Naiiba ka

59 2 0
                                    

Tinuruan mo akong magpahalaga

Binigyan mo rin ng bagong pag-asa,

Ako'y nag-iba, Naging masaya

Ginang Canasa, NAIIBA ka.

Ika'y aking minahal

Pagkat ika'y bigay ng maykapal,

Alam kong para sa akin, ika'y biyaya

Ginang Canasa, NAIIBA ka.

Akala ko'y magiging bato

Aking buhay kolehiyo,

Ngunit dumating ka

Ginang Canasa, NAIIBA ka.

Ngayong tayo'y magkakalayo

Aking luha'y biglang namuo,

Gayunpaman, sana ako'y iyong maalala

Ginang Canasa, talagang NAIIBA ka.

Naiiba kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon