RECOVERY PART 2

11 1 0
                                    

14.

Maaga ako nagising kinaumagahan pero hindi ako lumabas ng kwarto. Wala akong ganang lumakad-lakad o gumalaw man lang. Kung hindi nga lang kami inaasikaso ng mga nurse dito ay baka hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakakain.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingala sa kisame ng biglang nabulabog ako ng tatlong katok. Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na agad ito at ang pamilyar na mukha ng isa sa mga nurse ang tumambad sa akin.

May hawak syang cellphone at inilahad niya ito sa akin.
"Gusto daw kayong kausapin, Ms. Saylor" she softly said. Dahil wala naman kaming mga cellphone na dala ni Wade dahil nga nagkawalaan nung nasabugan kami ay sa telepono ng ospital kami nakokontak nila Beverly at pati na din ni Wendy.

Tinanggap ko ang cellphone at bago ko ito itapat sa aking tenga ay nagsabi ang nurse na nasa labas lang daw sya maghihintay kapag tapos na ako.

"Bree" boses ni Beverly na kaunti nalang ay paiyak na ang sumalubong sa akin sa telepono.
"Anong nangyari?"

"Si Nay Matilda kasi" biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ako nakagalaw at inaantay ko ang kasunod niyang sasabihin. Pero sa loob loob ko ay hinihiling ko na sana hindi ito katulad ng iniisip at kinakatakutan ko.

"Inaapoy na sya ng lagnat kaya sinugod na namin siya ni Tristan sa ospital kani-kanina lang" bumiyak na ang boses niya at gustong gusto ko siyang yakapin ngayon. Pero malayo siya sa akin. Malayo sila sa akin.
"Ano daw sabi ng doktor?"

"Nothing serious naman daw, trangkaso lang. Pero ayoko pa ding nakikita si Nay na nahihirapan" sisinghot-singhot pa siya sa kabilang linya. Nakahinga naman ako ng maluwag at hindi ganoon ka-serious ang nangyari kay Nay Matilda.
"Nasaan si Tristan?"

"He's arranging the bills" mula sa pagkakahiga ay umupo ako at yinakap ang magkabilaang tuhod ko habang hawak ang cellphone sa aking tenga.
"Si Nay nasaan?"

Sandaling katahimikan bago muling sumagot si Beverly.
"Nandito nagpapahinga siya ngayon. I-oobserve muna daw sya ng mga doktor kaya kailangan naming mag-stay overnight para bantayan siya. Pero kung bukas naman daw at wala silang napansin na iba ay pwede ng i-discharge si Nay Matilda at sa bahay na magpatuloy magpagaling"

Medyo nalungkot ako ng malaman ko na hindi sila makakadalaw. Sobrang nakaka-boring na kasi dito at kahit gising na si Wade ay hindi ko naman siya nakakausap. Pero mas gugustuhin kong manatili sila doon dahil mas kailangan sila ni Nay Matilda.

Maya maya lang ay binaba na din niya ang linya. Napa-buntong hininga muna ako bago bumaba sa kama at binalik sa nurse na nag-aantay sa hallway ang telepono. Dumiretso ako sa kwarto ni Wade. Pero bago tuluyang pumasok ay sinilip ko muna kung gising siya. Nakaupo siya sa kama at nagbabasa.

For a moment na-ilang akong tumuloy kaya nanatili akong patagong nakatayo doon habang iniisip ang susunod kong gagawin.
"Pumasok ka nalang mukha kang tanga diyan" saad niya at inilipat sa susunod na pahina ang librong binabasa niya. Buti na nga lang may mga libro silang binigay sa amin na pwede naming gamiting pan-libangan.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok ako. Hindi ako tuluyang tumuloy, tumayo lang ako malapit sa pinto.
"Bakit?" nagtanong siya ng hindi ako tinitignan. Nairita ako sa tono ng pagtatanong niya na walang ka-latoy latoy. Wala talagang kwenta kausap ang lalaking 'to.

"Tumawag sa akin si Beverly. Sinugod daw sa ospital si Nay Matilda" at doon umangat ang tingin niya sa akin. Hindi siya sumagot at nag-antay lang ng idadagdag ko sa aking sinabi.
"Hindi naman daw seryoso, trangkaso lang. Magii-stay sila don overnight kaya walang bibisita sa atin ngayon"

Sa mga sumunod na oras ay sinabayan ko si Wade na kumain. Pero walang umimik sa amin. Mas ayos na 'yon kesa naman kung ano-ano na walang kwenta ang sabihin niya. At mas ayos na din yun kesa sa asarin niya ako sa pagtabi ko sakanya nung nakaraang gabi. Kapag naaalala ko pa din ay kumukulo ang dugo ko at bigla kong gustong manampal.

The NightwatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon