14

581 40 1
                                    

"Mahal mo ba talaga ako?" Panimula ko ng hindi nakatingin sa kanya

"O tama si Joey na... rebound ako? Na saken mo ginagawa yung mga di mo nagawa kay Meriel?"

"What?"

"Kasi di ba sabi mo you loved someone before me? Siya pa rin ba?"

"So all this time hindi ka naniniwala na mahal kita? Bawal ba ko magmove on Poriche?"

Mali ba yung tanong ko?

Rich's PoV

Mas masakit pala yung mapagdudahan ka sa nararamdaman mo?

"Hindi sa ganun pero kasi sabi ni Joey..."

"Joey? Mas kapanipaniwala pala yung ex mo kesa saken? Sa bagay ano nga naman ako? Mas nauna nga pala siya sa buhay mo Poriche"

"Rich hindi ganun. Ehh kasi..."

"Kasi ano? Don't you feel how much I love you? Kulang pa rin ba yung ginagawa ko? To answer your question? Walang rebound. I never did this to anyone. Lalong lalo kay Meriel. Sayo ko lang ginawa lahat ng to Poriche. Sayo lang"

Nakakadismaya. Si Meriel... oo minahal ko siya pero tangina hindi ako ganun katanga para magsabi ng "mahal kita" kung hindi naman talaga. Ang masakit pa, nagduda siya dahil sa sinabi ng ex niya.

Poriche's PoV

"I would've just left you at bumalik sa States kung di ka mahalaga saken Poriche. Pero ano nandito ako kasama mo"

"A-ano?" Totoo ba?

"I even had my flight tickets ready pero the day I need to leave hindi ko ginawa. Bakit? Kasi maiiwan ka. Kasi masasaktan ka. Tapos all this time hindi mo pala yun ramdam? Hindi mo pala ramdam na mahal kita?"

"Ramdam ko! Pero kasi..."

"Kasi sinabi ng ex mo ganon?!"

"Masisisi mo ba ako?? Ehh sobrang mahal mo si Meriel di ba?"

"Dati yon putangina. Ikaw na nga! At alam mo masakit? Mas mahal kita. Pero hindi mo pala yun nakikita"

Rich's PoV

Tumalikod na lang ako. Hindi naman ata niya maiiintindihan nararamdaman ko kahit ano paliwanag ko

"Teka Rich san ka pupunta?!"

"Aalis na. Hindi ka naman naniniwala na mahal kita. Ano pang punto natin dito?"

"Rich! Huy teka lang naman!"

"Ano ba?! Ano bang gusto mong gawin ko?!" I don't think I even cried for Meriel pero puta ambabaw ng luha ko

"I took the risk of falling in love with you. Kahit nasaktan ako. May ex ka rin pero sabi ko sa sarili ko 'baka naman this time eto na yung tamang tao' but yeah baka mali ako"

I went straight to the door pero tumingin pa rin ako sa kanya

"Mahal kita. Sana naman ramdam mo na yon... Pororo. Saka mo na lang siguro ako kausapin pag sigurado ka na saken. Pasensiya ka na kung nagduda ka. Sorry if I didn't make you feel how much I love you. Sorry if you had to go to the thought of me not loving you. Baka nga kulang pa rin talaga buong pagkatao ko para sayo"

After that, I shut the door and left. Ang sakit.

Poriche's PoV

I was left there dumbfounded. Ramdam ko naman yung pagmamahal niya pero nagpadala ako sa sinasabi ng ex ko. Ang tanga ko. Sobra.

Napaupo na lang ako sa salas. I don't even know how long have passed na dumating na lang si kuya Chase sa bahay.

"Porri? Are you crying?!"

"Kuya..." I broke down the moment I saw my brother

"Why?? Sinaktan ka ba ni Rich?!"

"No. No. Ako... ako yung nakasakit kuya..."

"What?! What exactly happened?!"he asked so I told him everything.

"Porri... that dude is loving you for real. Kahit ako nakikita ko yun. Anong nangyare? Bakit ka nagpadala sa ex mo?"

"I don't know kuya... I don't know. Ni hindi ko alam na aalis na dapat siya kuya"

"Babalik na dapat siya sa mama niya sa States pero alam mo text niya saken the day before that?"

"Y-you know?"

"Yup. Nagpapaalam siya saken if it's okay to leave you. And I told him hindi ko naman desisyon yon. At ang sabi niya?"

"A-ano?"

"Wag na lang pala. Hindi na ko aalis. Baka hindi kayanin ni Pororo"

"You're all he thinks of all this time baby girl. Hindi naman porket nakita mong mahal na mahal niya yung dati hindi na siya pwedeng magmove on? He was able to move on because of you. He's showing himself to you. Tapos ganito mo lang ibinalik? That's hell Porri"

"Kuya... anong gagawin ko?"

"Suyuin mo. Before it's too late. Wag mo nang patagalin kasi baka ituloy non yung pag-alis niya. Lalo na ngayon nagkaganito pa kayo. I bet he thinks he's never enough for someone"

"No kuya!! He can't leave me!!"

"Then do your part now Porri. Make him feel his worth"

Kuya Chase tapped my head before standing up

"Matulog ka na. Bukas mo na isipin yan. You need to rest"

I don't think I can sleep. Hay. Wag ka naman sanang umalis Rich oh? I'm sorry. I'm really sorry

Moment of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon