Chapter 22 - A Child's Painting

289 10 13
                                    

Chapter 22 - A Child's Painting

Mabilis siyang tumakbo palayo ng Main Building. He was heading towards the abandoned forest and we had to cross the grassy field before anything. Nauuna siya at ako naman ay halos hindi na makahinga.

"Can we slow the fvck down, Math?" inis na sabi ko at tuluyang napahinto sa pagtakbo. Hindi ako runner!

"Tsk," sabi niya at napahinto na rin saka binalikan ako. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at hinila saka tumakbo. "Keep up with my pace. We cannot waste a second."

"Gusto mo ba akong patayin?!"

Hindi na siya sumagot at binilisan pa ang pagtakbo. Mahigpit ang kaniyang hawak sa akin na para bang hindi na niya ako papakawalan. Kahit kinakapos na ako ng hininga ay sinubukan ko pa ring sabayan ang kaniyang bilis.

Nang malapagsan namin ang field ay huminto siya at binitawan na ako. Ilang beses pa akong umubo saka napaluhod sa lupa. Tangina, hindi ako makahinga ng maayos lalo na't galing ako sa pag-iyak.

"Are you alright?" tanong niya. I rolled my eyes saka tumayo't pinagpag ang aking mga tuhod. Hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lamang.

Medyo mabilis ang aking paglalakad at naramdaman ko naman siyang sumunod. Kumunot ang noo ko nang wala pa ring nakitang kahit isang kubo na magsisilbing hideout ng aking ama.

"Naglolokohan ba tayo, Math?" inis na tanong ko sa kaniya. Medyo malayo na ang aming nalakad ngunit wala akong nakitang bakas ng isang hideout.

"We're here."

Napakunot ang noo ko at luminga-linga ngunit puro mga puno at mga halaman lang ang aking nakikita. I glared at him but he just looked at me and knelt down.

Hinawi niya ang mga tuyong dahon malapit sa aking puwesto gamit ang dalawang kamay. Magrereklamo na sana ako sa kaniya ngunit tinikom kong muli ang aking bibig nang makita ang isang bilog na metal sa ilalim ng mga dahon.

"Don't tell m--"

"Yes," sagot niya nang maalis na ang mga dahon sa paligid ng metal. Napaluhod na rin ako at tinulungan siya. Gamit ang sariling mga kamay ay inikot niya ang bilog na metal ng limang beses. Hindi iyon naging madali dahil luma na ang metal at kinakalawang na. Good for him, nakayanan niyang buksan kahit walang lubricant na gamit.

Nang bumukas iyon ay agad akong napatakip sa aking ilong dahil sa alikabok na nagsilabasan mula sa loob. Jesus, gaano ba 'to kalalim? I should have bought a flashlight with me or a thick coat. Baka mamaya'y lagusan pala 'to papuntang Narnia.

"Are you waiting for a miracle out there?" tanong ni Math nang makitang hindi ako sumunod sa kaniya sa baba. I rolled my eyes at sumunod na rin.

"I can't see a thing," sagot ko nang tumapak ako sa unang baitang ng hagdan. I am so anxious, baka mabali ang tinatapakan ko at dito na ako mailibing. 

"'Easy," sabi ni Mathew at hinawakan ang bewang ko. I stiffened but managed to remain calm and followed his guide. Nang maapakan ko na ang sahig ay agad akong napaubo at tinakpang muli ang ilong ko.

"H-Hindi pa rin tayo bati," I just blurted out of the blue.

"Have we fought?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nag-away ba kami or ako lang 'tong affected dahil sa confession niya? By the looks of it, ako pa yata ang na-awkward habang siya ay parang wala lang. Nainis ako dahil doon.

"Wala naman, pero di tayo bati," I said and rolled my eyes. Sinubukan kong kumapa sa dingding ngunit natigilan nang maramdamang may matalim na bagay akong nahawakan. Parang nasugatan pa ako, ah.

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon