Agad itong gumawa ng bolang apoy at mabilis na pinatamaan si Husten. Patuloy ito sa pagpapatama kay Husten ngunit nagagawa parin nitong maiwasan ang mga atake
"Iyan lang ba ang kaya mo?" Panghahamon ni Husten at gumawa ng dalawang matutulis na sphere na gawa sa tubig at isa-isang pinaulanan si Mark. Dahil sa sugat ay hindi gaanong naiwasan ni Mark ang mga atake ni Husten kaya natamaan ito sa kanyang kanang balikat. Dumanak ang dugo galing sa balikat ni Mark kaya nakaramdam ito ng panghihina. Hindi nito mainda ang nararamdang sakit dahil sa pagtama ng matulis na sphere. Bakas sa mukha nito ang sakit dulot ng pagtama ng sphere.
"Sumuko kana Mark at ibigay mo nalang sa akin ang gusto ko." Sabi ni Husten. Lumapit ito ng malapitan kay Mark at pilit na kinukuha ang gintong itlog.
"Not a chance." Sabi ni Mark at bumuga ng mainit na apoy, ng mahawakan ni Husten ang lalagyan ng itlog,kaya agad na napa-atras si Husten. Dahil sa ginawa ni Mark ay nalapnot ang damit ni Husten at nasugatan ito.
"Sea serpent!" Dahil sa ginawa ni Mark ay mas lalong nag-init ang ulo ni Husten, gamit ang kaniyang kapangyarihan ay gumawa siya ng ahas na gawa sa tubig at pinuluputan nito si Mark.
"H'wag kanang magpumiglas at ibigay mo na sa akin ang gintong itlog." Sabi ni Husten, dahil sa pagpupumiglas ni Mark ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkapulupot ng kaniyang ahas sa katawan nito.
"Arrggh." Daing ni Mark sa sakit ngunit hindi parin nito isinusuko ang itlog dahil alam nitong gagamitin lamang ito ni Husten sa kasamaan. Alam nito kung gaano ka dilikado kung mapupunta ito sa kasamaan.
"Ibigay mo na!" Utos ni Husten.
"Ahhhhhh!." Gamit ang natitirang lakas ay binalot ni Mark ang kaniyang sarili ng malaking apoy at naging dahilan ito upang mawala ang ahas ni Husten na bumabalot sa kaniya. Ikinagulat ito ni Husten dahil nagawa parin nitong makapaglabas ng matinding apoy kahit na nanghihina na ito.
Hindi na nagawa pang mapigilan ni Husten ang mabilis na pagtakas ni Mark. Gamit ang pressure na gawa ng init ay ipinabulusok ni Mark ang kaniyang sa sarili sa malayong lugar na alam niyang hindi masusundan ni Husten. Dahil sa ginawa nito ay agad siyang nanghina na naging dahilan ng pakawala ng kaniyang kapangyarihan. Bumulusok ito sa isang gubat at duon na nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Babaylan Academy: The Dark Lord's Agimat
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang batang lalaki na nais maging isang tanyag at malakas na tagapagtanggol. Dahil sa hirap na dinadanas, naging bukas ang kaniyang mga mata upang tumulong at gumawa ng kabutihan.