Mga Luha Mula sa Imahe

126 3 1
                                    

“Photos preserve not just the scene in the image, it also save and bring back the memories behind each and every picture.”

 Si Jim

“I’m Jim, a transfer student from the province. Promdi ang tawag sa aming mga galing probinsya. Well, kasalukuyan palang akong nag aadjust sa buhay dito sa lungsod. Kailangang kong mag transfer dito sa lungsod dahil nalipat ang trabaho ng aking tita dito. Siya ang nagpapa aral sa akin. Nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ingay ng lungsod, mga nagtataasang gusali at syempre mga taong kasama ko dito. Nasanay ako sa tahimik na buhay sa kabayanan pero sabi nga nila, “Change is the law of life” kaya’t kailangan kong sumunod sa daloy ng buhay na meron ako ngayon.

Bukas na ang first day ko sa paaralang aking pinasukan, isa lang itong pampublikong paaralan ngunit kahit na ganun pa man, masaya parin ako dahil nakakapag aral ako. Sabi nga ay “Edukasyon ang Solusyon”. Tama nga naman, dahil sa edukasyon, kaya nating paunlarin ang ating bansa sa mga trabahong nabubunga ng pag-aaral, kaya nating wakasan ang hindi pagkakaintindihan sa ating bayan. Yan lamang ang ilan sa nagagawa ng edukasyon. Hayy, osya, matutulog na ako. May pasok pa ako bukas. Ayoko namang ma late sa first day ko. Paalam.”

Humiga na si Jim sa kanyang kamang maliit sa isang kwartong masikip. Sana’y na sya sa ganitong buhay, marahil dahil sya’y galing probinsya. Handang handa na sya sa kanyang unang araw sa eskwela. Handa na ang kanyang gamit. Halatang excited na sya sa kanyang unang araw sa eskwela.

The First Day

“Didit-didit-didit”, ang malakas na ugong ng alarm clock ng telepono ni Jim. 4:30 na ng umaga. Pinatay na niya ang alarm ng kanyang cellphone at tumayo na mula sa kanyang pagkakahiga. Inayos nya ang kanyang pinaghigaan, naghilamos at nagsimula ng maghanda sa pag pasok.

“Grabe, naninibago parin ako” sambit ni Jim sa kanyang titan a gunising narin upang makapaghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. “Haha. Masasanay karin. Malamang naninibago ka pa, paano ba naman, Labing limang taon ka sa probinsya at ngayon ka alang nakapunta dito,” sambit ng kanyang tiya. Hindi na sumagot si Jim sa pahayag  ng kanyang tiya. Dumiretso na sya sa banyo para maligo. Pagkatapos  maligo’y kumain na sya ng agahan. “Tita, makakahabol pa kaya ako sa mga aralin?,” tanong niya. “Kaya mo yan. Alam kong kahit hindi ka kasama sa top 10 ng eskwelahan mo sa probinsya’y kakayanin mo yan.” Halatang may halong kaba sa dibdib si Jim sa kanyang unang araw bilang isang transfer student sa bagong paaralang kanyang papasukan. Nagpaalam na sya sa kanyang tita at lumarga na papunta sa kanyang “bagong kanlungan” na ilang street lang mula sa kanilang tinitirhan.

“WELCOME,” isang malaking marka sa eskwelahan. Sa kanyang pagpasok, kaliwa’t kanan ang tingin ng mga tao sa kanya. Hindi naman mapakali si Jim kaya’t tumango nalang siya. Biglang may lumapit sa kanya. “Heyy dude, bago ka lang dito no?” tanong ni Luke, isa ring Fourth year student tulad ni Jim na kilala sa kanilang eskwelahan dahil sa isa syang “public speaker”, I mean, announcer sa kanilang school. Daig pa niya ang Public Information Officer ng kanilang eskwelahan.  Isa rin syang varsity player. Nagulat si Jim sa paglapit ni Luke, “Ah. Oo” sagot naman ni Jim sa tanong ni Luke. “Haha. Sabi ko na nga ba eh. Well, ako nga pala si Luke Mendoza from IV- Einstein”. “Ah, From IV- Einstein ka? Well, that’s great. Nakalagay kasi sa registration form ko noong nag enroll ako, sa IV- Einstein daw ako mapupunta. Sambit ni Jim.

“Nice! well halika muna, ito tour muna kita dito sa school namin, I mean, school natin” yaya ni Luke. “Sige, bro! Uhm, by the way, ako nga pala si Jim Orense.” “Nice meeting you,bro!” sagot ni Luke.

Gumala silang dalawa sa school grounds. Nagmistulang tour guide si Luke kay Jim pero pag tinignan mo ng maiigi ay mkstulang barkada na agad sila, parang best friend ba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Luha Mula sa ImaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon