Chapter 16

5.2K 151 3
                                    

Crystal Point Of View

"Joshua kaya ko namang magluto eh, bakit hinahayaan mo lang akong umupo rito? Hindi naman ako lumpo!" reklamo ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin, "Mine, call me mine. Cause I'm yours now." utos niya sa akin. Tsaka niya tinuon ulit yung attention niya sa niluluto niyang pagkain.

"Nahihiya ako eh!" tugon ko sa kaniya, habang kinakagat ang pang-ibaba kong labi.

"Nahihiya ka? Ni hindi ka nga nahiya nung inakit mo ako." bigla namang umakyat ang lahat ng aking dugo sa aking mukha.

"Hindi kasi ako makapaniwala na sa'kin kana." mahina kong saad, ngunit hindi niya narinig iyon. Kaya naman pinanood ko nalang siyang magluto habang naka-upo ako rito.

Parang kanina lang ay gusto kong umiyak, dahil akala ko hindi niya ako mahal. Pero nang umamin siya sa akin ay parang ako na ang pinaka maganda sa balat ng lupa. Hindi ko nga inaasahan na mahal na pala niya ako noon pa.

"Ano naman ang tumatakbo sa isip ng taong mahal ko?"

Nagulat naman ako ng hindi ko namamalayang umupo pala sa tabi ko si Joshua. Tsaka ito bumulong sa akin, kaya sa gulat ko ay nahampas ko ang braso niya.

"Ouch mine, sinasaktan mo na ako?" Sambit naman niya, habang hawak-hawak ang braso niya na nahampas ko.

"Sorry nagulat lang ako, saan ba ang masakit sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Nagulat naman ako ng kinuha niya ang kamay ko at dinikit niya ang isa kong daliri sa kaniyang labi.

"Dito ang masakit." saad niya at ngumuso pa sa akin.

Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay, "Joshua itigil mo nga 'yang ka-sweetan mo! Kinikilig ako eh!"

Tinanggal naman niya agad ang dalawa kong kamay sa mukha ko, "Ayos lang na kiligin ka, lalo na at ako ang dahilan." saad niya, habang titig na titig sa akin.

"Ewan ko sayo, tignan mo kaya yung niluluto mo! Mamaya masunog na 'yon eh." kunwaring inis kong saad sa kaniya.

"Kanina pa luto ang niluluto ko, umupo kana ng maayos at ihahanda ko na ang kakainin natin." malambing niyang sambit sa akin bago niya kinuha ang mga niluto niya.

"Napakarami ng niluto mo ah, birthday mo ba ngayon?" Biro kong tanong sa kaniya.

Ngumisi naman siya sa akin, "Hindi ko Birthday, pero special day itong araw na 'to dahil girlfriend na kita."

Nginuya ko muna ang kinakain ko bago ako mag-salita, "Wow proud na proud ah, parang noon lang pakipot kapa nung liligawan kita." biro ko naman sa kaniya.

"Kumain na nga lang tayo." Pag-iiba niya ng usapan, tsaka niya ako sinubuan ng pagkain.

Kaya naman ang ending, ay nag subuan na kami ng pagkain. Hanggang sa maubos namin lahat ng hinain niya.

"Magpahinga ka na at ako na ang mag huhugas sa mga pinagkainan natin." utos naman niya sa akin, nang tangkain kong iligpit ang mga pinagkainan namin.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon