Crystal Point Of View
"Crystal! H'wag mo ngang gawing lollipop 'yang kinakain mo. Hindi naman 'yan kasing tigas ng lollipop, kaya kagatin mo nalang. Huwag yung tipong———"
"Tipong ano?"
"Wala!" Sagot nito at tinuon nalang ang attention niya sa pagkain.
Gash! Bakit ba hindi siya na-aakit sa akin? Siguro kung malandi lang akong babae, kanina pa na rape 'to sa akin.
"Joshua saturday na bukas." pagbasag ko sa katahimikan.
"Ano naman kung saturday na bukas?" Walang gana niyang tanong sa akin.
Hayst! Sarap hampasin ng hotdog.
"Syempre, wala akong work. So pwede tayong mamasyal." sagot ko sa kaniya.
"Tignan ko." tipid niyang tugon sa akin. Aish!
"Bakit hindi ka nalang um-oo? Bakit titignan mo pa lang?" Inis kong tanong sa kaniya.
"Kasi may mata ako." pilosopo niyang sagot sa akin. Nakita ko naman na tapos na siyang kumain.
"Aish! Mamasyal nalang tayo bukas please? Gusto kong pumunta sa Sea Bay, Sa surfing capital of the north. Namiss ko na rin kasi ang pag se-surfing." Pagkukumbinsi ko sa kaniya na ikinakunot naman ng kaniyang noo.
"Marunong kang mag surf?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya, "Oo".
"Ah" singhal niya tsaka niya ako iniwan ditong naka-tunganga.
Gash! Bakit ba parang ang awkward? Balik ba ulit sa dati? Hayst! Yun na eh, umamin na siya na nagseselos siya kaso hindi nga lang niya ako mahal.
Linigpit ko nalang ang mga pinag-kainan namin, at hinugasan ang mga ito bago pumunta sa kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad bumungad sa akin ang mukha ni Joshua.
"Bakit nakahiga ka sa kama ko?" Kyuryusidad kong tanong sa kaniya. Ngunit ang loko, ni hindi man lang ako pinansin. Kinuha lang niya yung kumot ko at tinakip ito sa buong katawan niya.
"Uh, sige. Matutulog nalang ako rito sa baba." sabi ko, kahit na alam kong hindi naman niya ako sasagutin.
"Sleep beside me!" Nagulat naman ako sa utos niyang iyon.
Fudge! Sinasapian ba si Joshua?
"H'wag na, ayos lang naman ako rito sa baba." sagot ko nalang sa kaniya, kahit hindi ako komportableng humiga rito.
"Mahihiga ka rito o ako ang magpapahiga sayo rito? Mamili ka" nag babanta niyang tanong sa akin. Ngunit hindi ko pa rin siya pinansin, at ginaya ko rin ang ginawa niya kanina. Kinuha ko yung kumot niya at tinakip ito sa buong katawan ko.
"Sheez! Joshua ano ba!" Gulat na gulat kong sambit, nang bigla nalang akong buhatin ni Joshua kahit na naka-talukbong pa ako ng kumot.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Agent (COMPLETED)
RomanceCrystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy happens to Crystal, someone wants to kill her. So she decided to get someone who will protect her-t...