"Paano ko ba gagawin 'to?"
Bulong ko sa harap ng salamin
"Andrea, may gusto sana akong sabihin-"
Wag 'yon! Ang pormal masyado.
"Andrea, gusto kita."
Wag din 'yon, straightforward naman.
Ano ba yan, di ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko alam kung paano ako aamin sa kanya!
Ba't ba kasi ang torpe ko!
Pagkatapos kong ikundisyon ang sarili ko, umalis na ako at pumunta sa venue ng prom. Maaga kasi calltime ng student council kasi kami ang organizer ng event.
"Uy John, Pogi ng porma mo ah!"
"Salamat pre, ikaw din."
Andito ako ngayon sa may tech booth, nagso-soundcheck na kami ng mga ipapatugtog mamaya para sure na walang aberya.
"John, nacheck mo na ba yung mga sash na ibibigay?"
Tanong ng adviser namin.
"Hindi pa po sir, I'll check it now."
Pumunta ako sa baba ng stage.
Grabe, ang dami pala naming prize na ibibigay mamaya. May mga sash, pins, at syempre, mga korona para sa prom king and queen.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Andrea,
Pangarap niya daw maging prom queen.
Sa bagay, bagay naman talaga sa kanya.
Kung pwede lang na siya agad ang panalo, ipapanalo ko siya.
Pero simple man o espesyal ang araw, reyna siya para saakin.
"Okay guys in 10 minutes, magpapapasok na tayo."
Sabi ng President namin sa microphone.
"Tech booth, are we clear? Okay. Logistics, are you ready? Prizes, okay na ba John?"
"Okay na!"
Sagot ko.
Pagkatapos mag announce, pumunta muna ako sa comfort room para manalamin.
"Wow."
Hindi ko inakalang ako talaga ang nakikita ko ngayon sa salamin.
Ibang-iba ang hitsura ko dahil sinunod ko yung gusto ni Andrea na style para saakin.
Mukha akong gentleman.
"Sana mag-work itong bowtie na 'to."
Bulong ko
Biglang lumakas ang tugtog, unti-onti kong naririnig ang boses ng mga tao.
Ito na 'to, chance ko na 'to.
Pumunta muna ulit ako sa may tech booth. Doon muna ako habang hinihintay yung chat ni Andrea kung andito na siya.
"Excuse me, organizer ka ng event? Pwede pa ba kaming mag soundcheck ng banda ko? Na-late kasi ako ng dating."
May lalaking lumapit saakin at nagtanong.
"Sorry, pero hindi na kayo pwede mag soundcheck. Nakapag papasok na kasi kami ng mga tao. Pag pinayagan ko kayo, papagalitan ako. Ano bang name ng banda niyo?"
BINABASA MO ANG
A "Torpe!" Story: The Honor Student
Cerita PendekThis Is a trilogy prequel of the Straight Play of FCPCT entitled "Torpe!" Written by Emir Loresto. The story follows the A+ Student, John's backstory and past. This is the Second Part of the Trilogy. Enjoy Reading!