Alice is an owner of bookstore. Hindi ganon kalaki ang negosyo niya pero ito ang bumubuhay sa kanyang pagiging independent. Her mother is happily married with another man at hindi sa ama niya. Anak lang sa pagkadalaga si Alice.
''Hello Alice anak. Kumusta ka na jan? Kelan ka ba dadalaw dito? Miss ka na ng mga kapatid mo.''bati ng kanyang ina na nasa kabilang linya habang patuloy si Alice sa pagsasalansan ng mga naka-display na school supplies sa kanyang tindahan.
''Hindi ko alam ma...sayang ang kikitain kung magsasara ako.'' Ngunit hindi naman ito ang totoong dahialn niya kung bakit siya laging tumatanggi. Ang totoo ay nawalan na siya ng gana makasama ang kanyang ina simula nang mas pinili nito ang kanyang lalaking pinakasalan kaysa sa kanya.
''Nak...pahinga ka naman. Sabi ko naman sayo diba, dito ka na'lang sa Iloilo. Pwede mo naman ituloy ang business mo rito or...sayang naman yong master's degree mo kung hindi mo gagamitin diba. Marami rin namang opportunity dito. Madali kang matatanggap sa mga office dito kung mag-aaply ka dahil maganda ang backround mo.''paliwanag ng kanyang ina.
''Ma...ayoko nga diba. Dito lang ako. Ayoko jan.'' Sa halip na matuwa si Alice dahil sa kumbinse ng kanyang ina ay lalo lamang syang nakukulitan habang tumatagal.
''Nak...kung hanggang ngayon hindi mo matanggap na-'' Inunahan ni Alice ang kanyang ina sa sinasabi nito sa kanya.
''Okay lang ako dito. Okay lang ako. Sige na ma...marami pa'kong aayusin. Bye!'' Agad siyang namaalam at binaba ang tawag habang ang ina niya ay nais pa sana siyang makausap. Hindi na bago si Alice sa mga ganitong senaryo. Paulit-ulit niyang binabalewala ang kanyang ina upang maramdaman din nito ang naramdaman niya noon.
Flashback...
''Ma...pagkatapos ba ng kasal na toh babalik na tayo sa Manila?'' tanong ni Alice noong siya ay nasa labing-anim na taong gulang pa lamang sa kanyang inang nakasuot pankasal. Habang hindi ramdam ng bata ang suot niyang bridesmaid's gown. Para siyang lalaking nakatayo at nakasimangot sa gilid ng kwarto.
''Nak...diba nagpaalam na ako sayo na dito na tayo magsisimula ulit sa Iloilo. Mas tahimik ang buhay dito at para matulungan din natin ang Tito mo sa negosyo nya.'' Nakangiti parin ang kanyang ina kahit batid niyang hindi gusto ng anak ang kanyang desisyon dahil nagbabaka-sakaling ito ang magiging daan para pumayag na si Alice sa kanyang plano.
''Bakit ma...di mo kayang magtrabaho para sa'teng dalwa? Maganda naman ang trabaho mo sa Cavite diba? At saka...mag-cocollege na ako, mas gusto ko don mag-aral''pagdadahilan ni Alice.
''Pasensya na 'nak pero hindi ko pwedeng iwan ang tito mo.'' Mabigat man para sa ina na sabihin ito ngunit ito naman talaga ang totoong dahilan.
''Okay, okay lang. Sa bagay matanda narin naman ako e...kaya ako na'lang babalik ng Cavite. Kaya ko na'rin naman siguro ang sarili ko na wala kayo.'' Malutong na pagkabanggit sa salitang 'wala kayo' na tumira sa damdamin ng kanyang ina.
''Alice, anak...nagkita kami ng papa mo noong nakaraan at...gus-to ka nyang makilala.'' Baka sa sinabi niyang ito ay matuwa ang kanyang anak kahit papaano.
''Ganon ba...sabihin mo ma...ayoko, hindi na kailangan. Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong sinungaling at manloloko.'' Masamang loob na sagot ni Alice sa kanyang inang dapat sana ay masaya sa araw na ito ngunit patuloy na tumatagos ang bawat sinasagot sa kanya ni Alice.
''Pasensya na anak. Sana...sana hindi ka matulad sa'ken, kaya gusto ko piliin mo yong lalaking bibigyan mo ng buong pagmamahal mo. Yong lalaking pakakasalan mo...sana makahanap ka ng matinong lalaking katulad ng Tito mo at hindi katulad ng tatay mo.'' Ito na lamang ang nais sabihin ng kanyang ina na ayaw niyang matulad sa kanya ang anak.
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...