☽ Kabanata XXXV ☾

127 45 3
                                    

Ang Diwata At Sirena


(Mga pananaw ni Toradel/Toradel's POV)

Pagkatapos ko basahin ang ika sampung kabanata ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.

Ako nga.. Ako nga ang may kasalanan ng lahat. Wala na dapat akong sinising iba kundi ako lang.

Ako lang! Ako ang gumawa nito sa sarili ko..

Nagpadala ako sa emosyon ko. Nagpadala ako sa galit ko at nabulag ako sa mga ginawa ko. Hindi lang pala ang pag pana sa puso ko ang pinaka masakit sa lahat, dahil sa pagkamatay ng anak ko ay dinamay ko ang mga inosenteng mga karo.

Ang mga Pristes at Kawal sa Lupain ng mga Lapasaran ay wala naman sa aking kasalanan pero sila ay aking pinarusahan. Ngayon naiintindihan ko na si Roman, noong unang beses niya akong nakita sa loob ng kulungan ay halos gusto niya akong patayin gamit ang kaniyang paningin.

Nakalimutan ng lahat ang aking pangalan maliban kela Roman, Nananatili sa kanilang mga isipan ang lahat ng mga pangyayari sa nakaraan. Paano ko ba ito nagawa sa sarili ko?

Bakit hindi ako nag-isip ng mabuti?

Bakit ako nagpadala sa mga emosyon ko?!

At hanggang ngayon ay maraming naghihirapan sa naging desisyon ko..

Sa simula palang pala ito na ang aking plano. Sa kagustuhan ko maranasan magkaroon ng mga magulang ay dinamay ko sila. Si Mama at Papa ang nakakita sa akin, inalagaan at minahal nila ako. Pero ako pala ang dahilan kung bakit sila namatay, ako ang pumatay sa mga magulang ko.

Kasalanan ko lahat.

Simula pa noon na sila pa si Haring Isagani at Reyna Narda ay sila na ang nag-alaga sa akin, pinatay sila ni Konswelo at muling binuhay ko. Pero pagkatapos nila akong buhayin ako din pala ang bumawi ng mga kaluluwa nila.

Bakit ko ginawa iyon?!

Bakit?!

Simula naman ng maulila ako ay si Lola Nonecita na ang nagbantay sa akin, hanggang dito sa Heratalya. Bilang si Tamida naman ay ginagabayan niya ako simula noon palang. Pero kasalanan ko kung bakit sila nagkahiwalay ni Tamilya, at ipinanganak man sila muli bilang isang tao ay hindi na sila nagkita muli ni Lola Krisanta.

Nauulit lang ang buhay ng lahat ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, dahil kasama ito sa mga hiniling ko. At ako din pala ang dahilan kung bakit kada taon nagpapakita ang Bughaw na buwan. Ito ang naisip kong paraan para mabuhay muli ang anak ko.

Ngayon ay hindi ko alam kung ipinanganak muli bilang isang tao si Flora dahil nagising mula sa pagkakatulog noon si Mortisya. Naputol saglit ang sumpa na ako pala ang may gawa.

Sobrang sakit isipin, mga katotohanan ay napakahirap tuksalin. At ngayon na nalaman ko na ang totoo ay nagagalit ako sa sarili ko. Bakit? Bakit hinayaan ko na magkaganito? Ngayon sobra na akong nalilito.

Hindi pa malinaw sa aking isipan kung kaninong buhay ba ang ililigtas ko. Dahil kung mananatiling buhay sila Ismael at hindi na ipapanganak muli sila Nathaniel.. Paano ako mabubuhay sa mundo kung alam ko na ako ang dahilan ng pagkamatay ng iba?

Hindi ko din alam kung dapat ko pa bang sundin si Konswelo, pero siya lang ang nagsabi sa akin ng totoo. At si Ramon.. siya pala ang pumatay sa anak namin. Paano at bakit niya nagawa iyon?!

Pinatay ng Hari ang Prinsesa dahil lang sa nawala ang kaniyang Reyna?! Wala siyang kwenta!

Makita lang kita ngayon Ramon Fabio ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo!

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon