chapter 1

11 3 2
                                    

Nanonood ako sa di kalakihan naming TV ng paborito kung Cartoons na Spongebob sa sala,habang naka upo na nag susuklay ng buhok kung medyo mahaba na rin dahil hindi ko na nagugupitan

"Ma! May tumatawag sa telepono!"
Sigaw ng ate kung si Ate Helen na nasa kusina habang nag luluto ng kakainin namin ngayong umaga.
Ilang sandali pa,lumabas si Mama galing banyo na sa pag kaka alam ko ay nag lalaba ng damit namin. Binalik ko nalang ulit ang pansin sa pinapanood.

"Hello?" Rinig kong sabi ni mama sa kabilang linya.

"Opo Andito po sya....Sino po kayo?" Rinig ko ulit na sabi ni mama saka tumingin saken at tinakpan ang ibaba ng telepono upang hindi marinig ng sa kabilang linya ang sasabihin nya.

"Shaina patawag ang papa mo sa labas may gustong kumausap sa kanya" sabi ni mama saken ng mahina lang at ibinalik ang pansin sa kinakausap. Agad naman akong tumayo at lumabas para puntahan si Papa Remus si papa ay isang half american and half pilipino.habang si mama naman ay pure pilipino. Isa kami sa medyong may kaya na pamilya ang papa kase namin ay isang secretary sa medyo sikat na kompanya. Pag labas ko ng bahay nakita ko si kuya Damon nanaka upo habang sumisimsim ng kape kasama si papa.

"Pa! May gusto pong kumausap sayo dun sa telepono" sabi ko at umupo sa tabi nila.pinalibot ko ang mata ko para makita ang paligid isang malawak na lupa.may mga naka palibot na iba't ibang kulay ng tulips sa bahay.sa bakuran,sa gilid ng bahay ay may mga gulay.Sa harap namn sa di kalayuan naming bahay ay may puno ng mangga, na sababa neto ay may upuan na kahoy na inuupuan namin ngayon.

"Sige anak,papasok na'ko sa loob" paalam ni papa,dumaan sya saken at ginulo ang buhok ko na kaka suklay palang.tumingin namn ako sa tabi ko si kuya na naka tingin na pala sakin tinaasan ko naman ng kilay.

"Oh..bat ka naka tingin?" Pag tataray ko kay kuya Damon.

"Ang Panget mo kase eh,di ka nag mana sa kuya mo na Pogi na matcho pa" pag mamayabang nyang sabi sabay pakita ng muscles nya.pinasadahan ko naman ang buong katawan ni kuya, asul na mga mata,mala rosas na labi,mahabang pilikmata,pointed nose,makapal na kilay,matangkad,malaki ang pangangatawan na nakuha nya kaka basketball,at higit sa lahat may matambok na pwetan na lagi kung pinag nanasahan. Di ko ngalang makita dahil naka upo sya ngayon at malaki ang short na suot nya..
Mag kahawig talaga sila ni papa, kuhang kuha ni kuya damon ang pustura ni papa.kung baga sya ang mini remus.

"Sus kuya ang hangin mo talaga" ayun nalang ang nasabi ko at bumalik na sa loob ng bahay. Pag pasok ko ay nakita ko ang bunso naming kapatid na si Eros na nanunuod na din ng paborito kung Cartoon at mukhang kakagising nya palang, sa gilid ng inuupuan nya ay may gatas na paunti unti nyang iniinom habang nanonood,Si Eros ay 8 years old,ang gusto ko lang sakanya ay yang chubby cheeks nya na lagi kung kinukurot,hindi kami medyo close ng kapatid kung yan, lagi ko kaseng inaaway ewn ko ba pero mahilig ako mag paiyak ng bata pero ang hirap patahanin.

Ilang sandali pa,tumabi ako sakanya at kinurot ang kabilang pisngi nya ng medyo madiin dahil nang gigigil ako.sarap kagatin nung na mumula nyang pisngi,grrr. Napatingin naman sya saken ng masama habang umiinom ng gatas.pinisil ko ulit yung matambok at pula nyang pisngi kaya napatigil sya sapag iinom at alam ko na ang susunod nyang gagawin.

"Mama, Si ate oh inaaway ako!!" Pag susumbong nya kay mama na hindi namn neto maririnig dahil nasa CR na sya.

"Hindi kaya,nood kana ulit bugwet" pang aasar ko.ngumuso naman syang tumingin saken at mukhang papaiyak na kaya bigla akong nag panic.
"Sshhhh...jowk lang yun. Di na kita tatawaging bugwet.wag ka iiyak ha bibilan kita lollipop" pang uuto ko sakanya.umaliwalas naman ang kanyang mukha at itinuon ulit ang pansin sa pinapanood.

"hali na kayo dito at kakain na tayo!"Sigaw ni ate helen sa kusina na mukhang kakatapos lang mag luto at mag ayos ng lamesa.tumayo naman si Eros at tumakbo pa tungo doon.tumayo narin ako sinarado ko muna ang Tv bago pumunta dun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stranger Become Friends(on Going)Where stories live. Discover now