Wishing Tree ♥

123 5 1
                                    

*RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!*

Nagsilabasan na lahat ng estudyante at ako naman ay nananatiling nakaupo sa kinauupuan ko..

"Bestfriend.. may ipapakilala ako sayo mamaya.."

Nagulat ako ng may nasalita sa likod ko..

Si HENRY pala.. Ang BESTFRIEND ko.

"H-ha? Ahh, ngayon na ba yun? Sige, kita nalang tayo sa gate."

"Sige, bilisan mo ah? HAHA, Una na ako!"

Mukahang masayang-masaya si Bestfriend ngayon.. Hmmf. Lagi naman, pero.. iba talaga yung saya nya ngayon eh..

Oh, I forgot to introduce myself, Im Ryma Harley. Sophomore student sa isang private school. Oo, may kaya kami, nasa akin na lahat, talino, ganda, yaman pero bakit? Bakit ang kaisa-isang pinapangarap ko sa buong buhay ko, eh hindi ko makuha-kuha?

Inayos ko na ang sarili ko at sumunod kay Henry sa gate para makilala ko ang babaeng dahilan ng mga masasayang ngiti ni Henry..

"Bestfriend!! Nandyan kana pala!! Tara dito!!" tawag niya saken.

Lumapit naman ako sa kanila and I flashed a Fake Smile..

"Hi! Ikaw pala si Patricia? I've heard alot of things about you! By the way, I'm Ryma" :(

"Hello, nice meeting you Ryma, sa wakas nag kakilala na tayo! Matagal ko ng gustong makilala ang bestfriend ni Henry. Kaso hindi nagtutugma ang schedules naten"

Yeahh.. Im Henry's—- BESTFRIEND..

"Ah, bestfriend. Di kita maihahatid ngayon ah? Ihahatid ko kasi si Patricia, mag kaibang way yung bahay niyo. Sorry talaga bestfriend. Babawi ako next time, promise!"

"H-ha? AH! OKAY LANG NO! Ikaw naman! HAHA :)) Oh, sige mauna na pala ako, malayo-layo pa kasi yung bahay. Mag-ingat kayo ah? See you soon, Patricia. Nice meeting you!" I waved and flashed my Fake Smile .. again.

"Babay Bestfriend! Ingat!"

Hindi na ako lumingon, ayoko ng makita, ayoko ng masaktan. Tinaas ko nalang yung kamay ko at kinaway.

Dumiretso ako sa favorite place ko. My Wishing Tree.. Hindi man sya tumutupad ng mga wishes ko, atleast kapag nandito ako.. Nailalabas ko ang tunay na ako.. Ang tunay na damdamin ko..

Sa likod ng puo, may isang box. Binuksan ko ang box at ito ay mayroong isang notebook. Ang aking talaarawan. Sinusulat ko dito lahat ng nararamdaman ko, wala namang makakakita nito dahil ako lang ang nakakaalam kung saan ito nakatago.

Diary,

Nasasaktan ako, hindi ko na siguro kaya.. Natatakot akong magtapad sa kanya at baka masira lang ang pagkakaibigan namin, siguro iiwas nalang ako.. Na-meet ko na nga pala si Patricia, maganda siya, walang duda. Maputi. Pero, maganda rin naman ako ah? Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Bestfriend. Siguro nga hanggang mag-Bestfriends lang kami.. Pero mag-iipon ako ng lakas ng loob. Magtatapat ako sa kanya. Kung hindi niya tatanggapin ang feelings ko, sigurado masisira ang friendship namin. Pero kung hindi naman ako magtatapat, baka magsisi lang ako. Ano bang gagawin ko?

-Ryma

I went home, sa loob ng kwarto ko.. Pinag-isipan ko kung anong sasabihin ko kay Henry.. Hindi ko alam. Perosimula nung nakilala niya si Patricia, nag-iba na siya. Hindi na siya yung Henry na kialala ko, yung besfriend ko na nag te-text at tumatawag. Kung Henry na nangungumusta kung kumain na ba ako, yung Henry na sinusundo at hinahatid ako. People Change.. ika nga.

Wishing Tree ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon