Chapter 6JERAH's POV
"Aray !" Daing ko sa hindi inaasahang tulakan galing sa likod kaya napa-upo ako dahil sa pagkawala ng balanse.
"Ano ba?! Bakit kayo nanunulak! Makakapasok din tayong lahat pero bakit ba atat na atat kayo?! Hinahabol ba kayo ha?! Tsk!" Sermon ni Karyl sa mga kapwa naming estudyante. Bakit ba kasi sila nag-uunahan. Nananakit pa naman ang paa ko sa pagbaba ng building.
"I think you need some help." I'm about to stand up when a hand suddenly showed up infront of my face and offering some help.
Tumingin ako sa taong nasa harapan ko and there I saw the student body's president. Smiling widely.
"No thanks, I can manage." Pinal kong sagot but he still help me to get up.
"Accepting other's help doesn't kill you, you know." He rebuttal kaya wala na din akong nagawa ng itayo na din niya ako.
Hindi lang ako sanay tumatanggap ng tulong sa iba lalo na sa school if it isn't my best friends.
"I'm afraid you'll gonna ask for an exchange." Natawa lamang ito sa isinagot ko. Pinagpag ko na lamang ang uniform ko at tumayo ng maayos at hinarap siya.
"I'm afraid to say that there will be." Sabi niya at sabay kindat sa akin at naglakad palayo.
"Karyl let's go." Tumingin muna siya sa mga nasa likod namin at sa tingin ko ay masamang tingin ang ipinukol nito dahil napatingin sila sa baba.
Naglakad kami at nakakahilo ang dami ng estudyante. Air-conditioned naman ang covered court but it cannot really accommodate this thousands of students. Hindi naman ganon ka-init pero hindi din ganon ka-lamig.
Gusto ko sana sa may harapan para hindi masyadong crowded.
"Karyl I want to sit infront." A crease formed in her forehead habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa may harapan.
"Eh bulag ka ba Jerah? Hindi mo ba makita na pahirapan na nga dito sa likod sa harapan pa kaya?" Taray-taray na saad nito habang nakamewang
"It's showtime!" Kindat ko sakanya at parang naintindihan naman niya ito.
Sabay kaming naglakad sa gitna na para bang may fashion show. Habang naglalakad kami tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at tumambad ang mahaba at alon-alon kong buhok.
I don't really want to do this because I can caught attention again but I can't help it. Sometimes you need to use your talent to get what you want.
As what I've expected, napatingin sila sa amin. Ang mga lalaki naman grabe makatingin na para bang hinuhubadan na kami. Tsk! May sumipol pa. Ano kami aso? Shet! Umaandar na naman ang katarayan ko. Kung hindi lang talaga ako naiinitan haysstt..
Narating naman namin ang bandang harapan and as we have planned, pinaupo kami ng dalawang lalaki at ngitian namin sila bilang kapalit, sila naman ang kumindat nalang sa amin bago sila umalis.
"We're not informed that there is an intermission." Tikhim ng dean namin and chuckled. Namula ako dahil hindi namin napansin na dumating na pala ito. We are aware that teachers are here but not him.
"Nice show" bulong ng katabi ko at nang pagtingin ko, the students' body president. Lalo akong namula. I just rolled my eyes to his statement and diverted my gaze infront.
"You may all wondering why we gathered you here. So, I would like to inform all of you that intramurals will be postponed------"
Hindi na nakapagsalita ang dean dahil sa pag-iingay ng lahat kasama na din itong katabi ko na si Karyl. Para itong bomba sa pandinig nila.
May iba pang napatayo at may napasigaw pa ng "booo!". People express their different reactions to the announcement. Even Karyl sitting beside me can't hide her disappointment and complaining about her effort in their practices.
Mabilis naman ang pagtayo ng isa pang katabi ko at tinakbo ang espasyo sa harapan and grab the microphone placed below the stage.
"Keep quiet!! " Dumagundong ang boses nito dahil sa pagsigaw. Natigil naman ang iba sa ginagawang pagre-reklamo.
"You are all being disrespectful! Why don't you wait 'till Sir Abellano finish what's he's saying." Nang pansin niyang nakinig naman sila rito ay umalis din ito agad at bumalik sa tabi ko.
"Thank you for that Mr. Chua. So as what I've said, intramurals will be postponed for some reasons. It will be held next month rather than next week. I understand that you've put extra efforts in your practices and feel excited but the school's stockholders will have their visit in our school so, we need some preparations for that. Also, this time it would be extra special for the reason that the two major stockholders will be here too for the first time. Isn't exciting? And for the first time, we can already take a glance to our major stockholders behind their kindness? " malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ng dean namin sa mahaba nitong lintya. So a special guest huh? Another tiring day for sure pero sino kaya sila at ngayon lang nakapunta. Ilang years na ang school ngunit nakapag-tatakang ngayon lang sila magpapakita.
"Sino kaya sila Jerah? Nakapagtataka naman na sa tagal ng school ngayon lang magpapakita." Taka rin na tanong ni Karyl sa akin.
"Maybe they are just too busy to take a visit" wika ko rito pabalik.
Mabilis din kaming pinalabas sa covered court matapos ang announcement na iyon ng dean.
Usap-usapan na ito sa iba't ibang dako ng campus at tila nakalimutan na ang mga nire-reklamo lamang kanina.
Ang iba ay parang na excite din sa darating na bisita at ang iba naman ay curious din katulad namin na ngayon lang magpapakita. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang nasa isip ko.
"Jerah sa cafeteria na tayo." Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at pumila para umorder ng light snack. Na-consumed kasi ng announcement ni Sir ang oras dahil madami pa itong pina- alala sa bawat isa tungkol sa darating na visitation.
I ordered blueberry cheesecake and some chips. Ganon din si Karyl but hers is strawberry.
"Sooooo" pinahaba ko talaga ang "So" sakanya at sabay taas-baba ng kilay ko sakanya.
"What?" Guguluhang tanong nito sa akin pero ako todo pa rin sa pangte-tease sakanya.
"Who's that? Who is babe?" Pang-aasar ko sakanya na may malawak ng ngiti. Yesterday kasi, Karyl sent me a message accidentally. She said to that message, "goodnight babe" ..
"H-how---" nagulat nitong sabi kasi napalaki pa ang mata. Huli ka . HAHA.
"Excuse me Jerah, Ms. Fin is looking for you."
Hindi ko na natuloy ang pang-aasar kay Karyl dahil sa biglaang pagsulpot ng isang estudyante sa harapan namin.
" Ano kaya kailangan sa akin ni Ms. Fin." Nabulalas ko ngunit mahina lang na para bang kinakausap ko ang sarili ko.
"Anyway I should go. I'll text you later mosh. And we're not yet done." Kinindatan ko si Karyl at umalis na. Natatawa nalang ako sa itsura niyang halos panawan na ng kulay ang mukha.
So who's the luck guy? Napaisip ako bago tinungo ang sadya ko.
BINABASA MO ANG
Entering The Exit
Teen FictionLoving someone can lead you to two ways, Either ang magmahal ng may patutunguhan o ang hindi pa man naumpisahan pero natapos na. Ako? Kung ako man ang tatanungin, yes I've been in loved pero ang masaklap sa ikalawa nga lang. My love story that ne...