Parang magnanakaw na nagmamadali akong lumabas ng study room niya matapos nang ginawa ko.
Kung iisipin, nagnakaw nga naman ako.
Napangiti ako habang nakaupo sa sofa at nanonood sa netflix. Ako nalang muna ang nanood kasi ayoko namang istorbohin siya sa pagtulog niya.
Alam kong pagod siya dahil sa acads kaya kailangan niyang magpahinga. Sobrang sipag naman kasi talaga kaya pati ako nahahawa.
Nasa kalagitnaan na ako ng movie nang bigla nalang siyang sumulpot at tumayo sa harap ng t.v kaya naharangan yun
"Gising ka na pala" I stated the obvious.
Masama ang tingin niya sa akin na akala mo may ginawa akong masama sa kanya. Bigla tuloy akong kinabahan
Alam niya kaya?
Pero kung alam niya siguradong matutuwa pa yan imbis na magagalit.
"Why didn't you wake me up when you arrived?" He sounded so mad yet I can hear his pout with his voice although he looks so serious
"I cooked fries. Kunin ko lang sa kusina yung iyo, jan ka muna" tumayo ako at iniwas siya sa sala at pumunta sa kusina para kunin yung fries niya pero sumunod siya sa akin
"You should have woken me up"
"Mahimbing kaya yung tulog mo. Wag ka nang magreklamo jan. Magmovie marathon tayo" tinaas-taas ko yung kilay ko sa kanya at tinignan siya nang mapaglaro.
"Psh" I chuckled when he couldn't help his smile from showing
Galit-galitan pa bibigay rin naman.
"Magtoothbrush ka muna jan tapos sunod ka na" asar ko sa kanya bago dinala palabas ang fries at mga ice cream.
Isinalansan ko yun sa coffee table at naglapag ng unan sa lapag para dun kami maupo. Netflix and chill it is.
"Magdinner muna tayo, magluluto ako" yan ang sabi niya pagkalabas niya sa kusina kaya agad akong umiling at hinila siya paupo
"Skip muna ng dinner. May fries at ice cream naman okay na yan"
"That's not proper dinner"
"Minsan lang naman eh"
I looked at him and pleaded using my eyes. He fought my stare but then just heaved out a sigh after a while and nodded in defeat
"Okay, you win. Ngayon lang"
But that was enough for me to celebrate inside. I really want to relax tonight, especially after knowing about the offer to him, it's like a mini celebration.
Nilapag ko sa harap niya yung ice cream niya.
"Vanilla kasi ayaw mo magsabi ng gusto mo"
"Kaya yung gusto mo rin yung pinili mo?" Taas kilay niyang tanong
Hindi ako sumagot at ngumiti lang sa kanya ng pacute.
"Anong gusto mong panoorin?" I asked him
Hindi ko kasi bet yung pinapanood ko kanina at for sure di niya rin naman magugustuhan yun.
"Anything" he opened the tub of his ice cream
Pumili nalang ako ng mapapanood at pinili ko yung ready player one.
Nakaraan ko pa kasi gustong panoorin 'to. Niyaya ko yung Eleven sa group message one time na panoorin to sa e-lounge pero halos lahat sila ay busy. I can't even remember the last time that we saw each other.
Nagsimula na yung movie at nagsimula na rin akong kainin yung ice cream ko pero nadidistract ako kay Aiden kasi gusto ko rin nung vanilla.
"Patikim" sabi ko sa kanya at nilapit ang kutsara sa tub ng ice cream niya
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...