga ka na ngayon at ako naman ay matanda na.” Sabi ni Mrs. Harris

Nako, parang hindi nga kayo tumatanda.” Pabiro kong sinabi kay Mrs. Harris, ang yakap niya ay parang yakap ni Mrs. Devin ng makita niya ako. Even after all this time, hindi ako stranger at hindi rin ako nag-iisa.

“Lagyan mo na ang ‘Closed’ sign sa pintuan, Jacob.” “ Natalie, sama ka sa amin pauwi at mag dinner kasama namin, gusto mo?” Yaya ni Mrs. Harris

“Gusto ko po yun.” Sabi ko.

Sinundan ko sila gamit ang sasakyan ko. Nakatira sila mga isang milyo ang layo sa bahay namin. Ang mga bahay sa kanila ay parang nung 19th century pa at maliliit.

Ang bahay nila ay parang sa expectations ko—nakakaenganyo at komportable. Sinabi ko kay Mrs. Harris na uupo nalang muna ako sa sala at manunuod ng balita habang nagluluto siya sa kusina. Pero, makalipas ang ilang minuto, sinundan ko siya sa kusina at umupo ako sa stool malapit sa counter ng kusina, sinabi ko na tutulong ako pero sabi niya ay wag nalang.

“Simpleng pagkain lang naman. Gumawa ako ng beef stew kahapon, pero mas masarap kainin ang stew pag kinabukasan.” Sabi ni Mrs. Harris

Pagkalipas ng labing limang minuto, sabi niya, “Bago bumalik si Jacob, sabihin mo nga sa akin, pagkatapos ba ng 22 years, kaya nanaman ba ng mga Webb na akusahan ang anak ko bilang mamatay tao?”

“Pwede nilang subukan, pero hindi sila magtatagumpay.” Sabi ko kay Mrs. Harris

Natalie, hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ni Jacob nung batang bata pa siya. Sobrang hirap para sa kanya, lagi kaming nagaalala ng papa niya sa kanya. Si Jacob ay isang malambing at mabait na tao.” “Hindi mo lang alam kung anong naramdaman niya ng mamatay si Julie at sinisisi siya ng mga Webb. Alam ko na ibubuwis niya ang buhay niya, mailigtas lang si Julie. Magiging okay lang sana si Jacob palagi, pwera nalang kung--”

“Kung siya nanaman ang sisisihin sa pagkamatay ni Julie.” Duktong ko sa sinabi ni Mrs. Harris

Tumango siya. “Yun nga ang ibig kong sabihin.”

Narinig namin na bumukas na ang pinto at pumasok na si Jacob papuntang kusina.

“Hindi naman patas na sabihin nalang ng lalaki na ‘yun na kaya kong saktan si Julie.” Sabi ni Jacob habang paakyat na ng hagdan.

“Nagsisimula na naman siya.” Sabi ni Mrs. Harris

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon