Kristen.."ten napapasin kong hindi mo lagi nauubos pag kain mo namamayat kana ubusin mo yan" may pag aalalang wika ni helen ewan ko ba ilang araw na akong walang ganang kumain pinipilit ko nalang kahit kunti may mailaman sa tiyan tapos di rin ako maka tulog nang maayos walang ibang laman ang isip ko kundi si El..
"busog na ako!! oh ayan..sayo na" bahagya kong tinulak yung plato ko..na agad naman nyang dinakot yung tirang ulam na chicken kunwari concerned!! pag kain ko lang naman ang interest.. lihim nalang akong napa irap kay helen na kung makalamon ay kala mo di kumain ng isang taon..
"alam mo ten-ten mabuti pa puntahan nalang natin si miss El. para sumaya kana ilang araw na tayong di pumupunta doon ah" sabi pa ni helen malungkot naman akong umiling..
"hindi na pwede len-len nag decision na akong itigil ang pag stalk at pag bigay ng bulaklak sa kanya kung alam mo lang sa bawat araw na pag pipigil kong wag syang puntahan ang hirap..saka may fiance na sya pag graduate nun ikakasal na yun" para naman tinusok ng libo libong karayum ang puso ko nang maalala na ikakasal na ito balang araw
di ko mapigilan mapahikbi at kasabay nun ay ang mabilis na pag tulo ng mga luha ko napa subsub..nalang ako sa mesa umiiyak habang yumuyogyog..ang balikat ko.. El..el..elmira sigaw ng puso ko para itong pinipiga sa sakit..
"len baka may kilala ka mag a-aalis ng sakit..nito sa puso ko" naiyak parin bigkas ko habang naka subsob
"ten-ten tahan na wag ka naman umiyak ng ganyan napapaiyak din ako ehh..kung gusto mo dalhin kita kay mang isko.." napa angat naman ako mula sa pag kaka subsob
"sinong!! mang isko"sabi ko pa at di na nag abalang punasan ang luha at sipon kung tumutulo pa
"si mang isko yung albularyo!! magaling daw yun mang gamot" madali ko naman kinuha ang basahan sa lamesa at ibinato sa mukha ni helen..
"sira kaba tingin mo sakin na engkanto" sabi ko pa nag e-emote ako dito panira din ito ehh..
"mukha ka kasing engot kong maka ngawa ka dyan kala mo naman naging kayo"
bwisit.. dadamputin ko na sana ang plato para ibato sa kanya nang mag salita uli ito"Oopss wag yan masakit yan..di kana mabiro may alam na ako para mawala yang sakit na raramdaman mo intay ka lang at kukunin ko" sabi pa nito kaya marahan kong inilayo ang kamay ko sa plato at nag punas ng luha at sipon.. tinapos muna nitong kumain bago umalis may kukunin daw kasi..
mabuti nalang at maagang umalis sina inay..at itay napapansin din nila ang pa nanamlay ko pero sabi ko sa kanila ay masama lang pakiramdam ko kaya di nila ako pinapasok sa school..at itong si helen di narin pumasok.. gaya gaya talaga..
ilang sandali pa ay dumating na si helen may dala dala itong isang bote napa kunot naman ang noo ko ng ipatong nya iyon sa mesa.. Alak..
"ayan ten-ten pag ininum mo yan mawawala yung sakit na nararamdaman mo!!" may pag mamalaki pa nitong sabi..
"paano ka naman makaka siguro na mawawala yun ng dahil dyan"sabi ko pa at naiinis na napakamot ako sa ulo
"kasi dati tinanong ko si tatay kung bakit lagi sya nag iinum sabi nya yun lang daw nag papawala ng pangungulila kay nanay at sakit ng damdamin nya!!" napaisip naman ako totoo kaya yun..
"oh inumin muna laklakin mo agad ten-ten" napa tingin naman ako sa baso puno iyun ng alak.. napalunok muna ako bahala na pikit mata nalang ako sabay dampot ng baso at nilagok iyon ngunit di pa ako nakaka kalahati ng maibuga ko iyun.. ang sama ng lasa.. nagulat pa ako pag mulat ko na inabuga ko pala sa mukha ni helen yung alak..
YOU ARE READING
Beloved You El..
HumorGxG story Paanong gagawin ni Kristen Dimagiba Para Mapa ibig Ang Maganda at Mayaman Na si Elmira Delvin