Crystal Point Of View
"Ma'am!"
Tumingin naman ako sa kaniya, "Ano ba? Kanina ka pa Ma'am ng Ma'am sa akin ha! Alam mong broken ako ngayon!" Inis kong sumbat sa kaniya. Dahil kanina pa siya nangungulit sa akin. Mula ng makarating kami rito sa condo ko.
"Gutom na ako." Tugon naman niya at nag pa-cute pa sa harapan ko.
"Edi kumain ka! Maraming pwedeng lutuin d'yan sa kusina. Tsaka h'wag ka ngang mag pa-cute, nasusuka ako sa mukha mo!"
Nagkamot naman siya ng kaniyang batok, "Eh kasi Ma'am, hindi ako marunong mag luto."
"Kung hindi ka marunong, mamatay ka nalang sa gutom!" Pasigaw na sagot ko sa kaniya.
"Bahala ka! Tatawagin ko yung asawa ko at sasabihin ko na multuhin ka." Pagbabanta naman niya sa akin.
Kumunot naman ang noo ko, "Tatawagan? May cellphone ba siya sa langit?" Pilosopo kong sagot sa kaniya.
"Ewan ko sayo, Ma'am! Bahala ka, pag ako namatay sa gutom dito. Ikaw ang una kong mumultuhin!" banta niya ulit sa akin.
"Alam mo? Ang daldal mo!" Singhal ko sa kaniya.
"Ma'am bigyan mo ako ng pagkain at tatahimik ako." sagot naman niya at ngumiti pa sa akin. Nakita ko tuloy ang malalim niyang dimple.
"Bahala kang mag hanap ng pagkain mo! Si Joshua nga nilulutuan pa ako tapos ikaw——" naputol naman ang dapat kong sabihin nang sumabat agad si Vince.
"Ma'am hindi po ako si Agent Joshua, kaya hindi kita kayang lutuan. Dahil ako po si Agent Vince, ang pinaka cute na Agent." mayabang naman niyang saad.
"Mas cute pa sayo si Brownie, ikumpara mo yung mukha mo sa kaniya." tugon ko naman at nilapitam si Brownie na nakadapa sa sahig.
"Aso 'yan ni Agent Joshua ah, bakit hindi niya sinama?" Naka-pagtatakang tanong sa akin ni Vince.
"Ewan ko, bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako si Joshua." Sarkastiko ko namang sagot sa kaniya.
"Oo nga noh? Ang tanga ko sa part na 'yon." sambit naman niya.
"Hindi lang sa part na 'yon. Dahil araw-araw kang Tang——"
"Araw-araw akong cute!" sabat naman niya at ngumiti ulit sa akin.
"Aish! Bahala ka sa buhay mo! Matutulog na ako!" singhal ko at akmang papasok na sa kwarto, kaso nagsalita ulit siya na ikinatigil ko.
"Hep! Hep!Hep! Ma'am. Hind———"
"Hooray! Hooray! Hooray!" Pagbibiro ko naman sa kaniya.
"Hahaha Ma'am ang corny mo!" Sumbat niya, "Pero Ma'am sana h'wag ka munang matulog dahil gutom pa ako. Ayos lang naman sa akin na h'wag kang kumain basta pakainin mo lang ako." dagdag pa niya.
Napataas naman ang kilay ko, "Ang kapal din ng mukha mo ano?"
Napahawak naman siya sa kaniyang mukha, "Yes Ma'am! Makapal po talaga ang mukha ko, kasi pag manipis ito baka kanina pa napunit 'tong cute kong mukha." pagmamayabang ulit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Agent (COMPLETED)
RomanceCrystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy happens to Crystal, someone wants to kill her. So she decided to get someone who will protect her-t...