Parang pelikula,
Ang buhay ay makulay at masigla.
May "happy ending" ika nga,
Ang ngiti ay saya ay makikita sa mata.Parang pelikula,
Mga kwentong parang ikaw ang bida,
Kulang nalang IKAW ang sa lente nakikita,
Buhay mo na talaga ang ibinabahagi sa ibaParang pelikula,
Papatak ang luha sa mga mata,
Nagmahal, nasaktan at iniwan
Akala mo wala nang pag asa na kaligayahan ay mkamtan.Parang pelikula,
Black and white ang pagsasama,
Napakalabo ang paningin,
di matanto kung aling landas ang tatahakin.Parang pelikula,
Sa buhay may bida at kontrabida,
Si bida na laging nagpipighati,
Si kontrabidang laging peke ang ngiti.Nasasalamin ang ating buhay sa pelikula,
Sa bawat pelikula na nakikita,
Isapuso at gamiting inspirasyon,
Tayo ang bida sa ating sariling telebisyon.
BINABASA MO ANG
Salamin ng buhay
PoetryMga ilang mga tula na kakikitaan ng mga tunay na nangyayari sa totoong buhay