Kenji Delos Reyes' Poser O.O [one shot]

1.2K 31 48
                                    

PS. THIS IS NEITHER A SEQUEL NOR A FAN FIC OF MS. BIANCA'S SHE'S DATING THE GANGSTER :) I'M NOT USING HER STORY TO GAIN READERS, FANS AND MOST ESPECIALLY, VOTES :)  YOU'LL SEE AFTER YOU'VE READ THIS WHY I USED THAT TITLE ANYWAY :) 

--

Sumimangot ako. "Ampait naman nito! Nagsisisi na tuloy akong binili ko pa 'to." Inilapag ko na sa side ni Neesha 'yung Coffee Float ko. Mamaya maihagis ko lang 'yun pag nilapag ko sa tabi ko.

"Bakit? Ano bang lasa?" 

"Gusto mong tikman?" Iniabot ko ito kay Neesha. She took a sip and oh well, as expected, nag-crumple din mukha niya. 

"Ang tapang naman nito! Isang bag ba ng Nescafe nilagay nila diyan?" 

"Db? Aish." Tinuloy ko na lang pagkain ko sa spag ko. Pero ocassionally, ay sumu-sulyap sulyap ako sa lalaking nasa likod ni Neesha. He's holding a red rag (which happened to be my flag). Mukhang aburido siya. Parang may inaantay? Tapos 'yung itsura niya parang ilang taon na siyang naghihintay sa inaantay niya. May naalala tuloy ako.

"Ui guys. Isipin niyo para tayong nasa SDTG. Kunwari daw nasa Starbucks tayo tapos si Neesha si Athena tapos 'yung nasa likod niya na guy ay si Kenji." 

Nag-lean forward si Katrinka. "Kenji?"

"Oo. Kunwari na lang may photoshop utak mo. Gawin mo siyang gwapo." Medyo natawa si Kat sa sinabi ko. Eh hindi naman kasi talaga ganun ka-gwapo 'yung lalaki eh. Actually hindi nga siya gwapo. I'm so mean! I know right? Hoho *O*

"Tapos kunwari may inaantay siya. 'Yung parang nangyari kay Kenji? Ganun. Kunwari raw hindi rin siya sisiputin 'nung ka-meet niya." 

Nagtawanan kami ni Kat. Kami kasi 'yung magkatabi eh and bumubulong lang ako so hindi masyadong naririnig ni Neesha. Mamaya kasi marinig pa ko 'nung lalaki. Imbaworlds na kung ganun. 

"Ui hala." Si Kat. Napatingin kami sa lalaking nagbaba ng tray niya sa table 'nung lalaki kanina. Nagkatinginan kami ni Kat tapos bigla siyang nagtanong na--"Bakla?" 

Muli ay nagtawanan kami. "Shit! Bading pala! Hahahaha! Lalaki pala inaantay niya." Natatawang sabi ko. Siguro kung nakikita niyo lang kami ay iisipin niyong praning kami. Eh mukha naman kasing mag-syota 'yung dalawa. Mukha silang nagde-date. Epic fail! 

Tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Si Neesha mukhang unaware pa sa nangyayari. Sumusulyap sulyap siya sa amin tapos magki-crease noo niya. Sorry Totx. May hangover pa kasi kami ni Kat sa epicness 'nung dalawa kaya hindi ako halos makapagsalita. 

"Ui bakit?" Tanong ni Neesha. Naka-crease 'yung noo niya. Uh-oh.

"Hala ka Thana. Nakatingin na siya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kat. Unti unti ay inirong ko ang ulo ko at sinilip 'yung guy. Oh shit! Nakatingin nga! 

Mabilis kong ipinalig ang ulo ko para matakpan ako ni Neesha. Sa unang pagkakataon ay natuwa akong pandak ako. Siguro ay napansin ni Neesha 'yung uneasiness ko kaya nagtanong siya. "Bakit?" Puro ka bakit te! Nagmana ka ba sa maid namin? Puro kasi bakit 'yun pag inuutusan ko.

Pinandilatan ko si Neesha and spoke through my gritted teeth. "Wag kang gagalaw." I said with such force and finality. "Subukan mong gumalaw, papatayin kita!" At pinandilatan ko ulit siya ng mata.

"Bakit nga kasi?" 

Nanlaki nanaman ang mga mata ko nang makitang nakalingon na 'yung kasama ni panget sa amin. And paker! He didn't even bother to move when I looked at him. Parang sinasabi pang "ui miss nakatitig ako sa'yo" while grinning from ear to ear! Shit! That sent chill to my spine!

Kenji Delos Reyes' Poser O.O [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon