Continuation..
Eto na nga....
ang sunod na kabanata...
ano na nga talaga ang mangyayari sa aking di matapos tapos na kwento..
...sa pagpapatuloy nang aking boring na buhay, na binigyan ng sigla ng isang lalaking ubod ng yabang,. ito na ang nangyari sa aking kwento.
halos araw araw, bago pumasok ay iba na ang linalaman ng aking isip. Halos bawat araw ang laging lumalabas sa bibig ko ay ang pangalan nya. halos naiinis na ang mga kaibigan ko, sa walang sawang pagbanggit ng pangalan nya. Pero ewan ko ba, dko maiwasan na ikwento ko sya sa bawat tao sa paligid ko.
at yon na nga, bago pumasok sa umaga ay halos isang dekada ang inaabot ko sa harap ng salamin para lang pagdating ko sa school ay Freshness ako pag nkta nya ko, pero kung titingnan hinde talaga aabot ang hairstyle mo pagdating sa school, syempre ikaw ba naman sumakay sa tricycle, ewan ko lang kung makaka survive ung buhok mo.
Pero ganito parin ang everyday routine ko,
may mga araw na para bang ang laki laki ng school namin, kase akalain mo sa isang buong araw ay di ko pa sya nakikita. GRAVITY talaga. at ang masama pa nun, ung mga kaibigan ko ang nadadamay sa poot na aking nararamdaman. haha choz.
pero ganon talaga ako kabadtrip pag di ko sya nkikita. hanggang sa isang araw,
tila ba, parang mas napapansin nya na ako, hindi naman dahil sa nadapa ako, pero siguro dahil na rin un sa kagandahan ko, LOLs!
nandyan na ung mga SECOND LOOK na nangyayari.
Ito ung napatingin sya sayo at humirit pa ulit ng isa pangalawang tingin.
dba kakilig ung ganon?
alam ko dyan na un nagsisimula.
kaya nagayon ay patuloy parin na nangyayari ito sa amin,
pero ang tanong....
hanggang tinginan na lang ba kami habang buhay???
o pwede ba tong lumalim katulad ng libingan ng mga patay?? haha
ay nako bahala na.
Pero sa tingin nyo, ung ganong pagsulyap ay may kasama na bang pagmamahal, o napatingin lang dahil sa dumi sa aking mukha??
hayyyy,
at eto na nga,
darating nanaman ang lakbay aral namin..
haaaayyyy... ano ba talaga??
sana naman ay matuloy na ang love story na ito. hanggang kailan ba ako mghihintay??
(kung maputi na ang buhok ko). hayss...
o maging(black and yellow) na ang mga ngipin ko?
o sya.
babay na.
ewan ko na kung may susunod pang part to.
sa kanya na nakasalalay yun. kase, ano naman ang isusulat ko dito kung wala naman akong maikwekwento sa inyo.
dba tama ako??
:)))
geh
Gudbye
and
GODBLESS!! mwuahhh.